"STAY away from me, Edward. Ayaw kung magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng asawa ko. Kaya't umalis ka na rito!" malakas na sabi ni Samantha sa dating asawa. Ilang na itong pabalik-balik sa tahanan ng mga Cohen ngunit iisang rason lang din naman. "Wifey, alam kong malaki ang galit mo sa akin. Ngunit hindi naman yata magandang tingnan na tawagin mong asawa ang hindi ka maaring pakasalan dahil tayo ang mag-asawa. Huwag mong kalimutan iyan, wifey---" "Wifey? Tayo ang mag-asawa? Kailangan mo na yatang magpakunsulta sa mga doctor, Edward. Hindi lang utak mo ang nasira kundi pati na rin ang memorya mo! Legal tayong naghiwalay tandaan mo iyan. Due to the proper procedure of law in our country!" Malakas niyang pamumutol dito. "No, hindi iyan totoo, wifey. Alam kong bunga lamang iyan ng pag

