"OKAY lang ba, babes? I mean, ayaw ko namang isilang mong muli ang baby natin na hindi pa tayo ikinasal. Maaring nasa Catholic Country tayo ngunit wala namang batas na bawal ang mag-Civil wedding muna bago sa simbahan."
Kung makailang beses nang tinanong ni Sam Colt ang bagay na iyon sa fiancee ay hindi na mabilang.
And, yes, it is!
Nagkagulo-gulo silang muli sa party na ihinanda ng grupo ng Lady C.E.O dahil nawalan ito ng malay. Subalit napawi ang lahat ng kanilang pag-aalala nang ipinahayag ng doctor ang dahilan kung bakit ito hinimatay.
'Wala kayong dapat ipag-alala sa kaniya, Mr Cohen. Dahil buntis ang iyong asawa. Maaring hindi niya alam na nagdadalang-tao siya kaya't hindi nasabi sa iyo. She is on her first trimester of her pregnancy. Kaya't huwag n'yo siyang hayaang ma-stress. Dahil sa unang tatlong buwan ay talagang maselan. All and all, they are both in perfect shape,' paliwanag nga ng doctor.
"Babes, kahit saan man ikasal ang mga tao ay walang kaso. Kagaya ko, sa simbahan man o sa huwes ay walang problema. Dahil ang mahalaga ay ang ating tunay na damdamin. Mahal kita, mahal mo ako. Iyan ang dahilan kung bakit nabuo ang nasa tiyan ko ngayon. Kaya't itigil mo na ang pagtatanong kung okay lang ba para sa akin," tugon nito saka tinangkang maupo ng maayos.
Subalit naging maagap siya. Inalalayan niya ito upang hindi mahirapan lalo at buntis.
"Ang marinig ko iyan mula sa iyo ay labis-labis na ang kasiyahang lumulukob sa aking pagkatao. Mahal na mahal din kita, Samantha. Total kapwa tayong nasa legal na edad ay magtungo tayo ngayon din sa palasyo---Saglit lang pala, babes. Itawag ko muna kay Erick. Siguradong nasa bahay pa iyon." Bahagya niyang binitiwan ang palad nitong hawak-hawak bago hinugot ang cellphone sa bulsa.
LABIS-LABIS ang tuwang kaniyang nadarama sa pagkakataong iyon. Kahit pa sabihing civil wedding ang gaganapin ay totoo namang walang kaso iyon sa kaniya. Subalit sa pagkabanggit nito sa royal family ay ninais niya itong pigilan. Ngunit bago pa niya magawa ay kausap na nito ang matalik na kaibigan.
'Prepare a marriage certificate for us, brother.'
'Hah! Nagmamadali ka, Sir Brigadier General? Aba'y on-process na ang church wedding n'yo ah. May dahilan ba?'
'Tsk! Tsk! Maari bang huwag kang mangantiyaw?'
'Maaring ako ang gagawa, brother. Kahit ngayon na. Ngunit sabihin mo muna kung bakit nagmamadali ka. Well... Dalawang buwan mula ngayon ay church wedding n'yo na...'
Nasa kabilang linya man ito ngunit hindi naging sagabal iyon sa harutan nila.
'My beloved Samantha is carrying my second child, brother. Ayaw ko itong lalabas sa mundong ibabaw na hindi pa kami kasal. Kaya't napagdesisyonan naming mag-civil muna.'
'Right away, brother. Ako na ang gagawa. Dahil dadaan pa kung kani-kanino kung kay amang hari.'
"I'M sorry, babes. Dahil sa kagustuhan kong surpresahin ka ay kamuntikan pang mawala si baby. Oo, alam kong buntis ako. Hindi ko lang sinabi kaagad dahil gustong isapubliko bilang surpresa sa iyo ay kay Mommy." Tinig nito ang nagpanumbalik sa naglalakbay niyang diwa.
"Don't be mistaken, my wife. Nag-alala ako dahil sa pag-aalalang may masamang nangyari sa iyo. Ngunit hindi ibig sabihin ay galit ako. Kailanman ay hindi iyan mangyayari," aniya saka hinawakan sa magkabilang palad at hinalik-halikan.
"Sa ngayon ay masasabi nating bunga ng ating pagmamahalan, babes. Ngunit kahit ibalik pa ang nakaraan ay wala akong pagsisihan sa pagkakaroon ko ng Peter Henrik. Dahil muli tayong nagkita. It's a heaven will that I have met Mommy. Pero nauna pang nalaman ng anak natin na ikaw ang nasa necklace. I love you so much, babe," masuyo nitong sambit saka binawi ang mga palad nila sa pagkahawak niya ngunit iniyakap naman sa kaniya.
"Thank you, my wife. Masaya akong may kasunod na ang panganay natin. At sa oras na ito ay siguradong naglulundag na sa tuwa sina Mommy. At higit sa lahat ay mas mahal kita kaysa inaakala mo. I love you so much, my wife." Tumugon siya ng mas mahigpit na yakap kaysa iginawad nito.
"IKAW, Erick, maari bang ibahagi mo naman sa amin kung bakit umaabot sa iyong taenga ang ngiting nakabalot sa mukha mo? Aba'y nasa pagamutan pa naman ang kasintahan ng kaibigan mo ah," wika ni Ginang Cohen na bakas na bakas ang pagtataka.
Aba'y paanong hindi siya magtataka samantalang nagkagulo-gulo sila sa party dahil nawalan ng malay-tao ang mamanugangin niya.
"Mommy, patawarin mo na ako sa aking improper behaviour. Ngunit siguradong matutuwa ka po sa aking ibabalita," tugon ng manugang sa ikalawang anak.
Crown Prince ito at kung susundin ang law of protocol ay yuyukuan nila. Ngunit dahil na rin sa pakiusap nitong huwag gawin iyon lalo na kapag nasa kabahayan ay sa pangalan lamang. Ang dahilan nito ay bago raw pinakasalan ang anak niya ay kaibigan na panganay. At higit sa lahat ay nagmamahalan daw sila ng asawa hindi political marriage.
"Kung ganoon ay maari mo ng ipahayag ang balita mo, anak. Dahil hindi ka naman bubulabugin ng taong iyon kung walang ipinagawa. Ilang sandali pa ay kakalat na ang liwanag at baka nasa labas na rin ang mga tauhan mo," sabi niya.
"Buntis po si Samantha, Mommy. Kaya't tumawag si Sam upang ipahanda ko raw kay amang hari ang marriage certificate nila. Kako bakit si Papa pa samantalang maari namang ako ang gagawa. My authority as the crown prince of our country can let me do it," paliwanag nito na talaga namang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi.
Sa narinig mula sa manugang ay nahawa na rin siya sa ngiti nitong umaabot sa taenga.
"Well, hindi na iyan nakapagtatakang mangyari, anak. Ang mga tauhan ni Sam mismo ang nagkukuwento sa kalokohan nila sa tuwing dumadalaw si Samantha sa barracks nila. Kapag nandito naman sa kabahayan ay ganoon din. Mabuti na iyon upang may dagdag bata rito sa bahay," saad niya.
"Opo, Mommy. Kahit naman po gustuhin naming dito manirahan ang mga bata ay hindi papayagan ng batas lalong-lalo na sa mga anak ko. Kay Jenna ay puwede pa siguro ngunit ang mga biyanan naman niya ang umaayaw dahil wala raw silang kasama kapag nasa trabaho sila ni Samuel. By the way, maiwan na po muna kita, Mommy. Babalik po ako mamayang hapon. Kailangan ko ang aking royal seal para sa wedding papers nila."
Dahil na rin sa usaping wedding papers ay hindi na hinadlangan ni Ginang Cohen ang manugang. Hinayaan na lamang niya itong silipin ang apong natutulog.
"ANO ngayon ang plano mo, Edward? Aba'y wala namang mag-aakalang mas mayaman pa pala sa kanila ang nakasalo sa babaeng iyon," patanong na wika ni Mrs Carlsen sa anak na halatang kagaya niyang walang tulog.
"Sa ngayon ay wala pa, Mommy. Ngunit hindi ko hahayaang matuloy ang kasal nila ng militar na iyon. Alam kong gumaganti lamang siya dahil sa naging trato natin sa kanilang mag-ina noong nandito sila," tugon nito.
"Kung ganoon ay mayroon akong suhestiyon, anak. Bakit hindi mo gamitin si Martin Thomas? Anak rin niya ito kaya't imposibleng makakatiis kapag ang apo ko ang magpakita. Ibig kong sabihin ay gawin mo sa harapan ng mga tao upang wala siyang pagpipilian," aniyang muli.
Sa pahayag ng kaniyang ina ay lihim na napangiti si Edward. Binabalak pa lamang niya ay naisatinig na ng kaniyang ina.
'Kamuntikan ko ng makalimutang kami lang pala ni Annie ang nakakaalam sa sekretong nakabalot sa pagkatao ni Martin Thomas. Ngunit maganda na iyon upang mas mapadali ang plano kong paglapit sa asawa ko,' lihim niyang sambit.
Ambisyoso!
Asawa raw samantalang legally divorced!
"Huwag kang mag-alala, Mommy. Dahil gagawin ko ang lahat upang babalik dito sa bahay si Samantha. Mas maging matatag ang kumpanya natin kapag nandito siya. Kahit nakabukod na siya mula sa mga Valderama ay billion of euros pa rin ang income ng sariling kumpanya. Magagawa ko iyan, Mommy, sa tulong mo. Kailangan nating mamanipula si Martin Thomas," pahayag niya.
Ang hindi nila alam!
Habang nag-uusap silang mag-ina ay mayroong isang pares ng matang nagbabaga at kuyom ang kamao habang nakamasid sa kanila!