Twin

1324 Words
NATHALIE’S POV “Nath, please! Pakisabi naman kay Vaughan mag usap kami, oh? I really didn't know why he suddenly became cold. Wala pa kaming tatlong araw na mag-on. Oh my God! My friends will be coming over this weekend. Balak ko pa lang s'yang ipakilala sa kanila!”   Umangat ang tingin ko sa kaklase kong si Leyana. She was bugging me nonstop since yesterday. Hindi na raw s'ya pinapansin ng kakambal ko pagkatapos maging sila 'officially' which I think isn't true because I know how my twin usually handles his relationships. Vaughan never date someone twice. No, scratch that. He never go on a date. He just go out with someone casually, so that he can jump from one girl to another. He never court someone. Well, I've never seen him court someone. Kung nanligaw na s'ya dati ay imposibleng hindi ko malalaman dahil masyadong careless ang kakambal ko. He never put passwords in all of his gadgets. Kahit nga ang social media accounts n'ya ay palagi n'yang nakakalimutan ang password kaya ipinapaalam n'ya sa akin para sa akin na s'ya magtatanong kung makalimot man s'ya! Napailing iling ako nang maalalang kailan lang s'ya gumawa social media accounts at mukhang gagamitin pa yata n'ya iyon sa pag stalk sa kung sino mang susunod n'yang bibiktimahin!   Tinapunan ko ulit ng tingin si Leyana na parang maiiyak na habang hinahawi pataas ang straight na straight at itim na itim na buhok. She looked devastated. Bigla akong nakaramdam ng kung anong awa sa kanya. She doesn't seem like someone who would know instantly that Vaughan is cheating on her already. Kanina lang ay nakita kong may kasama ng iba ang kakambal ko kaya nagsabi sa akin na mali-late s'ya ng balik dito sa office ni Daddy. We are currently spending our three months internship here in Montecarlo Holdings kaya nagtataka pa ako kung bakit napunta si Leyana dito samantalang ilang kilometro ang layo ng kompanya kung saan ito nag i-internship. Bumuntonghininga ako bago s'ya kausapin ulit.   “Did you sleep with him already, Leyana?” tanong ko na halos hindi kumukurap. Alam kong hindi na binabalikan ng kakambal ko ang isang babae kapag naikama na n'ya ito. This isn't the very first time that Vaughan did that, anyway. Sa halos lahat ng babaeng kusang lumalapit sa kanya ay halos lahat sila ay lumalapit sa akin at nagtatanong. Ang iba ay nagtatanong lang para kompirmahin ang hinala nila. Ang iba naman ay umiiyak at parang pinagsakluban ng langit at lupa, katulad nitong si Leyana.   Sa tuwing may lalapit sa akin na babae at nagtatanong tungkol kay Vaughan ay iisa lang ang parati kong sinasagot: My twin never stick to one girl. So better find someone who is worthy of your tears.   Parang gulat na gulat pa at hindi makapaniwala si Leyana nang marinig ang tanong ko. Ilang beses na kumurap pa s'ya at parang hindi masabi kung ano ang gustong sabihin kaya dinagdagan ko na ang una kong sinabi para lalong mas malinaw sa kanya.   “My twin never sleeps with someone twice, Leyana. So, if you already sleep with him—”   Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko at agad na napasapo sa kaliwang pisngi ko na sinampal n'ya. Ilang beses na kumurap pa ako bago hindi makapaniwalang nag angat ng tingin sa kanya. Nagulat pa ako nang makitang halos nanginginig na ang mga labi n'ya dahil sa ginagawang pag iyak habang nakatitig ng masama sa akin.   “How dare you talk about sleeping with someone casually! Hindi ko alam na kung gaano pala ka babaero ang kakambal mo ay gano'n ka rin ka walang kwentang kausap! This is so disappointing, Nath! But I am not surprised! You are twins, kaya panigurado ay pareho lang kayong manloloko!” Galit na galit na sigaw n'ya sa akin at walang paalam na tinalikuran ako. Sa sobrang gulat ko sa ginawa n'yang pananampal sa akin ay halos hindi ko na tuloy naabutan at masagot ang tawag sa akin ng manager ko. Agad na pinulot ko ang phone at sinagot ang tawag n'ya.   “H-hello?” sagot ko habang hinihimas ang pisngi ko sinampal ni Leyana. Mahapdi at nag iinit iyon kaya paniguradong namumula na iyon ngayon. Dahil sa naisip ay napatingin pa ako sa maliit na salamin sa ibabaw ng table para silipin ang pisngi ko.   “Nathalie! Where the hell are you? Didn't you receive my message earlier?” sunod sunod na tanong nito kaya halos mapatutop ako sa noo nang maalala ang message sa akin ng manager kong si Tara. He's a gay fashion designer from Curved, one of the biggest clothing brand in the country where I currently working as one of their brand ambassadors. Bata pa lang kami ng kakambal ko ay madalas na kaming lumabas sa TV at kung saan saang entertainment portals kung saan madalas ma feature ang aming pamilya. Both of our parents are business tycoons and also came from the family of businessmen. With the enormous wealth and the influence that our family has, there’s also a big responsibility carrying our name. I always have the need to be perfect. However, Vaughan didn’t take it seriously, kahit na palagi ko na s’yang sinasabihan na dapat ay baguhin na n’ya ang nakasanayan n’ya na paglalaro sa mga babae. “Nath? Are you still there? Ugh!” Tara tried to call out my attention. Agad na natuliro ako dahil sa biglaang paglalakbay ng isip. Nakalimutan ko tuloy iyong sa appointment ko ngayon sa kanya para sa isang back to school outfit pictorial for the covered magazine of Curved. “I’m sorry, Tara. Nawala sa isip ko,” sagot ko at mabilis na tiningnan ang suot kong relo. “May oras pa naman hindi ba? I’ll try to be there on time,” sabi ko at apologetic na tumawa kahit na imposibleng makarating ako doon sa oras dahil may kalayuan din ang Montecarlo Holdings sa studio n’ya. Ilang sandaling hindi nakasagot si Tara at mukhang may kinausap pa s’ya sa background kaya napaayos pa ako ng upo nang magsalita s’ya ulit. “Okay lang na ma-late ka, Nath. Hindi rin kasi makakarating ‘yong elementary student na makakasama mo sa pictorial kaya hahanap pa ako ng makakapalit no’n,” sagot n’ya na halata sa boses ang pagod at frustrations kaya lalo tuloy akong na-guilty dahil kung hindi pa n’ya ako tinawagan para ipaalala ang appointment ko sa kanya ay hindi ko pa iyon maaalala lalo na at masyado akong distracted sa nangyari sa amin ni Leyana. Sa lahat kasi ng kaklase ko na nagkagusto at nagpapansin sa kakambal ko ay si Leyana lang talaga ang nagka lakas ng loob na saktan ako. Most of my classmates are afraid of me. Kung hindi sila takot ay aloof sila sa akin dahil sa impluwensya ng pamilya ko. Janice, who was one of my close friends, avoided me after what Vaughan did to her. Gano’n din ang mga classmates kong sina Lea, Melanie at Dhelle. They stopped talking to me after Vaughan got them laid. Kristine Joy and Yam, who used to be my besties, also got mad at me because of my twin. My celebrity classmate Luzminda, also admitted that she got a one night stand with Vaughan. Most of my co models also have experienced getting laid by my twin. Jacky, Jae Ryll, Mae and Daisymie were the latest fling he had from my circle. Halos maubusan na ako ng kaibigan dahil sa ginagawa ni Vaughan. They were the one to blame, though. Ilang beses ko na silang sinabihan na huwag ang kakambal ko pero hindi sila nakinig. Ginusto nilang sumubok dahil ang akala nila ay mababago nila si Vaughan. But they all failed, big time! Nang maibaba ko ang phone ay kumilos na kaagad ako para sa appointment ko sa Curved. Kahit naman sinabi ni Tara na ayos lang na ma-late ako ay nakakahiya pa rin na maghihintay pa s’ya sa akin doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD