Ava’s Pov
Halos maging the flash ang kilos ko dahil sa pagmamadali. It's my first day sa work at bawal akong ma late. Tapos na ang bakasyon ko kaya back to reality na ako ngayon. Hindi ko pa alam kung ano ang position na ibibigay sa akin ni dad sa company.
I'm hopping na Marketing head or kahit sa HR department lang ay okay na sa akin. Tutal ang sabi niya kailangan kong mag simula sa mababa.
Mabuti na lang hindi gaanong traffic ngayon, may kalayoan pa naman ang condo ko sa office. Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo ng sasakyan ko, at kapag stoplight ay doon ako nag aayos ng aking sarili.
Nag ring ang cellphone ko si mommy pala ang tumatawag kaya sinagot ko ito.
“ Yes mom I'm on my way na, malapit na ako sa building ilang blocks na lang nandyan na ako. Yes mom, according to your liking I wear formal office clothes today okay…. bye. “
Madali kong tinapos ang tawag dahil nag green na ang light. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa G Tower ang kompanyang pag aari ng pamilya namin. My grandfather built this company from scratch. He dedicated his whole life building this empire. But when he got sick my father took over the responsibility of the whole company. Isa si Dad sa mga pinakabatang naging CEO back then, at the age of 26. Pina lago niya ito together with Mom. Kaya mas lumaki pa ang kompanyang itinatag ni grandpa. Bilang nag iisang anak ng mga magulang ko I am obliged to work here. Wala akong choice, kahit na hindi talaga ito ang first love ko. Gusto ko talaga maging isang model and mag travel around the world. Pero I need to put aside my dreams dahil walang ibang pwede mag mana ng company kundi ako lang. The pressure is so high that sometimes nakakasakal na. It's overwhelming kaya minsan hinihiling ko na sana naging anak na lang ako ng isang simpleng mamamayan ng Pilipinas.
But, ito ang realidad ng buhay ko. Kailangan kong tanggapin at panindigan ang responsibilidad na nakaatang sa akin. I need to prove myself, I want to help evolve and expand this company for the sake of the employees and the pride of the family.
Pinark ko lang ang sasakyan ko sa tapat ng entrance ng building at paglabas ko ay agad may valet attendant na lumapit sa akin. Siya na ang bahala mag park, nag mamadali na ako dahil baka talakan na naman ako ni mom. Gosh too early for her rants and sermons, may hang over pa nga ako dahil 2 am na ako naka uwi kagabi. Sinulit ko kasi yung bakasyon ko. After ko kasi nag graduate ng college hiniling ko na wag muna agad ako pumasok sa company at gusto ko mag bakasyon muna. Surprisingly they granted my request without any arguments. Kaya for a year nagpunta ako sa ibat-ibang bansa at ginawa ang mga gusto ko. I even join the famous Paris Fashion week. It was an unforgettable moment of my life. For a while, it feels like I've achieved my dreams.
Three years ginawa ko ang gusto ko, my parents supported me and provided all my necessities. They let me enjoy my freedom, kaya ngayon wala na akong kawala. I need to face the reality.
Pag pasok ko sa entrance palang ay agad binati na ako ng mga employee na nakasalubong ko. Of course they knew me, ako lang naman ang nag iisang anak ng may-ari. Nakita ko ang secretary ni dad na si ate Flor kumaway ito sa akin. Malamang inaabangan niya akong dumating. Paglapit ko ay nag beso ako sa kanya. She's more like an aunt to me, matagal na siyang secretary ni daddy bata palang ako siya na ang assistant ni dad. Kaya she's like a family to us. Nag batian kami at pinuri niya ako sa suot kong damit. Mas nag mukha daw akong elegante tignan at matured.
Sakto nag stop na ang elevator, nandito na kami sa pinakataas na floor dito kasi ang office ni dad. Kumatok muna si ate Flor bago binuksan ang pinto. Agad sinalubong ako ni mommy at humalik sa akin.
“Good you're here na! Kanina ka pa hinihintay ng daddy mo. Mabuti naman you listen to me and wear proper outfit today, You look like a decent woman darling.”
