Chapter 3

3967 Words
   "Binastos mo na naman ang iyong ina," galit na bungad ng ama ni Kane sa kanya.    Kane smiled sarcastically, "First of all, she is not my mother," malamig niyang sagot sa ama. Bigla na lang itong sumugod sa kanya siguro ay nagsumbong ang kabit nito.    "I don't f*cking care." Prenteng naupo si Kane sa kanyang swivel chair at sumimsim ng alak. He is pissed dahil kanina pa siyang ginugulo ng ama at pinapagalitan sa ginawa niya sa kabit nito.    "Kane anak, matagal ng patay ang iyong ina kaya bakit hindi mo pa rin matanggap iyon?" tanong ng kanyang ama na nagpakulo ng dugo niya.     How could he say that!    "Just leave dad, ayaw ko ng gulo." Nagpipigil si Kane na masapak ang sariling ama.    "No! We have to talk! Hind pupwede sa akin na basta mo na lang binabastos ang iyong magiging ina!" sigaw ng ama sa kanya.    "Dad just leave me alone!" balik na sigaw ni Kane sa ama. This is really hard for him, ayaw niyang mag-away sila kaya iniiwasan niya ito pero ito mismo ang lumapit sa kanya.    "Hindi kita pinalaking ganyan Kane!" nanggagalaiting sigaw nito sa kanya at doon na napigtas ang pagpipigil niya.    "You're not the one who raise me! It was all my mom!" sigaw niya rito at hinampas ang kanyang lamesa.    Naglabasan ang ugat ni Kane sa kamay at leeg habang namumula na ang mukha niya sa galit. Naputol ang mahabang pasensiya niya.    Nakita niya ang gulat na bumalatay sa mukha ng ama," Yes, you did gave me a shelter, food, money and clothes but you are not the one who took care of me!!" galit na galit niyang sigaw.   Kane doesn't want hurt his father kaya pinagtatapon na lang niys ang mga bagay na nakalagay sa kanyang lamesa kabilang na ang laptop niya.  "And now you want me to respect and accept that woman! That woman who hurt my mom!" Sinipa ni Kane ng malakas ang lamesa dahilan para tumalsik ito palayo.   "Wala siyang kasalanan Kane! Wala siyang sinasaktan!" sigaw ng kanyang ama.   Pumalakpak ng malakas si Kane sa sinabi ng ama, "How funny is that, pinagtatanggol mo pa talaga ang kabit mong yan! Anong klaseng ama ka ha!? Kasalanan niya kung bakit namatay si mama at kasalanan mo rin iyon dahil wala kang kwentang asawa," puno ng galit niyang sigaw.   Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at niluwa nito ang secretary niyang nagulantang sa nakikitang wasak wasak na gamit sa loob.   Lumapit ang ama ni Kane sa kanya at basta na lang siyang sinapak sa mukha. Napaatras si Kane at hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang ama.   Kahit kailan ay hindi pa siya pinagbuhatan ng kamay ng kanyang ama kahit makagawa siya ng pagkakamali, ngayon lamang nito ginawa iyon ng dahil lang sa kabit nito.   "You hurt my mom, at ngayon ako naman ang sasaktan mo." Hindi maitago ni Kane ang sakit, pangungulila at galit sa kanyang mga mata.   Nasasaktan siya na mas pinipili nito ang kabit kaysa sa kanyang anak nito.   "Alex, clean up this mess at wag na wag mo ng papapasukin ang taong ito kahit kailan," malamig at walang emosyong utos ni Kane sa kanyang secretary.   Hind alintana ni Kane ang dumugong gilid ng kayang labi at lumabas ng kayang opisina habang nakakuyom ang mga kamaong handang handa ng manakit.    Agad niyang dinukot ang telepono sa bulsa niya at agad sumakay sa elevator.  "Spar with me ASAP," maikli niyang sabi sa kaibigan ng sagutin nito ang kanyang tawag.   Maingay ang sa kabilang linya, tunog ng musika at sigawan ng mga taong nagsasaya. Mukhang nasa bar ito.   "Hey man, punta ka dito sa bar," tamad na sabi ni Catcher halos hindi na niya marinig ang boses nito dahil sa ingay na nangyayari roon sa bar.   "I don't that s**t, kaya kung ano mang ginagawa mo dyan itigil mo yan ngayon din," galit niyang sabi sa kaibigan.   "Chill, kulang ka lang siguro sa alak o di naman kaya sa babae." Gusto sana ni Kane na makipag spar sa kaibigan para ilabas ang galit niya ayaw naman kasi niyang saktan ang ama.   He may be disrespect his father but he can't never hurt him. "Can't you just f*cking leave that d*mn bar." Nakalabas na si Kane at dumiretso na sa parking lot kung saan naka park ang kanyang kotse.   "Tinatamad akong pumunta, dito na lang tayo para may audience." Napatigil sa paglalakad si Kana dahil sa sinabi nito.   It's not that bad to have audience watch them fight each other. "Ayaw mo lang talagang umalis dyan kasi wala ka pang akay akay na babae tsk," inis na sabi niya rito bago pinatay ang tawag.   Nagmamadaling umalis si Kane at habang nagmamaneho ay inabot niya ang tissue sa may windshield ng kotse.   Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at nang makarating ay agad siyang pumasok sa loob ng bar.   Hindi na siya kinapkapan ng bouncer dahil isa siya sa madalas na customer ng bar. Puro mga taong nagkakagulo ang nasa loob, mga taong nagsasayaw at ang amoy ng alak at sigarilyo sa lugar ang bumungad sa kanya.   Agad niyang hinanap ang kinaroroonan ng kaibigan at nakita niya itong may kinakausap na babaeng stafd ng bar. Bago pa man niya mapuntahan ito ay agad ng may hunarang na babae sa kanyang harapan.   The girl is skinny at matangkad, mukha itong model sa klase na rin ng pananamit nito. Agad nitong hinaplos ang kanyang dibdib pero dahil wala siya sa mood ay hindi niya pinansin kahit maganda ang babae.   Nilampasan niya ang babaeng nagulat sa ginawa niya ng makalapit siya sa kaibigan ay agad niya itong kwenilyuhan at sinuntok sa mukha. Kane's eyes if furious.    Bakas ang gulat sa mukha ng kaibigan at agad napansin ng mga tao ang gulong ginawa niya.   Catcher smiled devilishly bago tumayo at nagpakawala ng suntok sa mukha ni Kane na agad naman niyang napigilan sa pamamagitan ng pagsalag doon.   Tuloy ang pagsusuntukan nila at natamaan si Kane sa dibdib ng malakas na suntok ni Catcher kaya natumba siya at dumiretso sa mga babasaging mesang nabasag pagka tumba niya.   Hindi pa roon tumigil si Kane at Catcher they punch and kick with each other, dumudugo na ang kilay ni Catcher at dumugo ulit ang labi ni Kane.   Kane use his taekwondo skills, he use front kick dahilan para tumilapon si Catcher. Lahat ng tao ay nanonood sa kanila, some of them are scared pero mayroon ding namangha sa kanila at kahit isa ay walang pumigil sa kanila.   Mabilis nakatayo si Catcher at akmang sasapakin ang tiyan ni Kane pero agad nahawakan ni Kane ang kamao nito at inikot at napahiyaw si Catcher.   Catcher use his other hands at sinantok ang leeg ni Kane.   Napahawak si Kane sa kanyang leeg at nalasahan niya ang kaunting dugo sa bibig niya.   Kumuha ng stoll chair si Catcher para ihampas kay Kane ng biglang may sumigaw.   "Kane!! Stop it! Tumigil na kayo!" sigaw ng isang babae.   