Chapter 6 New Friend

1617 Words
Ava's Pov Hawak ang isang baso ng kape, kampante akong naglalakad pa pasok sa building. Positive ang outlook ko today. Mula kasi noong engkwentrong naganap sa amin ni Levi sa grocery ay may na realize ako. Hindi ako dapat mag paapekto sa kanya. Dapat siya ang maapektuhan sa presensya ko. Between the two of us, siya ang may atraso kaya dapat siya ang lumugar. Hindi ako magpapatalo sa kanya, makipagsabayan ako ng inisan sa kanya kung maaari. Nginingitian ko ang bawat empleyadong nakaka salubong ko. Hindi ako plastic, hindi rin ako mahilig makipag bolahan. Simple lang ang matra ko ‘kung mabait ka sa akin mabait rin ako sa'yo.’ “Good morning miss A.” “Good day miss A.” “Good morning ma'am Ava.” Yan ang paulit-ulit na bati ng mga nakakasalubong ko. Binabati ko din sila pabalik, ayaw kong isipin nila na pangit ang ugali ko. Nagmana ako sa ugali ng daddy ko na friendly at approachable. I also have an angelic face that when you saw me smile ay mapapangiti ka rin. Kabaliktaran sa mukha ng Levi na iyon. Parating naka poker face, seryoso at hindi pala salita. Ewan bakit na inlove ako sa kanya dati. Dahil regular employee ang status ko sa company, hindi ako pwede gumamit ng VIP elevator. Kailangan kong makipagsabayan at makipag siksikan sa ibang mga empleyado. Walang special treatment walang anak anak ng may-ari. Patas ang lahat kahit sweldo ko regular rate din. Hindi naman ako nag re-reklamo, it's my parents way to make me humble and appreciate that every employee is an asset. Kahit janitor pa ‘yan o security guard. “Ma’am A, pwede pa picture? Fan niyo po kasi ako…Naka follow ako sa lahat ng account mo sa social media.” May isang nag lakas loob na lumapit sa akin habang nasa loob kami ng umaandar na elevator. Nginingitian ko siya at tumango bilang pagsang ayon sa gusto nito. Lumapit siya sa akin at nag smile naman ako sa harap ng cellphone niya. Nagulat ako dahil nagsigaya na din ang iba. Nag pa picture nadin sila sa akin, nakakatuwa. Game naman akong pinag bigyan silang lahat. May mga wacky pose kami at may naka finger heart pose din. Ang saya namin sa loob ng elevator. Nag goodbye na ako sa kanilang lahat dahil nasa right floor na ako. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad ako papalapit sa desk ni Filo, ayaw nyang tawagin siya sa buo nyang pangalan. Mabantot daw kasi ito at hindi bagay sa kanya. Yeah we are friends now, hindi na niya ako sinungitan after nyang malaman na anak ako ng may-ari ng kompanya. Nag explain din siya kung bakit ganoon ang ugaling pinakita niya. Marami daw kasing mga babaeng staff na nag hahanap kay Levi kunwari ay mag papa appointment ito o may kailangang ipa sign na documents pero ang totoo ay mag papa cute lang ang mga ito sa boss niya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sabagay may hitsura naman talaga siya dati pa, mas lalo pa nga na lumitaw ang ka gwapohan niya ngayon. Bumagay sa kaniya ang malaki at may muscle na nyang katawan. Pati kung paano siya manamit, bagay na bagay sa kanya. Good morning Filomina, how's your weekend?” Nakangiti kong bati, pero ang babae ay naka busangot ang mukha kulang na lang ay irapan niya ako. Lalo akong natatawa sa reaksyon ng kanyang mukha. “Miss Ava naman, please lang kung gusto niyong bati tayo, wag niyo akong tawagin sa buo kong pangalan. Filo nalang po F I L O, apat na letra lang para mabilis niyong maalala.” Nakanguso nyang saad sa akin. Ang cute niya talaga, ang sarap asarin at inisin. Inabot ko sa kanya ang hawak kong kape na binili ko pa sa isang sikat na coffee shop. Hindi talaga ito para sa akin, para ito kay Filo. Narinig ko kasi siyang may ka daldalan sa cellphone niya habang break time at na banggit niya ang isa sa paborito niyang frappe kaya lang nakakatikim lang siya nito kapag may ka meeting sila sa nasabing coffee shop. Pang peace offering ko na din sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi maka paniwala. Ang akala niya ay ipapatapon ko ito paro nang mahawakan niyang may laman pala ay nagulat siya. “I bought it for you, it's your favorite right? “ Tumango lang siya bilang sagot sa tanong ko. Hindi siya makapaniwalang binilhan ko siya. Mukhang naiiyak pa siya kaya pinigilan ko na ito. She's a nice girl, weird lang talaga siya mag ayos pero decente pa rin naman siyang tignan. Tahimik siya sa unang tingin pero kapag nakapag palagayan mo na ng loob ay madaldal siya at