I rolled my eyes alam kong inuoto niya lang ako. Ayaw niya kasi mag suot ako ng revealing na damit my mom is an old fashion lady.
Kabaliktaran sila ni dad, si daddy ang number 1 fan ko. He always supports me sa lahat ng gagawin ko while mom is so over protective.
Nag pakuha si mom ng kape kay ate Flor at hinila na niya ako papalapit sa table ni dad. Nagulat ako dahil may iba palang tao sa loob. Naka talikod ito kaya hindi ko makilala kung sino.
“Oh, nandito na pala ang unica hija ko.”
“Hi dad good morning, sorry I'm late.”
Binati ko siya sabay halik sa kanyang pisngi.
“You look stunning today darling. A beautiful mademoiselle isn't it Levi? ”
Nagulat ako sa binanggit na pangalan ni daddy. Iisang tao lang ang kilala ko sa ganyang pangalan. Ang lalaking nilibing ko na sa baul at pilit na kinakalimotan.
Napatingin ako sa kausap ni dad at nanlaki ang mga mata ko napa O ang aking bibig. Nasa isip ko lang siya pero nasa harapan ko na siya ngayon.
“Oh my gosh.”
Wala sa sariling anas ko
“You know him darling?”
Tanong sa akin ni mommy.
“Y-yes mom I
Y-yes mom I know him, very well actually. ”
Sagot ko kay mommy habang seryosong nakatingin sa lalaking naka tayo sa aking harapan.
“Oh! Really that's great. Hindi ka na mahihirapang mag adjust sa work mo.”
Napa kurap ako sandali at narealize ang main reason bakit ako nandito ngayon. Mag ta-trabaho nga pala ako sa company namin. Nakalimutan ko na ito agad, nakakainis 1 year na ang lumipas pero ganun pa rin ang epekto niya sa akin, nakakainis!
Pero, ano ‘yung sinabi ni mom?
“What do you mean mom? ”
“Ava, you will be under on
Levi’s supervision. Siya ang magtuturo sa'yo ng mga bagay na dapat mong malaman at matutunan, mga pasikot-sikot tungkol sa kompanya. Also as part of the training ikaw rin ang magiging personal assistant niya. You will follow all his instructions, siya ang magiging boss mo kaya you need to impress him. ”
“W-wait…wait wait. Are you for real dad? That man! He will be my boss? No, hell no dad…”
“Ava! Watch your word. Levi is not just anybody here. Hi’s the new Executive Vice President of the company. You should respect him and follow whatever he asks or demands from you. ”
Mas lalo akong na gulat sa sinabi ni mommy. Hindi ko ma process ang mga bagay bagay. Kahapon lang I'm having the best night of my life and now I'm experiencing the worst day ever. Why? Why!?...... Sumisigaw ang utak ko sa inis…Oo sa inis nga why of all people siya pa. At bakit? Paanong in that instant naging VP na siya agad ng company.
Kinalma ko ang aking sarili. Walang alam ang mga magulang ko sa background namin ng lalaking ito. How come naging malapit sila sa isat-isa, it seems like they've known each other for so long that they entrust me to him. Knowing my parents hindi sila basta basta nag titiwala ng tao. I need to know everything, I will find out what really happened sa mga panahong wala ako.
Yeah, ‘yon nga ang gagawin ko aalamin ko ang totoong pakay ng taong ito.
“We let you have your freedom. We supported all your whims and fancies. Now you should return the favor. Stop being a child and be mature to face your fate. ”
Galit na si dad, at ito ang iniiwasan ko. Mabait si dad wag mo lang talaga siyang galitin.
I heave a sigh…
“Okay, fine. Whatever! When will I start? ”
Saad ko bilang pagsuko.
“You’ll start today. You are now an official employee of the company. Just sign the papers Flor will give you then Levi will take charge of everything. ”
Masayang sabi ni daddy, wow ang bilis mag bago ng mood.
“I’ll take my leave now tito Manolo and tita Grace. I'll just wait for Ava at my office after all the paperwork is done. ”
Nakipag shake hands siya kay dad at umalis ng hindi man lang tumitingin sa akin.
Grrrrrr…. Kahit kailan nakakagigil pa rin talaga siya.