Napatigil sa pag-aaway sila Kane at napatingin sa maliit na babaeng pumagitna sa kanila.   Napanganga si Catcher ng masilayan ang babaeng ito, napakaamo ng mukha o mas madaling sabihin na mukha siyang anghel.  "Angelette," tawag ni Kane sa babae. Agad tumayo ng maayos si Kane at saglit na tumalikod para iayos ang nagusot niyang damit pati na rin ang buhok niyang nagulo.   Nabitawan ni Catcher ang hawak na upuan at nagpaplantiskuhang tinitigan ang kaibigan niyang parang nahuli ng nanay na nangungupit.   "Hi, Angelette," ngumiti pa si Kane at parang teenager na kumaway pa sa babae.   Nagugulat si Catcher sa paraan ng pakikipagsalamuha nito sa babaeng maliit na mukhang anghel, kahit kailan ay hindi niya nakitang magkaganun ito kahit noong nasa high school pa lamang sila.   "Ano nangyari sayo Kane, tumatanda ka bang paurong?" hindi makapaniwalang tanong ni Catcher sa kaibigang namula ang tainga dahil sa sinabi niya.   Pinanlakihan siya nito ng mata na parang sinasabihan siya ng tumahimik-ka-look.   "Anong ginagawa mo? Anong ginagawa niyo bakit kayo nag-aaway dito?" tanong ni Angelette kay Kane.   Napakamot ng batok si Kane at hindi alam kung anong dapat niyang sabihin at kung paano niya sasabihin.   "Miss, don't worry magkaibigan kami naglaro lang kami ganun," printeng sabi ni Catcher at inakbayan pa si Kane na parang walang nagyaring away sa kanilang dalawa.   "Huh? Laro? Pero nagpapatayan na kayo," inosenteng sabi ni Angelette na mukhang naguguluhan sa nangyayari.   "Wag mo ng isipin ang nakita mo, ayos lang kami hindi naman talaga kami nag-aaway," paliwanag ni Kane at pasimpleng sinuntok ang likod ng kaibigang nagkunyaring uubo ubo para maitago ang pag-aray sa sakit ng suntok ni Kane.   "Para kayong mga bata, ang tanda tanda niyo na pero yung utak niyo bata pa," walang ganang sabi ni Angelettr at agad nasira ang mukha ng makita ang kalat na ginawa ng dalawa dahil naglalaro raw sila.   "Yep I know miss, masyado kaming gwapo para magmukhang matanda right kane?" Hindi papayag si Catcher na hindi makaganti kaya malakas niyang sinampal ang pwet ni Kane sa gulat ay napasigaw pa si Kane.   "Ano yun?" tanong ni Angelette at ngumiti lang ng matamis si Catcher sabay umiling.   "Hindi na kayo bata, mga bata ang isip." Hindi maiwasan ni Angelette na umikot ang mata dahil sa dami ng kalat na liligpitin niya.   First day pa lang niya ngayon sa bar bilang waitress ng bar. Kailangan niya ng extra income lalo na't wala la siyang trabaho at hindi siya na-interview dahil nagkaroon ng emergency.   "Mayaman naman kayo kaya bayaran niyo ito." Pinagtuturo pa ni Angelette ang dalawang nagsusukatan ng tingin.   "Don't worry hati kami sa bayad," kalmang sabi ni Kane kahit na puno ng inis ang mukha nito dahil sa kabaliwang ginawa ni Catcher sa kanya. He feel humiliated.   "Good, para naman magtanda kayo tutulungan niyo akong maglinis," malambing na sabi ni Angelette at ngitian ng matamis ang dalawang lalaking napangiwi sa sinabi niya.   Ngayon lamang naramdaman ng dalawa ang sakit ng katawan dahil sa laro nila. "Masakit kasi katawan ko eh bayaran ko na lang." Ngumiti ng hilaw si Catcher sa kanya habang hindi naman matanggal ang matamis na ngiti ni Angelette.   "Naglalaro lang naman kayo kanina di ba, saka mukha namang maayos ka lang so I think kaya mo namang maglinis," sabi ni Angelette kay Catcher at umalis. Pagkabalik nito ay may dala na itong panlinis tulad ng dustpan, walis tambo at mop.   Wala ng nagawa ang dalawa kaya kinuha na ni Catcher ang mop habang si Kane naman ang nagwawalis ng mga nabasag nila.   Dahil sa kalat na ginawa nila ay napagdesisyunan na ng manager na isara na ang bar kaya nagsialisan na ang iba pang customer. Maraming nagreklamo pero mayroon din namang kuntento na sa nakitang laro ni Kane at Catcher.  Masakit ang buong katawan ni Kane at Catcher habang ganado namang naglilinis si Angelette at ang iba pa nitong kasamahan.   "Makakauwi tayo ng maaga nito Dora," sabi ng kaibigan ni Angelette na si Centia. Ito ang nagpasok sa kanya sa bar kaya nagsimula na agad siyang magtrabaho dahil na rin kaibigan nito ang manager.   "Akala ko ba Centia bawal ang bata rito pero bakit nagpapasok kayo ng isip bata? Hindi ba pwedeng bawalan na rin sila?" Todo sa pagba-vacuum si Angelette dahil maraming nagkapira-pirasong bubog.   "Ano ka ba, hayaan mo na magbabayad naman eh saka tinulungan na tayong maglinis." Tiningnan ni Centia ang iba pang gamit dahil baka pwede pang gamitin.   Hindi na nagkibuan si Kane at Catcher dahil ninanamnam nila ang sakit ng kanilang katawan pagkatapos ng kanilang laro.   Gusto ng matapos ni Kane ang paglilinis dahil masakit ang likod dahil sa pagkatumba kanina at nakayuko pa siya habang nagwawalis at ganun din si Catcher na sira na ang mukha.   Pagkatapos maglinis ay pasalampak na umupo ang dalawa na parang nakahinga na ng maluwag.   "F*ck you Kane, ang sakit ng katawan ko dahil sayo," reklamo ni Catcher kay Kane.   Inis na tiningnan ito ni Kane, "What the f*ck are you talking about, ikaw nga nagpapunta sa akin dito para dito na mag sparring tsk," inis na tugon ni Kane.   Umuusok na ang ilong ng dalawa at nag-aambahan na ng suntok ng may tumikhim sa harapan nila.   "Maglalaro na naman ba kayo?" kalmadong tanong ni Angelette sa dalawang lalaking bigla na lang umayos ng upo ng dumating siya.   "Hindi na po, napagod kami sa paglilinis," mahinang tugon ni Catcher. "Napagod kayo sa paglilinis pero sa paglalaro niyo hindi," mahinahong sabi ni Angelette.   "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kane kay Angelette.   "Ngayon ang unang pasok ko dito, kaka-apply ko pa nga lang kaya hindi pa ako nakasuot ng uniform," paliwanag ni Angelette.   "Ikaw si Catcher di ba?" tanong ni Angelette kay Catcher at tumango naman ito. "Hi miss cutie pie I am Catcher Koa Quantom, Kane's best friend," pagpapakilala nito sa kanya at naglahad ng kamay para makipag shake hands na agad namang tinanggap ni Angelette.   Akala niya ay bibitawan na nito ang kamay niya ng halikan nito ang ibabaw ng kamay niya at matamis na ngumiti.    Ang gwapo pala ng kaibigan ni Kane, sabi ng isip ni Angelette.   Malakas na tumikhim si Kane at sinamahan pa ng ubo kaya binitawan na ni Catcher ang kamay ni Angelette.   Pasimpleng inapakan ni Kane ang paa ni Catcher na hindi nakikita ni Angelette dahil sa lamesang nakalagay sa harapan nila.   "Wala ka na bang balak mag apply sa hotel?" tanong Kane sa dalaga, dapat ay i-interview-hin na ito kaso lang ay biglang umalis dahil may emergency.   "Maga-apply pa rin ako, kailangan ko lang talaga ng extra income lalo na ngayon," malungkot na sabi ni at pagkauwa'y ngumiti ulit.   "Gamutin natin yang sugat mo Catcher," sabi ni Angelette at agad lumapit kay Catcher para gamutin ito.   Hindi naman maipinta ang mukha ni Kane dahil mas inuna nito si Catcher kaysa sa kanya.   "Hey why him? Ako dapat ang inuuna mo," masungit na sabi ni Kane at marahas na hinila si Catcher para magpalit sila ng pwesto at ng siya ang unang gamutin ni Angelette.   "The f*ck man, mas malala naman sugat ko kaysa sayo kaya ako dapat ang mauna." Akmang hihilahin nito si Kane ng dumating si Centia.   "Ako na lang ho ang gagamot sayo," magalang na sabi ni Centia at pinaupo na si Catcher sa isang stoll chair at sinimulan ng gamutin ang sugat nito sa kilay.   "Bakit ang sama mo sa kaibigan mo mas malala naman talaga sugat niya kaysa sayo," sabi ni Angelette at nagsimula ng gamutin ang sugat ni Kane.   Napaaray si Kane sa dampi ng bulak na alcohol para linisan ito at agad namang nanghingi ng paumanhin si Angelette   "Ayos lang yun kaibigan ko naman siya," kampanteng sabi ni Kane at papikit pikit dahil sa sakit ng kanyang labi.   Natigil sa ginagawa si Angelette at mariing tinitigan si Kane, "Ibig sabihin sasaktan mo rin ako kasi kaibigan mo ako?" tanong ni Angelette. Hindi niya alam na ganitong klaseng pagkakaibigan ang gusto ni Kane.    "No, not like that. Sa amin lang yun dahil pareho naman kaming sanay at parang paraan na rin namin ang ganun para mag-enjoy, don't worry hindi kita sasaktan hindi ko ugaling manakit ng babae," paliwanag ni Kane.   Sa lahat ng kaibigan ni Kane si Catcher lang ang madalas niyang nakakasama at sa ganung paraan nila nilalabas ang sama ng loob.   Nakahinga ng maluwag si Angelette at patuloy na ginamot ang sugat nito.  "Paano ka mage-enjoy sa akin eh hindi naman ako marunong pakipag laban?" tanong ulit ni Angelette. Nilagyan nito ng ointment ang gilid ng labi ni Kane.   Natigilan naman si Kane at napatitig sa mukha ng dalaga, malapit ang mukha nito sa kanya kaya malaya niyang napagmamasdan ito.   May sumilay na munting ngiti sa labi ni Kane dahil sa sinabi nito, "Makapage-enjoy naman ako sayo, you can always makes me enjoy," Kane use his sexy voice. Napalunok si Angelette at ramdam niya ang nakakatunaw nitong titig sa kanya.     "Okay na yang sugat mo sa labi, hindi ko na kayang gamutin ang iba pang masakit sa katawan mo magpa check-up ka na lang," sabi ni Angelette at dumistansiya kay Kane dahil hindi pa rin nagbabago ang paraan ng paninitig nito sa kanya.   "Tsk, may nalalaman ka pang sparring ha babae lang naman pala makakapagpakalma sayo," ingos na sabi ni Catcher ng makitang mukha okay na ang kaibigan niyang kanina lang ay nagwawala dahil sa galit.    "Oh ayan tapos na naming gamutin ang sugat niyo, pwede na kayong magbayad at umalis dito kasi magsasara na kami," pormal na sabi ni Centia at nauna ng umalis patungo sa opisina ng manager.   "See you tomorrow and nice to meet you Catcher," malambing na paalam ni Angelette saka na tumalikod at sumunod kay Centia.   Tumayo si Kane at Catcher at nagsimula ng magsulat sa cheque.   "Lakas ng trip mo Kane, pinasakit mo pa katawan ko babae lang naman pala magpapakalma sayo ang daming babae rito kanina," reklamo ni Catcher at basta na lang iniwan ang cheque sa bar counter na may halagang 50 thousand at ganun din ang kay Kane.   "Reklamo ka ng reklamo pumapayag ka naman sa gusto ko baka gusto mo gulpihin kita," malamig na sabi ni Kane at masamang tinitigan ang kaibigan niyang ngingisi ngisi lang sa kanya.   "Maganda siya, maliit nga lang pero pwede na." Iginalaw galaw na naman ni Catcher ang kanyang kilay na parang may iba pang ibig sabihin ang sinabi niya.   "Stay away from her Quantom hindi siya katulad ng ibang babae," babala ni Kane sa kaibigan niya. Angelette is innocent kaya hindi pwedeng pati si Angelette ay masama sa mahabang listahan ng mga babaeng pinaiyak ni Catcher.   "Relax, hindi ko naman siya aagawin sayo," pabirong sabi ni Catcher at lumabas na sa bar.   Nakita ni Kane na lumabas na ulit si Angelette at may dala ng bag na parang uuwi na.   "Hey My Angel," tawag ni Kane sa dalaga at agad naman itong tumigil at humarap sa kanya.   "Bakit?" tanong ni Angelette, "Ihahatid na kita," sabi ni Kane at agad hinawakan ang kamay ni Angelette saka inalalayan palabas ng bar.   "Teka lang Kane, si Centia wala siyang kasama pauwi," nag-aalalang sabi ni Angelette.   "Naku friend don't worry about me ako na bahala susunduin naman ako ng boyfriend ko eh," sabi ni Centia na nasa likuran nila.   "Sure ka ba?" tanong ni Angelette na nag-aalala sa kaibigan.   "O'o nga sure ako, sanay na ako sa ganito." Ngumiti ito sa kanya at tumingin ng seryoso kay Kane.   "Pakiingatan ang kaibigan ko, pag may nangyaring masama dyan ipakukulong kita," pananakot ni Centia at pinakitaan pa ito ng kamao.   "Centia Baby! Ako na lang maghatid sayo!" sigaw ni Catcher na nakasandal sa kotse nito at kumakaway pa sa kanila.   "Hoy t*arantado tigilan mo ako hindi kita type pwe!!" sagot ni Centia at umalis na dahil parating na rin daw ang sundo nito.   "Catcher may boyfriend na ang kaibigan ko, ibang babae na lang gustuhin mo marami pa naman dyan," naaawang sabi ni Angelette kay Catcher.   Humagalpak naman ng tawa si Catcher sa sinabi nito, "You're too innocent, makaalis na nga bye dude bayaran mo na lang bills ko sa hospital papa-check up ako," sabi nito bago sumakay sa kotse at humarurot paalis.   "Nabudol-budol na naman ako," mahinang usal ni Kane.   "Tara na, hatid na kita gabing gabi na." Inalalayan ni Kane si Angelette papasok sa kotse at siya na rin ang nagkabit ng seat belt nito.   Agad namang binigay ni Angelette ang kanyang address sa isang mumurahing apartment.   Hindi na nag imikan ang dalawa at tahimik na binagtas ang daan.   Nang makarating ay agag agad ng lumabad ng kotse si Angelette.   "Maraming salamat Kane ha, ipagluluto kita ng pagkain bukas bilang pasasalamat ko sayo," sabi ni Angelette at lumabas rin ng sasakyan si Kane at tiningnang maigi ang tirahan ng dalaga.   "Dito ka nakatira, parang anytime guguho na ang apartment na ito," puna ni Kane. Luma na ang bahay na gawa sa kahoy alam niyang malapit na itong bumigay.   "Ito lang kasi ang kaya ko sa ngayon saka mas ayos na ito kaysa naman na sa kalsada ako nakatira hindi ba," malumanay na sabi ni Angelette.   Para sa kanya, ayos na sa kanya ang ganito dahil mayroon siyang mas mahalagang pinag-iipunan kaysa pumili ng mamahaling tirahan.  "Sige na Kane umuwi ka na rin gabing gabi na, good night," sabi ni Angelette. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob?" tanong ni Kane, this may cheap pero mukha namang maayos na ito kay Angelette. But Kane has a plan.   "Ahh... Sige pasok ka muna," sabi ni Angelette at binuksan ang gate ng bahay. "Halika, wag kang mag-alala walang gagalaw ng kotse mo nandyan lang sa tabi ang tanod," kampanteng sabi ni Angelette.   Pagkapasok sa loob ng bahay ay agad siyang dinala ng dalaga sa isang makipot na hagdan sa kanang bahagi ng bahay dahil sa ikalawang palapag ang kwarto ni Angelette.   Lumalangitngit ang hagdan sa bawat pagtapak ni Kane roon dahil masyado na ring marupok ang kahoy na ginamit at dagdag pa na malaking lalaki si Kane.   "Pasensiya ka na luma na ang bahay pero malinis naman." Binuksan ni Angelette ang ikalawang pintuan at doon ay nakita niya ang maliit na kama, lamesa na mayroong nakalagay na maliit na kaldero. Sa tabi naman nito ay ang maliit na kalan na nakapatong sa maliit na lababo, lagayan ng pinggan, mga baso at iba pa.   Isang kahoy na aparador at mayroong maliit na pintuan na sa tingin niya ay ang cr.    "Maliit lang pala talaga, my bathroom is twice bigger than this," pagkukumpara ni Kane sa bahay niya at ng kwarto ni Angelette.   "Ako lang naman mag-isa kaya ayos lang na maliit, upo ka muna." Agad pinaghila ni Angelette ng monoblock chair si Kane.   Hinubad ni Kane ang kanyang coat at inilagay sa likod ng pinto bago umupo. "Ito oh juice, wait lang ha magpapalit muna ako ng damit," pagpapaalam ni Angelette.   Kumuha ito ng damit sa aparador at agad ng pumasok sa cr.   Walang masyadong gamit ang kwarto ni Angelette, at ang kama ay masyadong maliit. Kakasiya lang sa iisang tao.   Ilang saglit pa ay lumabas na si Angelette nakasuot ng dolphin cottoon shorts na pink at ang malaking t-shirt nito na kulay puti.   Napatitig si Kane sa dalaga, ang puti at ang kinis ng hita nito at maumbok na pang-upo.   Napalunok ng laway si Kane at nag-iwas ng tingin. "Ayos ka lang ba Kane?" tanong ni Angelette at lumapit kay Kane.   "O'o ayos lang, medyo masakit lang talaga ang katawan ko." Sumandal si Kane sa upuan at napangiwi ng maramdaman ang kirot sa likod.    "Mas mabuti pang dito ka na lang matulog, kukuha na lang ako ng banig at unan mo." Agad ng tumayo si Angelette at naghalungkat sa kanyang aparador.   Hindi na tumanggi si Kane dahil inaantok na rin siya at tinulungan na lamang niya si Angelette na ilatag ang hihigaan niya.  "Kane may damit ako na malaki dito tingin ko kakasiya sayo saka ito rin pala may shorts na nakalagay dito, naiwan ng anak ng may-ari. Wag kang mag-alala malinis lahat yan." Iniabot agad ni Anagelette ang damit at tinuro ang banyo agad namang pumasok si Kane sa loob.   The bathroom is small, walang shower faucet tabo at balde lang.   Naaamoy niya ang mabangong amoy ni Angelette sa banyo at napanganga siya ng makitang may dalawang panty at bra na nakasampay sa loob ng cr.   Agad namula ang tainga ni Kane, mali yata ang desisyon niyang dito na matulog dahil hindi niya alam kung makakatulog ba siya lalo na't sila lang dalawa.   Nararamdam ni Kane ang paninikip sa kanyang pantalon at sunod sunod na pumasok sa isip niya ang imahe ni Angelette na nasa ilalim niya.   F*ck, I have to stay calm.    Naligo si Kane at pilit tinatanggal ang init ng kanyang katawan.   Isang oras ng hindi lumalabas si Kane sa banyo pero kahit nagtataka si Angelette ay hinayaan na lang niya si Kane sa loob dahil hindi ito sanay sa maliit na banyo.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD