Chapter 3:Sweet but Psycho

1029 Words
Mia's POV "Mia, diba? Gino nga pala." Sabay ngiti niya sakin kaya lumitaw ang isang dimple sa kaliwang pisngi. Kilala ko 'to. Sa konti ng kakilala ko sa school, playboy raw ang isang 'to at minsan ko lang nakikita kasi palaging nagcu-cutting. "May kailangan ka?" tanong ko agad. "Ang suplada mo naman. Parang nakikipagkaibigan lang eh. Ang tangos pala ng ilong mo sa malapitan. Dalawa din dimples mo, ang ganda." Nasa bakanteng classroom kami ni Joey at busy-busyhan siya dahil may ka-chat. Send nudes pa nga raw sila my gosh. Biglang dumaan ang grupo nila Marco at sakto pang isinandal ni Gino ang kamay niya sa armchair ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya pero umiwas din. Pinapanindigan niya talaga ang hindi niya pagpansin sakin para sa 'ikabubuti' raw naming pareho. Tss. "Kumakalat ang chismis na boyfriend mo raw 'yun. Totoo ba? Ba't di halata?" Ewan ko ba kung nagtatanong lang talaga siya o nang-iinis na pero sa di malamang dahilan, hindi ko magawang sagutin iyon. "None of your business." "Woah, englishera. Galing ka nga pala sa pinakasikat na University dito satin. Mayaman ka naman ba't ka nag-transfer e panigurado ang ganda na ng buhay mo doon." "Scholarship dahil teacher ang Mama ko pero ngayon wala na." at hindi ko na dinetalye kung ano yung nawala. Bukod sa awtamatikong natanggalan ako ng scholarship na ikinaguho ng mundo at pangarap ko, pati si Mama ay pinaalis rin dahil sa lecheng dahilan. *** P.E. at magkaklase kami ni Marco. Alam ko sa sarili ko na confident akong tao at wala akong pakialam sa sinasabi ng karamihan pero ngayon kinakabahan ako. May activity kasi kami at by group of 4 raw tapos magfo-form ng circle. Naghiyawan ang iba naming kaklase nung magtabi kami ni Marco maliban nalang sa tinatawag niyang barkada na masama ang tingin sakin. "Matalino ka lang pero di ka maganda. Payatot." Pabulong 'yon pero di ako bingi. Alam kong pinaparinggan ako ng isa sa likuran ko. "Hawakan mo na kamay ni Mia. Ayiiiieeehh!" asar nung isa. Magkahawak na kami nung kaklase ko sa kanan at nakaabot pa ang isa kong kamay sa kaliwa dahil umasa akong aabutin ni Marco. "Bakit naman? Di ko kilala 'yan! Hahahaha!" nagtawanan rin yung iba. Fuck you. I've never felt this humiliated. Tiningnan ko ang mukha niya pero walang halong pagsisisi at parang wala lang. Naikuyom ko ang kamao ko at lumayo sa kanila para kunin ang bag ko saka isinuot ang sunglasses. Lalakad pa rin with poise kahit masakit. "Bebe wait, sama ako!" Okay lang ako. Mag-iisang buwan ng ganito pero okay lang ako. Pero hindi okay ang mga mata ko dahil biglang nagbagsakan ang mga luha. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Lalo kong minadali ang paglalakad palabas ng gate. "Bebe ang bilis mo maglakad, maliit lang ako uy!" Hinila ko ang kamay ni Joey. "Tara, inom tayo. Ako bahala." Sumakay kaming tricycle patungong AM/PM mini-mart. *** Joey's POV Hindi pa man din ako umiinom pero sasamahan ko pa rin si Bebe ko kasi kawawa naman. Bumili siya ng 500 ml na emperador at color green na juice. Ewan ko anong tawag. Nagsalin siya agad sa baso matapos i-mix ang dalawa at uminom. Sa isang lagok parang ang mukha ko ata ang lumulukot. "Oh, ikaw naman." Sabay abot niya sakin ng plastic