Chapter 10
Neil! H-Hindi siya tinatablan!” sigaw ni Bryan na natataranta dahil sa pagwawala ni Peter.
“U-Ulitin mo kaya Niel?” ani Jaypee na nakapapit din kay Peter para manatili sa pag-upo ang lalakeng nagwawala ng malakas.
“Anong nangyayari sa asawa ko?” umiiyak na sabi ni Aurora. Kinuha ni Niel ang isa pang rosary sa kinabit sa ulo ni Peter. Kabadong kabado siya dahil parang mas malakas ngayon ang kalaban nila kesa sa mga nakaraan na kaso noon.
“S-Sige uulitin ko ang pagdadasal,” aniya.
Nakihawak na rin kay Peter sila Aurora, Sofia, Mark at ang kambal na anak habang umuusal ng panalangin si Niel. Binubusan ito ng holy water na pina bless sa simbahan.
Halso maubos na ang holy water at naulit na rin ni Neil ang mga panalangin ngunit lalong nagwawala si Maya na nasa katawan ni Peter.
“Pucha Niel! Bakit ayaw?!” hiyaw ni Bryan.
“H-Hindi ko alam!” tugon niya. Patuloy sa pagwawala si Peter at malapit na makawala sa upuan. Nasasaktan na rin sila dahil halos manadyak ito at manapak sa kanila.
“Tawagan mo kaya si Lola Agnes mo i-video call baka may magawa sing paraan!” ani Sofia. Agad kinuha ni Niel ang cellphone para tawagan ang matanda.
“S-Sige.” Saad ni Niel na natataranta. Agad nitong idinial ang numero ng matanda. “L-Lola Agnes!”
“Hello? Apo? Bakit? Napano ka?” ani Lola Agnes.
“L-Lola! Kailangan po namin tulong! Ilan beses ko inusal ang orasyon ng pagpapaalis ng masamang kaluluwang sumapi sa isang lalake pero parang wala pong nagyayari! Ano po ang gagawin namin?” halos maiyak na sabi ni Niel saka pinakita ang kalagayan ni Peter.
“Maghunos dili ka apo. Sasabagayan kita sa pagdarasal,” sagot ni Lola Agnes. Kahit nasa video call lang ay nakita agad ng matanda ang babaeng si Maya na nasa loob ng katawan ni Peter.
“K-kaso po ay w-wala na po akong aguan bendita lola,” ani Niel.
“Kumuha ka ng isang timbang tubig at dadasalan ko,” tugon nito. Agad tumakbo sa banyo si Niel at dalawang timba ang dala saka tinapat ang cellphohe para madasalan ng matanda. Umusal ng tahimik na dasal si Lola Agnes.
“Ngayon Niel ay huwag kang padala sa neryos. Simulan natin ang dasal. Ang rosaryong hawak mo ay itapat mo sa kanyang noo,” utos nito. Ginawa naman iyon ni Niel at sumabay sa dasal ng matanda.
“Amen,” sabay na sabi ni Niel at Lola Agnes ng matapos ang dasal.
“Ibuhos ninyo sa kanya ang tubig! Ang kaluluwang sumapi ay makakaramdam ng matinding sakit dahil tila ito kumukulong tubig na lulusaw sa kanya!” dagdag pa ng matanda. Bumitaw sa pagkakahaw si Bryan para tulungan si Niel na isaboy ang tubig sa buong katawan ni Peter.
“AAAAAHHHHHHHHHRGGHHHHH!” isang kalunoy lunos na sigaw ng babae ang kanilang narinig kasabay ang isang itim na usok ang lumabas.
“Niel, kunin mo ang usok ibalot sa itim na tela madali ka!” sigaw muli ni Lola Agnes. Pilit nga kinuha ito ng apo at inilagay sa isang plastic.
“Sunugin mo ang tela hanggang maging abo saka ikalat sa labas ng bahay. Magmimistulang panakot ito sa sino o anumang elemento at kaluluwa na magtatangkang gumambala muli sa kanila,” wika ni Lola Agnes.
“Maraming salamat sa tulong ninyo sa amin,” ani Aurora ng makabalik na sa katinuan ang asawang si Peter.
“Wal po ‘yun salamat din po sa tiwala ninyo. Ang payo pa po ni Lola Agnes ay muling ipabless itong buong bahay at maski kayong mag-anak upang mas may proteksyon sa pari. Alam ninyo na minsan kahit anong ingat ay meron at meron para rin gagambala sa inyo,” sagot ni Niel.
“Kaya nga ngayon naisip namin ko dahil malaki naman itong bahay ay dito na titira ang parehong magulang namin ni Peter. Yung sa likod na malawak pang lupa na sakop namin ay tatayuan naman ng kapatid ko ng bahay nila anim ang mga anak tapos balak naming magtayo ng kahit 3 pintong apartement kaya siguro naman ay mas mawawala na ang anumang masamang espiritu kapag marami ng tao ang nasa paligid,” wika ni Aurora.
“Tama po ‘yan mas maganda nga po kung medyo babawasan pa ang mga d**o hanggang medyo kalayuan para maski mga ligaw na ahas o bayawak ay hindi makapunta,” sabat naman ni Bryan.
“Naku tama ka isa ‘yan sa kinakatakot ko noon. Kapag dumating ang kapatid ko ay kukuha kami ng mga tao na tutulong sa amin.” sambit ni Aurora.
“Mag-alaga din po kayo ng aso upang mas may maging alerto sa mga magnanakaw.” Pahabol ni Neil.
-----------------------------------------
Pauwi na ang grupo ng makatanggap ng tawag si Sofia sa isang kaibigan.
“Sorry sis kanina ka pa pala nag mimisscall may client kasi kami. Ano ba yung nabasa ko na mahalaga mong sasabihin?” tanong nito. Katahimikan ang sumunod kaya napatingin ang mga kasama sa dalaga.
“Bakit?” tanong ni Bryan.
“S-Si Janet daw n-natagpuan p-patay,” umiiyak na sabi nito. Si Janet ang kaisa isang kapatid at natitirang pamilyang ni Sofia mula ng mawala ang mga magulang nila sa aksidente. College student ito at consistent dean lister dahil mataas ang pangarap na maging doktor balang araw.
Agad napapreno si Jaypee dahil sa gulat nilang lahat. Humagulgol ng humagulgol si Sofia. Kinuha naman ni Bryan ang cellphone para kausapin ang kaibigan ng biktima.
“Hello? Annie? Si Bryan ito a-ano yung sinabi mo tungkol kay Janet?” tanong nito. Narinig niya na umiiyak din ang dalaga sa kabilang linya. Ang kapatid ni Annie ay kaklase at kaibigan din ni Janet.
“M-Magkasama sila ni Amy kagabi dahil sa thesis. Sa bahay sila ng isang kaklase nila dapat gagawa pero sabi nung kaklase nag-away daw mga magulang niya kaya sa hiya nila Amy nagsabing uuwi kahit gabi. H-Hindi na siya nag text o tumawag sa akin hanggang kaninang umaga nakatanggap ako ng tawag sa mga pulis kung kilala ko nga raw si Amy at sinabi ang nangyari. N-Nagulat ako sa itsura niya wakwak ang dibdib at wala ang puso t-tapos nakita kong sa bandang kalayuan ang b-bangkay din ni Janet,” saad nito sa pagitan ng mga hikbi. Hindi nakasagot si Bryan dahil sa awa napatingin siya kay Sofia. Matagal na niya itong gusto, plano nga niya makatapos lang si Janet sa pre-med nito ay aayain niya na magpakasal ang kasal para magkatulong nila mapag-aral sa medicine ang nakakabata nitong kapatid.
“P-Pwede paki chat o text kung nasaan na sila para makapunta kami agad. Salamat,” ani Bryan.
“S-Sige,” tugon ni Annie.
Hindi na mapigil sa kakaiyak si Sofia hanggang sa makarating sila sa isang morgue ng hospital halos maglupasay ito sa sahig ng makita ang bangkay ng kapatid.
----------------------------------------------------------
Nagmamadaling pumunta si Haley sa isang hospital dahil pinatawag ni Chadrick para sa isang panibagong kaso. Naabutan niya roon ang isang grupo kung saan may isang babae na halos mahimatay sa pag-iyak habang yakap ang isang bangkay.
“S-Sir?” tanong niya kay Chadrick.
“Andiyan ka na pala hindi ako makapasok nariyan pa yung isang kapamilya ng bangkay. Ito ang next case natin,” sagot nito.
“Ito nga nga po pala yung pinagawa ninyong report sa akin kahapon,” tugon ng dalaga.
“Akin na. Two copies ito diba? Ibibigay ko sa mga pulis yung isa ay satin,” sagot nito saka umalis sandali. Nakaramdam ng awa si Haley sa babaeng umiiyak kaya lakas loob siyang pumasok sa loob. Napatingin naman ang mga kasama nito sa kanya.
“Ahm, excuse me po sa CSI po ako nag wo-work. Matanong ko lang kaano-ano po ninyo ang biktima?” ani Haley.
“Kapatid niya,” sagot ni Niel.
“Janet! Janet!” sigaw ni Sofia. Halos maghalo ang sipon at luha nito sa sobrang pag-iyak. Hindi nito inida ang mga dugo na kumapit sa damit nito.
Napatango naman si Haley at napatingin kay Janet. Hindi sinasadyang matabig niya ito dahil sobrang yakap ni Sofia kaya nagagalaw ang katawan nito sa ere. Agad naman siya napapikit saka nakita ang isang pangyayari. Namumutla siyang napadilat at kinabahan saka napailing.
“Bakit Miss?” ani Niel. Napansin kasi niya ang nangyari.
“W-Wala,” sagot niya.
“Hindi bakit nga? Parang may nakita ka sigurado ako. Ganyan ang lola ko eh may kakahayahan ka ba? Ano ang nakita mo? Sabihin mo sa amin,” tanong ni Niel. Napatigil sa pag-iyak si Sofia at siya naman ang hinarap.
“May nakita ka? Pakiusap! Sabihin mo ano ang nangyari sa kapatid ko at kaibigan niya!” ani Sofia. Napahinga naman ng malalim si Haley at tinignan muli ang mga bangkay.
itutuloy