Angelica's POV
Tuluyan na akong nahulog at bumagsak sa pool nang walang pag-aalinlangang pagtulak ni Madonna sa akin. Naramdaman ko ang malamig na tubig na bumalot sa aking katawan. Kinukumpas ko ang aking mga kamay na gustong humawak ng kung ano para makaahon. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinigilan ang paghinga. I don't know how to swim lalo na kapag malalalim na bahagi gaya nito.
Mamatay na ba ako?
Ito na ba ang katapusan ko?
Hindi man lang ako ikinasal!
Is this for real?
I tried to save myself pero di ko kaya. Talagang hindi ko kaya dahil hindi ako marunong.
Ilang segundo lang ang nakakaraan, mukhang nauubusan na yata ako ng hangin. I can't hold it anymore. Bigla nalang akong nanghina.
Dahan - dahan kong idinilat ang aking mga mata. Napapasingkit ako nang may naaninag akong liwanag mula sa ibabaw ng pool.
Feeling ko tuloy susunduin na ako ng mga anghel at sa langit ang punta.
But..
May biglang tumalon sa pool na isang binata. Hindi ko makita ang kabuuan ng kanyang mukha na medyo malabo pero lumalangoy sya patungo sa akin. Nakikita ko ang kanyang makisig na pangangatawan. Wala siyang saplot pang - itaas.
Sino ka? tanong ng isip ko. Sino ba ang magliligtas sa akin?
Hanggang nakalapit na siya at nakita ko na kung sino siya.
Ikaw?
Hindi ko inakala na darating siya. Mas lumapit pa siya sa akin. Hinawakan niya ang aking bewang habang ako ay malapit na talagang sumuko. Hindi na ako makahinga. Hindi ko na kayang pigilan. Napapapikit na ako at napalinga - linga ang aking ulo kaya hinawakan niya ang aking batok.
He suddenly kiss me!
Dinampi niya ang kanyang labi sa aking labi.
Madiin ang kanyang halik na tila binibigyan niya ako ng lakas. Walang pag - alinlangan ay tinugunan ko na ang kanyang mga halik.
I hug him while we are kissing. Mas hinigpitan niya ang kanyang hawak sa aking bewang.
"King!" sigaw ng bruha na nasa taas ng pool. "King! Honey!"
Nilayo na namin ang aming mga labi bago tuluyan ng umahon. Minulat ko ang aking mga mata at gayundin siya kaya nag-abot ang aming mga tingin.
"King!" tawag nila.
Nakaahon na kami. Buhat ako ng binatang tinatawag nilang King. Ang aking mga kamay ay nakapulupot sa may batok niya at ang aking mukha ay nakamudmod sa may leeg naman niya.
Yes ligtas na ako!
Pag-ahon namin mula sa ilalim ay agad niya ako pinaupo sa may gilid ng pool habang sya ay nasa tubig pa. Napapaubo talaga ako. Ramdam ko rin ang lamig kaya medyo nanginginig ako.
"Tse" inis ng bruha na nakatayo lamang at nanood sa akin. Well siya naman talaga dahilan ng lahat.
Umakyat na si King at dali - daling nilapitan siya ni Madonna.
"Honey, are you okay? You are so wet baka magkasakit ka niyan!"
Di ko maiwasang di bigyan ng masamang tingin ang babaeng bruha. Naiirita ako kapag naririnig ko ang OA niyang boses.
Geez! Hmp!
Gusto ko siyang itulak rin pero sa pagkakataong ito ay mukhang nawalan ako ng lakas at tanging magagawa ko ay maupo lang rito.
"Honey..."
Kunot - noong hinarap ni King si Madonna. Nang pupunasan ng bruha ang dibdib ng binata ay pinigilan niya ito. Agad nitong hinawakan ang pulso ng dalaga. Bumakas sa mukha ni Madonna ang pagkabigla. Ako rin ay nabigla sa kanyang ginawa na paghawak ng mahigpit ang pulso ng bruha.
Galit ba siya sa ginawa ng bruha sa akin?
Habang nanonood sa dalawa, hindi ko namalayan na lumapit ang isang binata na tinatawag nilang Ace. He suddenly placed his coat on my shoulders.
"Nilalamig ka na.." sambit niya na may kalmadong boses.
Napalingon naman si King sa amin.
Mas nagulat pa ako ng buhatin ako ni Ace.
"Teka teka! Anong ginagawa mo?"
Dinala niya ako sa may upuan at pinaupo roon. Namimilog ang aking mga mata habang nakatingin sa binata. Ang gentleman niya pala.
Naiilarawan din ng isip ko kung ano na ang itsura ni King nang buhatin ako ni Ace. Siguradong umuusok na iyon sa galit.
Ilang segundo lang ay lumapit talaga si King.
Tama ako!
Nakasalubong ang mga kilay ni King ng pinuntahan kami. Medyo tinulak pa niya si Ace para umurong at mapalayo. Inalis rin nya ang jacket at ibinalik kay Ace.
"No need!" seryosong sabi ni King.
Inabot agad ni Mr. Franco ang isang towel kay King at inilagay sa balikat ng boss pero inalis niya ito. Instead, King placed the towel on my shoulders.
"Uhm.."
Napatitig tuloy ako sa kanya.. at..
Teka, what the hell... bakit ako bigla nahiya?
Hindi lang iyon ang ginawa niya, binuhat niya ako mula sa upuan. Napalingon ako sa kanila na naiwan. Kalmado lamang si Ace habang napapahaplos sa baba ang isa pang binata na tinatawag nilang si Jack. Si Madonna naman ay nanggigigil sa inis na nakatingin sa amin. Dilaan ko kaya siya?
Nakasunod naman si Mr. Franco na may dala pang isang towel na sa tingin ko ay para sana sa akin.
Nagpatuloy sa paglalakad si King na buhat ako hanggang makapasok sa mansyon. Dinala niya ako sa isa sa mga banyo.
"Saan mo ako dadalhin?" usisa ko.
"Kailangan mong magbihis!"
Napayuko lang ako at natahimik.
Pagkapasok namin sa isa sa mga banyo ay talagang namangha ako. Mukhang hindi banyo ang pinasukan ko kundi isang spa. Feeling ko nasa SPA ako. Ang kaibahan lamang ay may tub na malaki at closet.
Pinaupo niya ako sa isang couch na nasa gilid na may katabing malaking vase. Di ko maiwasang hindi mapalibot ang aking paningin sa buong silid.
"Wow!"
Nahalata niya tuloy ang reaksyon ko.
"Wala ba kayong banyo sa inyo?" pilosopong tanong niya.
Kunot noong tiningnan siya. Ang yabang nito. "Meron!"
"Mukhang ngayon ka lang nakakita ng ganito."
Taas noo akong sinagot siya. "May banyo kami. Pero aaminin ko na iba ang sa inyo."
"Ganyan talaga kapag mayayaman. Isa lang ito sa mga banyo rito sa mansyon."
Pabulong nalang ako sa aking reaksyon. "Ang yabang.."
"Magbihis ka na." utos niya na medyo kalmado din at mukhang maamong tupa.
"Hmm?"
"May mga damit sa closet. Mamili ka na lang doon."
Napalingon ako sa malaking closet at binalik ang tingin sa binata pagkatapos. Nakatayo na siya sa may pinto. Napatingin tuloy ako sa makisig niyang katawan na may mga butil ng tubig.
"Anong tinititigan mo, katawan ko?" tukso ng binata.
Napansin pala niya na nakatitig ako sa kanyang katawan lalo na sa kanyang abbs. Mas humarap pa siya kaya napaiwas tingin na ako.
"Ayaw mo ng titigan?"
"Hindi kita tinititigan!"
"Talaga?"
Naririnig ko ang yapak niya na papalapit pa sa akin hanggang naramdaman kong nakatayo na siya sa aking harapan. Dahan - dahan naman akong napasulyap sa kanya kaya nakita kong nakangiti siya.
"Bakit ka namumula?"
"Eh, ako namumula?"
Napahawak ako sa aking mga pisngi at ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Wait! What's happening?
Yumuko si King at lumapit ang kanyang mukha sa akin kaya naman napapaduling tuloy ako at pakurap kurap ang mga mata.
He suddenly kiss me!
Mas napasandal tuloy ako sa backrest ng couch.
I just close my eyes.
I let him kiss me.
Mariin niya akong hinalikan. He suck my my lower lip and bit it slowly.
Ang kanyang isang daliri ay napahaplos sa aking leeg at napahawid sa aking buhok na nagbibigay kiliti sa akin. I tilt my head slightly to left while he is at the right. I can feel his tongue that teases mine. I can't let his lips go.
Naghalikan pa kami at ako naman ay napapahaplos sa mala-tinapay nitong abbs.
Napakatigas!
Ang sarap yatang kagatin.
Hinaplos ko ang dibdib niya pababa habang ang aming mga labi ay abala pa. Pababa pa ito ng pababa hanggang ramdam ko ang belt niya. Tumigil na ako sa bandang ibaba dahil baka umabot pa sa bahaging hindi dapat.
Napadilat siya at napalayo ang labi.
"Bakit ka tumigil?" tanong niya sa akin.
Binalik ko ang tanong niya. "Bakit ka rin tumigil?"
Hahalikan niya sana ako sa may leeg nang marinig namin ang ingay sa labas. Napatayo tuloy siya ng matuwid na nakatingin sa may pinto. Rinig namin ang boses ni Madonna na nakikipagtalo sa mga bantay sa labas pati kay Mr. Franco.
"Let me in!" maotoredad na utos ni Madonna kay Mr. Franco.
"Sorry Ms. Madonna but hindi pwede! Hindi po pwede disturbohin ang aming boss. Wala po siyang utos na papasukin kayo!" mahinahong paliwanag ni Mr. Franco.
Tumayo pa ang tatlong lalaki kasama si Mr. Franco sa pinto.
"Let me in!" pasigaw nitong utos.
"Kalma lang po kayo Miss."
"What? Kasama niya ang babaeng haliparot na iyon sa loob. Paano ako magiging kalmado?"
"Pasensya na po."
Nanggigigil sa inis si Madonna. Pabalik-balik ang kanyang lakad at napapakrus ang braso niya sa may dibdib. Hindi na mapinta ang kanyang mukha.
"Humanda ang babaeng iyon! May balak yata niyang agawin si King! Haist!"
Lumabas si King sa banyo na mag - isa. Napakaseryoso nito na humakbang papalapit kay Madonna. Laking tuwa naman ng dalaga na makita ang binata.
"Honey!"
Yayakapin niya sana ang binata pero pinigilan niya ito.
"Stop!"
"Hm? Honey?" pagtataka ni Madonna.
Napasilip ako sa may pinto kaya nakikita ko sila at naririnig. Napakaseryoso talaga ni King sa mga oras na iyon. Nasaksihan ko rin ang pagbabanta niya kay Madonna. Hinawakan niya at pinisil sa bandang pisngi malapit sa bibig ng dalaga na sa tingin ko ay mahigpit ang pagkakahawak dahil sa mga labing napanguso tuloy.
"Wala kang karapatang saktan siya! Kung sasaktan mo siya ulit, humanda ka sa akin! Kilala mo ako, wala akong inuurungan!"