Just like what Rowan assumed, his schedules became hectic when he started his internship in Yu International. Madalas ay puro sa phone na lang kami nag-uusap dahil hindi nagtutugma ang schedules namin. Madalas pa na every weekend ang natatapat na schedule ng mga events na kailangan kong puntahan kaya may mga weekends na hindi talaga kami nagkikita. Kaya kahit weekdays, kapag nalalaman ni Rowan na maluwag ang schedule ko ay nagkukusa na s’yang puntahan ako sa unit ko kahit na hindi na s’ya nagsasabi sa akin. Madalas ay nangsusurpresa lalo na kapag monthsary namin. We were supposed to meet this weekend but something came up and he said that he couldn’t make it ‘coz there was some serious situation in their house right now. Nag-alangan naman akong itanong sa kanya kung ano ‘yon dahil mukhang