cup. "Ha? Hindi ako umiinom bebe. Ikaw nalang." "Ang unfair non. Sige na masarap 'to promise." "Isa lang ah?" "Yep." *** Mia's POV "Tangina naman kasi diba, hindi ko kasi gets bebeeeee!" sabi ko na may paturo-turo pa sa sarili ko. Alam kong may konting tama na pero mas malala ata 'tong kasama ko. "Hahahahaha! Sabi sa'yo ako nalang kaseeee!" "Hoy, pinagsasabi mo??" Tumawa lang siya na parang wala ng bukas saka tumayo at sumandal palapit sakin habang nakapatong ang dalawang kamay niya sa mesa. "Mahal din kita pero----" "Mia?? Kanina ko pa kayo hinahanap. Buti nalang nag-text 'tong isa. Ba't ba kayo naglalasing ah??" Patay malisyang lapit ng gago samin at tumabi pa sakin. "Umalis ka dito Marco." "Hindi pwede. Ihahatid pa kita pauwi matapos natin unahing ihatid 'to si Joey. Yung Auntie niya hinahanap siya sa school. Akala raw lumayas." Napatingin ako bigla sa mukha ni Joey. Hindi ito iyong usual na masayahin. Baka masyado ako naging focused sa mga issues ko at hindi ko siya natuunan ng pansin. Sorry, Joey tomboy. *** Gumagabi na at hindi pa rin kami bati ni Marco pero heto ako ngayon nakasakay sa motor niya dahil may pupuntahan raw. Hindi nako lasing. Nung lumiko siya sa isang kanto, pamilyar sakin ang daan dahil may kaibigan ako doon. Alam ko na kung pasaan kami. Sa tabing dagat. "Mia, kausapin moko please. Ano bang kasalanan ko?" "Wala. Ewan. Malay ko kung manhid ka ba talaga o sadyang tanga lang." "Hindi kasi kita maintindihan. Magsalita ka kasi para alam ko kung anong problema kasi hindi ko talaga alam. Akala ko okay lang lahat sa'yo 'to." Napatitig ako sa mukha niya. Unbelievable. Mukha kasing wala siyang ideya talaga. "Okay sa'yo pero hindi okay sakin, Marco. Hindi mo ba nakikita? Girlfriend moko pero parang diring-diri ka sakin sa school. 'Yung mga kaibigan mo, ang sasakit nila magsalita at ni hindi mo 'ko maipagtanggol. Kasalanan ba maging matalino at matinong babae? s**t lang. s**t talaga at s**t ka rin." Natulala siya sa sinabi ko at akmang magsasalita na sana pero tinikom niya ulit ang bibig niya. Napabuntong-hininga ako. Sabi na nga ba wala akong makukuhang--- "I'm sorry, baby. Hindi ko nakita na ganon na pala ang nararamdaman mo. Hindi ko intensyon na saktan ka ng ganito. Ayun nga eh. Masyado kang matalino at ano nga lang ba ako? Isang hamak na bobo na parang gangster umasta. Kitang-kita ko kung paano ka tignan ng mga Senior high kasi raw maganda ka. Gusto ko silang sugurin at sabihin na akin ka." Pagtingin ko sa kanya, nawala lahat ng galit ko dahil sobrang amo ng mukha niya. Hindi ko din alam na ganito rin ang nararamdaman niya. "Promise, mag-aadjust ako. Ayaw kong mawala ka. Wag mo kong sukuan, please." Third Person's POV Hinila ni Marco si Mia para halikan sa noo bago yakapin ng mahigpit. Hindi rin maiwasang bumigay ni Mia dahil sobrang sincere ng mga salita ng boyfriend niya. "Fine. Basta wag mo ng uulitin. Mahal din naman kita." Ngumiti si Marco. Ngiting tagumpay. "I know, baby. I know." saka nito hinaplos ang buhok niya ng marahan. He sniffed her hair while his eyes closed. 'Akin ka lang at wala ng ibang pwedeng umangkin sa'yo kagaya nung lintek na si Gino.' Isip-isip ni Marco habang nakangisi. Isn't he the sweetest psycho? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD