Kaso wala siya sa chapel. Bumagsak ang balikat ko kasi pagkatapos ko bumisita kay Mama ay dumidiretsyo ako sa chapel para makita ang misteryosong babae. Kaso hindi ko naabutan kasi siguro nag-aaral pa ito. Wala ako nagawa kundi napili ko na lang magpahangin sa Eve Garden sa hospital. Pwede kasi magpahangin doon ang mga pasyente para kumalma sila at matulungan ng kalikasan ang kalusugan nila na lumakas. Napadpad ako sa Eve Garden at umupo sa wooden bench. Ang lakas ng hangin at ang payapa sobrang lugar. Hanggang sa namataan ko ang isang nurse na may tinutulak na wheelchair. It was a woman who has a bonnet and she looks skinny and bone. “Ma’am Olivia… nandito na po ulit tayo.” The woman smiled. “Thank you. Pwede mo na ako maiwan dito.” “Sige, Ma’am. Babalikan kita in twenty minutes pa

