Chapter 12
“Sasali ako sa grupo ninyo? Naku parang hindi yata uubra kasi pasensya na at may trabaho kasi ako hindi ako basta pwedeng umabsent kung sakaling may pupuntahan kayong lugar lalo na ako ang inaasahan ng nanay ko sa mga gastusin naming sa araw araw,” tugon ni Haley.
“May youtube channel kami aside sa bayad ng client may kita naman kami kaya para ka na rin nagtrabaho. Regular ang kita At least tig twenty thousand ang kita ng bawat isa minimum,” sabat naman ni Jaypee.
“Guys, huwag natin pilitin si Haley may regular job siya dun sa maangas na boss niya. Magkano ang sahod mo roon pwede ba malaman?” ani Bryan.
“Oo nga mukhang mayabang pero Haley kapag free ka sama ka sa amin ha? Pwede ko i-drawing ang mga nakikita mo sa pangitain,” wika ni Mark.
“D-Doble sa sinasabi ninyong minimum ninyo na kita pero sige kapag maluwag ang oras ay pipilitin kong makasama. Natutuwa rin ako dahil hindi ninyo hinusgahan ang kakayahan ko. Mula kasi pagkabata ay nabubully ako dahil maraming hindi naniniwala,” nakangiting sabi ng dalaga.
“Ganun talaga. Ako nga mismong kapatid ko akala gawa gawa lang na pwede akong nasinaban ng mga kaluluwa eh,” ani Jaypee.
“Matagal na ba ang grupo ninyo? Hindi kasi ako pala internet o youtube kaya hindi ko kayo kilala,”
“Ayos lang medyo matagal na rin,” sagot ni Mark
“Haley pwede ka bang sumama sa burol ni Janet?” ani Niel.
“Ayos lang sige wala naman na kaming gagawin ni Sir Chadrick paper works na lang ito mamaya sa bahay na gagawin ko,” tugon ng dalaga.
“Mabuti sandali lang at malapit lang din naman ang punerarya saka para makilala mo rin si Lola Agnes. Pareho kayo ng kakayahan baka matulungan ka niya kung may tanong kay sa abilidad mong taglay,” dagdag ni Niel.
Sumama nga si Haley sa mga ito hanggang sa isang malapit na funeral parlor. Wala pa ang kabaong dahil inaayusan pa ang bangkay ni Janet pero may mga ilang bisita na rin ang nakaalam kaya nagsisimula ng dumalaw.
Tahmik lang si haley dahil wala naman siya kakilala roon. Nagpaalam sandali si Niel upang sunduin ang lola nito para makilala ng dalaga. Inabutan siya ni Sofia ang isang mamon at tubig.
“Meryenda ka muna. Pasensya na wala pa kaming nabibili na ibang pagkain. Biglaan lang kasi talaga ang lahat.” malungkot na sabi ni Sofia.
“Salamat. Ayos lang hindi nama nako gutom,” saad ni Haley. Napahinga naman ng malalim sa tabi niya si Sofia na halatang pinipigil nito na humagulgol muli.
“Alam mo noon hindi ako naniniwala talaga sa paranormal. Ang totoo niyan hindi ako naniniwala kila Niel akala ko gawa gawa lang nila yung mga nakikita o nararamdaman niya. Akala ko rin nagkukunwari lang si Jaypee na napapasukan ng mga kaluluwa pero nitong mga huling kaso na pinupuntahan naming ay namumulat na rin ako na may ibang mundo pa maliban sa inaakala natin takot ako na magkaroon ng ganung kakayahan pero ngayon na kapatid ko ang nawala iniisip ko na sana tulad mo o ng Lola ni Niel sana nakakakita rin ako ng mga nangyari. Ang sakit na wala kang magawa para matulungan siya kundi maghintay lang sa sasabihin ng pulis o ng mga tulad ninyo. Nangangapa ako sa mga pwedeng gawin. Wala naman kaaway si Janet para may gumawa ng ganung karumal na pagpatay,” malungkot na sabi ni Sofia.
Nakaramdam naman ng awa si Haley. Nakita nilang pinasok na ang kabaong nito at inilagay sa harap kaya nagsidungawan na ang mga bisita. Dumating naman na si Niel kasama ang lola nito na agad napatingin kay Haley pero dumiretso rin muna upang sumilip kay Janet.
“Mag-alay tayo ng dasal para sa kanya,” ani Lola Agnes.
Inihahabilin namin sa Iyo, o Panginoon ang kaluluwa ni Janet na sa pagpanaw niya dito sa lupa, iyo pong ipatawad ang kanyang buhay at alang-alang sa Iyong habag, loobin Mong manatili siya sa Iyong banal na kaharian. Siya Nawa. O Panginoon naming Hesus, alang-alang sa Iyong kahirapan, kaawaan Mo ang kaluluwa ni Janet at ang mga kaluluwa sa Purgatoryo.
Nagsiupo na ang lahat matapos ang dasal, ang iba naman ay kumuha ng makukukot habang nag-uusap usap. Samantala lumapit naman sila Sofia at Haley kina Lola Agnes at Niel na nasa tapat pa ng kabaong ni Janet.
“Sofia, ako ay nakikiramay sa pagkawala ng kapatid mo. Dalangin ko na malagpasan mo ang pagsubok na ito. May awa ang diyos,” ani Lola Agnes.
“Salamat po Lola Agnes pero mas matatahimik at matatanggap ko rin po kung malalaman ko kung sino ang may gawa nito sa kapatid ko,” sagot ni Sofia.
“Lola Agnes, ito nga po pala si Haley yung kinukwento ko kanina sa inyo,” ani Niel. Ngumiti naman dito ang matanda at nakipag hawak kamay kaya pareho silang napapakit at napabitaw sa isa’t isa.
Sa parte ni Haley ay nakakatakot dahil napakadaming napagdaanan ng matanda sa pagtulong gamit ang kakayahan nito mula pa ng dalaga. Sa matanda naman ay nakita niyang mula noon ay inilihim ni Haley ang kakayahan dahil sa pambubully dito ng ibang tao. Takot itong ipaalam na may natatangi itong taglay kaya nagsusuot ng gwantes.
“Iha, hindi ito sumpa. Ang kakayahan natin ay isang biyaya,” mahinang sabi ng matanda dahil ayaw din na may makarinig na iba. “Nasabi ni Niel na nakita mo ang nangyari sa iyong premonisyon pero hindi mo nakita ang maya gawa?” tumango ang dalaga. “Sofia, maaari ko bang inaangat ng kaunti ang salamin upang makahawan ko si Janet?” tanong ng matanda.
“O-Opo,” sagot nito. Inangat nga ito ay inilagay ng matanda ang hintuturo sa balikat ni Janet saka pumikit. Halos sampung minute ang tinagal ng matanda pero napa iling iling.
“Hindi ko rin nakita ang may gawa,” ani Lola Agnes. Tulad ng naunang sinabi ni Haley kung paano pinatay si Janry ay ganoon din nasabi ng matanda ang mga nangyari.
“P-Pero Lola Agnes bakit po ganun? Dati naman po nakikita ninyo agad bakit kay Janet walang maituro na suspect?” naiiyak na sabi ni Sofia.
Ang matanda na lang kasi ang inaasahan niya na makakapagturo at linaw kung sino ang may gawa ng walang awang pagpatay sa kapatid.
“Parang ginawang babaoy ang kapatid ko Lola Agnes. Kulang pa ang bahagi ng katawan niya dahil wala ang kanyang puso,” naiiyak na sabi ni Sofia.
“Isa lang ang ibig sabihin may kakayahan din nag may gawa nito,” tugon ng matanda.
“May kakayahan din po? Ano po ang ibig ninyong sabihin lola?” ani Niel.
“Tulad ni Haley ang kakayahan ko na makita ang nangyari pero kung tulad namin na may kakayahan din ay hindi namin ito makikita talaga sa aming premonisyon pwera na lang kung mahawakan namin siya mismo makikita namin ang mga pinag gagagawa niya,” sagot ng matanda.
Lalo naman nawalan ng pag-asa si Sofia dahil wala ngang maiturong suspect ayon pa sa nag imbestiga walang ibang fingerprints na nakita dahil malamang may suot itong gloves na makapal at hindi rin nakawakan ng mga biktima ang suspek.
Wala rin cctv sa lugar at maging ang kalapit na bahay ay walang masabing anuman dahil hindi naman daw sila nakrinig na may humihingi ng tulong o sumisigaw.
“I-Ibig sabihin ba ay tulad ng ibang namatay maiiwan ang kapatid ko? Hindi rin magkakaroon ng katarungan? Maghihintay ng ilang taon? Ganun ba? Matutulad siya sa mga nakalimutan ng kaso dahil walang witness?” naiiyak na sabi ni Sofia.
“Huwag ka mag-aalala Sofia isa sa mga kasong tinututukan namin ay ang tungkol sa Serial killer na ‘yun alam ko na makikita at makilala rin natin kung sino siya kaya ‘wag ka mawalan ng pag-asa,” ani Haley.
“Salamat, umaasa ako na sa lalong madaling panahon ay mabigyan ng kasagutan ang lahat,” saad ni Sofia. Hinawakan naman muli ni Lola Agnes ang braso ni Haley dahil meron siayng gustong siguraduhin.
”Iha, maari ba kitang makausap ng tayo lamang?” wika ng matanda. Napatango naman si Haley kahit medyo kinakabahan. Sinamahan sila ni Niel sa sasakyan nito at doon pinag-usap ang dalawa.
“T-Tungkol po ba saan?” kinakabahan na sabi ni Haley.
“Alam mo bang hindi lang paghawak sa mga bangkay ang pwede mong gawin upang malaman ang nangyari sa kanya? O kahit na buhay pa ito. Ang gaagwin mo lang ay kumuha ng isang gamit nito o tignan lang ang larawan niya at magkonsentra ng isip. Isa ito sa mga pwedeng gawin kung ang tutulungan mo ay nawawala o hindi makita. Tulad ninyon!” ani Lolal Agnes sabay turo sa isang nakapaskil na larawan ng isang bata na nawawala. “Wala tayong gamit niya pero may larawan. Tignan mo siya mabuti tapos at pumikit ka iha isipin mo makipag konekta ka sa kanya kung nasaan siya,” saad pa ng matanda. Ginawa nga iyon Haley tinitigan ang larawan saka pumikit.
Kasama ng ina ang bata sa palengke pero dahil abala sa pagbili ng gulay ay nabitawan nito ang anak. Nakakita ang bata ng nagtitinda ng mga makukulay na sisiw kaya naman sinundan nito ng makitang papaalis na hanggang sa hindi na alam ng bata kung nasaan ang daan pabalik sa ina. Hinanap nito ang ina pero patuloy itong palayo ng palayo. Iyak naman ng iyak ang ina nito kasama ang ilan naroon sa paghahanp sa bata pero hindi na nila nakita. Napulot naman ang bata ng isang matandang nagtataho at isinama ito pauwi subalit hindi alam ng bata ang numbero ng telepono o address nila para maihatid siya kaya iniuwi na lang siya ng tuluyan. Hindi naman nagreport sa pulis ang matanda dahil kulang sa kaalaman sa mga gagawin. Maayos naman ang lagay ng bata pero malimit itong umiiyak dahil naiisip ang ina nito.
Napadilat si Haley at napatingin sa matanda na dumilat na rin mukhang pati ito ay tumingin kung ano ang nangyari sa bata. Kinuha ni Haley ang cellphone at tinawagan ang numbero na nakapaskil kasama ng larawan.
“H-Hello? Ito po ba ang numero na tatawagan tungkol sa pagkawala ni Lily Go?” saad niya. Nakarinig naman agad ng hikbi si Haley sa kabilang linya.
“O-Oo pero kung magloloko ka rin lang please lang nakunan na ang asawa ko sa stress at pagkadismaya ayoko ng mapano siya lalo,” sagot ng lalake. Napahinga naman ng malalim si Haley saka sumagot.
“Hindi po ako nagloloko. Pumunta po kayo sa De pablo compound mga isang oras lagpas sa palengke ng Harizon. Ipagtanong ninyo ang magtataho na si Mang Ernesto siya po ang nakakuha sa bata,” ani Haley.
“S-Sigurado ka? Parang awa mo na napapagod na kaming makipaglokohan. Wala kaming malaking pera na maibibigay,” tanong ng lalake.
“Opo, puntahan po na ninyo ngayon,” sagot ni Haley saka baba ng cellphone. Ngumiti naman si Lola Agnes sa dalaga.
“Salamat sa ginawa mo. Matanda na ako at mahina. Nakukuha ng kakayahan ko ang aking lakas,” saad ng matanda.
“Lola Agnes, bakit po ganun? Tanging ‘yung killer na kumakalat ang hindi ko malutas? Sabihin na po natin na may kakayahan siya ibig sabin po ba ‘nun ay mas malakas siya?” ani Haley.
“Maaari, lalo na kung may sinasamba siya,” tugon ng matanda.
“Sinasamba po? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” naguguluhan na sabi ni Haley.
“Oo maaaring may sinasamba siya tulad ni Satanas o anu mang demonyo. May palagay ako na isa siyang satanista na may grupo ng isang kulto,” sagot ni Lola Agnes.
“G-Grupo ng kulto?” kinakabahan na sabi Haley.
“Haley, sa tingin mo bakit puro babae o dalaga lang ang namamatay? Bakit hindi kasama ang mga lalake?” tanong ng matanda. Umiling si Haley dahil hindi alam ang dahilan. “Dahil gusto ng mga demonyo ang sariwang puso ng isang dalaga lalo na yung purong birhen. Nakakapagbigay ng kasiyahan sa mga demonyo ang ganoon regalo. Maaaring alam ng kung sinuman na ‘yun na may tulad natin na pwedeng makaalam ng pagkakakilanlan niya kaya gumawa siya ng paraan na hindi makilala pero tayo o ikaw ay baka kilala niya o aware sa kakayahan na taglay kaya mag-iingat ka rin. Hindi lahat ng mukhang mabuti ay mabuti talaga. Mapaglinlang ang mga mata kapag tayo ay tiwala minsan ay nabubulag tayo sa katotohana.”
Napailing iling si Haley mukhang hindi simpleng criminal pala ang problema nila kundi mas mahirap na kalaban. Napahawak siya sa krus na kwintas na bigay ng kanyang ina. Lalo siya natakot para sa kakayahan na taglay.
Itutuloy.