I woke up still feeling dizzy. Hindi pa sana ako tuluyang gigising dahil inaantok pa ako pero narinig kong may mga nag-uusap malapit sa akin kaya unti-unting dinilat ko ang mga mata ko at nakitang nasa kwarto ako sa unit ko. Napasapo ako sa noo nang makilala ang doctor na kasalukuyang kausap ni Rowan. It was the same doctor who checked on me. Their family doctor. “Just keep an eye on her health. Make sure she’s taking all the supplements I gave her,” narinig kong sabi ng doctor sa kanya. Tumango si Rowan at nagpasalamat sa kanya. “Ahh…” pahabol pa ng doctor at muling hinarap s’ya. “Please tell her to avoid stressful activities for the meantime until she passes the first trimester…” dagdag na bilin pa nito bago sila tuluyang lumabas sa kwarto. Napapikit ako at ilang sandali lang ay narin

