That night bago matulog nag iwan ako ng message sa aking kaibigang si MJ. Sinabi ko na pumapayag na ako makipag kilala doon sa nirereto niya sa akin. Matagal na siyang nangungulit na may gusto siyang ipakilala sa akin pero I always turn her down. But now I need distraction, kailangan mawala na talaga sa systema ko si Levi. And maybe dating is the answer to my misery. Pagkatapos ko itong masend ay na tulog na ako. Kinabukasan pagkagising bumangon na ako at nagpunta sa banyo. As usual I did my morning rituals. Maganda ang mood ko pumasok ngayon sa office. Nakatanggap kasi ako ng reply mula sa kaibigan kong si MJ. Napakasaya niya ng ma-receive ang message ko kagabi. Siya na raw ang bahalang mag-set ng aking blind date. Napapailing na lang ako, mas excited pa siya sa akin. Hindi naman ma