mapang asar, usual na ugali ng mga kabataan makulit at may pagka pilosopo minsan. Masaya ako dahil I found a new friend, mas bata siya ng ilang taon sa akin. Vocational course lang ang kinuha niya kasi ‘yon lang daw ang kaya ng pamilya nila. Mahirap lang sila kaya magsikap siya na makatulong sa kanyang mga magulang. May mga kapatid pa siyang nag aaral at sinusuportahan. “Relaks Filo its just a coffee. Hindi ‘yan house and lot kaya wag ka na mag drama.” Nakangiti na siya at masayang tinanggap ang binigay kong kape. “Kayo miss A gusto mo kape? Wag ka mahiya may 3 in 1 sa pantry templa ka lang diyan kung gusto mo. “ Alam nyang black coffee lang or tea ang iniinom ko. Ang bilis lang makabawi ngayon ay ako naman ang inaasar niya. “Nga pala Filo nasa loob na ba ang boss mo?” “Wala pa po miss Ava, baka daw po ma late si sir Levi ngayon may dadaanan pa daw kasi siya.” Hmmm…Very unusual na ma late siya, pero wala akong pake sa kung anong monkey business ang ginagawa niya, enjoyin ko na lang ang moment habang wala pa siya. Nag paalam na ako kay Filo at pumasok na ako sa loob ng office. Hindi talaga pumayag si Levi na ilipat sa labas ang table ko. Hindi ba niya gets na mas gusto kong makasama si Filo kaysa sa kanya. Pagpasok ko sa office ay naka on na ang aircon. Malinis at maayos na ang lamesa naming dalawa. Ito ang gusto ko kay Filo maasahan siya lagi hindi mo na siya kailangan pang utosan. Masipag din siya at magaling sa trabaho niya. 1 year na siyang secretary ni Levi kaya gamay na niya ang ayaw at gusto ng boss niya. Pero mukhang hindi niya alam ang kung anong meron sa amin. Expected naman na ‘yon secret lang naman ang relasyon namin kahit nga mga magulang ko hindi nila alam. Malamang kapag nalaman nila atakihin sa puso si mommy tapos makakatikim ng power punch ni dad ang magaling na lalaking iyon. Ang alam ng mga magulang ko wala pa akong naging boyfriend. Mabuti na lang at na wala na sa isip nila ang fixed marriage na sinabi ni grandpa. Against talaga ako doon, kung mangyari man ay tutol talaga ako. Ako ang pipili ng magiging asawa ko. Ako ang mag de-decide kung sino ang pakakasalan ko. Almost 9am na at wala pa din si Levi. Naisipan kong mag break muna at mag timpla ng kape. Pag labas ko hindi ko nakita si Filo sa desk niya, malamang kumakain na naman ‘yun kaya sinundan ko siya sa loob ng pantry. Hindi nga ako nagkamali, sarap na sarap ang babae sa pagkain ng cake. Hindi niya man lang napansin ang pagbukas ng pinto kaya naisipan ko siyang gulatin. Kumatok ako ng malakas sa pintuan dahilan para mapa sigaw siya sa gulat. “Ay bis0ng mo dako!... Ma'am naman ehh! Nanggugulat ka, alam mo namang magugulatin akong tao.” Reklamo niya sa akin, habang pinunasan ang nagkalat na cake sa kanyang mukha. Tawang tawa ako sa reaksyon niya, makapagsalita pa tuloy ng ibang lingwahe. “Sorry na bati na tayo… Grabe kasi concentration mo sa pagkain kaya hindi mo ako napansing pumasok.” “Kasi naman miss A, ang sarap ng cake. Ngayon ko lang ito natikman sa buong buhay ko. Ang sarap talaga.” “Ano bang cake yan? Baka expired na yan ha?” “Malapit na nga po ma expire kaya binanatan ko na ng kain. Ang mahal pa naman nito, pinabili sa akin ‘to ni sir Levi sa isang sikat na pastry shop. Akala ko iuuwi niya pero pinalagay niya lang sa ref. Siguro nakalimutan niya na ito. Tumikim lang naman ako pero napasarap ako ng kain kaya hindi ko namalayan lamon na ang ginawa ko. Hali ka miss A tikman mo carrot cake ito specialty daw ito ng shop na pinagbilhan ko.” Medyo nagulat ako, kaya lumapit ako kay Filo ang tinikman ang carrot cake na sinabi niya. Nang malasahan ko na ito. Nanlaki ang mga mata ko. Biglang bugso ng mga alaala ang bumalik sa akin. Paborito ko itong carrot cake na ito, at ito ang cake na niregalo ni Levi sa akin noong unang anniversary namin. Pinag iponan niya pa ang pinambili dito kaya hinding hindi ko ito makakalimotan. Habang naglalakbay ang utak ko sa alaalang dala ng carrot cake ay siya namang pagbukas ng pintuan at niluwa doon si Levi. Diretso ang tingin niya sa akin at bumaba ito sa aking hawak hawak na plato. Tumikhim siya bago magsalita. “Filo, ipagtimpla mo ako ng kape paki dala na lang sa desk ko, salamat.” Pagkatapos nyang sabihin iyon ay umalis na siya agad. Pangalan ni Filo ang binanggit niya pero sa akin siya nakatingin. Parang ako ang inutusan niya at sa akin siya nag papatimpla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD