KABANATA 12

2338 Words
PAGKASARA KO ng laptop ay kaagad kong naulinigan ang pagsara ng pinto ng kotse galing sa labas. Pumuwesto ako sa pinto para salubungin siya. Eksaktong pagbukas niya kaagad kong iniunat ang kamay ko. “You're back,” masayang pagsalubong ko sabay yakap sa kaniya. Tumama ang ilong ko sa kaniyang balikat dahilan para malanghap ko ang ibang amoy niya. Marahan niyang inalis ang kamay kong nakayakap sa kaniya. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya pero binalewala ko. “Nag-almusal ka na ba?” tanong kong sinundan siya pagkalampas nito sa akin. “I'm done. Did they left?” walang ganang tanong niya. Huminto ako sa pinakaunang baitang ng hagdan habang nagtutuloy-tuloy lang ulit siya sa pag-akyat. Kailan kaya babalik ang dating araw na hihinto siya kapag kinakausap ko at kakausapin ako nang nakaharap? Mahina akong tumikhim at tumango kahit hindi niya nakita “Umalis na sila Rosette at manang,” sagot ko. “Nag-bake kami ni Rosette ng paborito mong chocolate cake,” pahabol kong sabi nang sundan ko ang lakad niyang lumapit sa pinto ng kuwarto namin. Mindali ko ang pag-akyat para mahabol siya noong pumasok ito sa kuwarto. “Sayang kasi hindi ka na naabutan ni Rosette. Gusto pa sana niyang kantahan ka ng happy birthday at mag-blow ng candle kasama ka,” patuloy ko nang maipasok ang katawan bago pa niya maisara. Pagod ang una kong napansin sa mga mata niya at walang ganang makipag-usap. Kinagat ko ang labing ngumitu sa kaniya dahil mukhang nasobrahan ako sa pagsasalita. Na-miss ko lang naman siya. Nilapitan ko siya para samahan ito sa pagtanggal sa kaniyang suot na neck tie, pero hinawi lang niya ang kamay ko at itinagilid ang mukha. “Are you not feeling well?” kunot-noong tanong ko sabay dampi ng likod ng palad sa kaniyang noo at akmang idadampi ko rin sa leeg niya, ngunit umatras lang siya nang dalawang hakbang. “Enough talking, Ruth. Let my ears rest for a meantime.” I bit my lip, nodding from embarrassment. “Happy birthday. . .” mahinang sabi ko nang talikuran niya ako uli para magpunta sa palikuran at makapag-shower. Ginawa ko ang dati kong gawi kapag dumadating siya ng bahay, ang maghanda ng damit niyang isusuot. Nasanay na akong gawin ito sa kaniya. Eksaktong pagkalapag ko ng shorts at manipis na t-shirt niya ay lumabas itong tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kaniyang pang-ibaba. Napalunok ako sa pagdikit ng braso namin. Nabasa pa ang sleeve ng blouse ko dahil sa butil ng tubig sa kaniyang braso na hindi pa niya napunasan. “I'm going to sleep,” deklara niyang kinuha ang damit na inihanda ko. “Okay. . .” napakahinang sagot ko nang pagsarhan niya ako ng pinto. “Have some rest,” pahabol kong sabi at tanging hangin alikabok lang yata ang nakarinig. Para lang akong nanonood sa malaking smart TV, binabantayan ang galaw niya at nagmistulang hangin ako sa kaniya nang daanan lang niya ako nang walang pakialam. Napapatanong ako tuloy sa kinatatakutan ko kung may nagawa na naman ba akong hindi niya gusto. Kung may sinabi na naman ba si Tita Vivian sa kaniya kaya siya ganito, o baka sadyang pagod lang siya sa trabaho at sa opisina niya na ito nakatulog. Buntonghininga siyang humiga sa kama at niyakap ang unan sabay pikit. Tipid akong ngumiti, iyong ngiti na hindi masaya o peke, o pilit sapagkat isang ngiting may kasamang kurot sa puso ko. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang iniisip niya. Inirereto ako ni Caleb sa papa niya kahit wala namang ganoong pangyayari. Kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa na hindi ko rin inaakalang magkakasundo kami. Bawal na akong makihalubilo sa ibang lalaki? Alam naman niyang siya lang ang lalaking mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Bakit ayaw niya akong pagkatiwalaan? Dapat ako pa nga ang magduda sa kaniya at mawalan na ng tiwala sa mga ginawa niya noon pero bakit ipinaparamdam niya sa aking ako pa ang hindi dapat pagkatiwalaan sa aming dalawa? Naninikip ang dibdib kong pumihit patalikod. Mabigat ang lakad kong lumabas ng kuwarto habang yakap-yakap ang damit niyang kinuha ko sa palikuran para isama sa lalabhan ko. *** Matapos kong maglinis sa buong bahay ay sinunod ko ang mga labahan. Hindi ko na ihihintay pa kay manang kahit ilang beses niyang sinabi sa aking huwag kong gagalawin. Wala na rin akong gagawin, mamaya pang ala-una ng hapon ang schedule ko sa pagtu-tutor. Matapang ang pabangong dumikit sa damit niya at pamilyar sa akin . Dala ng kuryusidad ko kanina ay dahan-dahan kong inilapit sa ilong ang damit niya. Napalunok akong nilanghap iyon at inalala kung sino ang kilala kong may ganoong klase ng pabango. Mas naging sunod-sunod ang paglunok ko ng laway nang malaman ko ang eksaktong amoy. Unti-unting kumikirot na may kasamang pagpiga ang puso ko. Kitang-kita ko ang repleksyon nang mukha kong nakakunot-noo at ang pagkuyom ko nang mahigpit sa hawak. The sweet vanilla, and the soft sensual floral fragnance made me crumpled his polo like a paper that I can tear apart. Napaatras akong hindi inilayo ang ilong, tumama pa ang likod ko sa door knob ng nakabukas na pinto. Nagkikita sila? Kailan pa? Saan? Bakit? Teka. . . tama ba? Nanaginip ba ako? Iniuntog ko ang ulo sa mga kuyom kong kamao habang nanginginig. Gising ba talaga ako? Kaya ba siya nanlalamig kasi. . . nangunot ang noo kong nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Sinasabayan pa ng puso kong mas pinipiga at sinasaksak ng kung anong hindi nakikitang bagay sa babaeng nasa isip ko. Siya lang ang kilala kong ganoon na ganoon ang pabango niya. Siya lang iyong babaeng alam kong makikipagkita pa kay Aziel dahil siya ang model ng kanilang negosyo para sa advertisement. “Bakit mo inaamoy iyan? Mabaho?” Naestatwa ako sa boses niyang galing sa likod ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg kong sinisilip ang mukha ko, kaya mas lalo kong itinagilid habang inilingan ko. “Ah. . . Wala, mabango lang kasi.” Pabangong nakakasira ng araw. Ayaw kong magduda sa kaniya pero binigyan niya ako nang malinaw na dahilan para pagdudahan siya. Mabilis kong idinikit ang mata ko sa damit niya para ipunas ang namuong butil ng luha. Humugot ako ng lakas para humarap sa kaniya. Aksidenteng nagtama ang mata namin na agad niya akong kinunutan ng noo. “Parang nakakita ka ng multo,” puna niyang napapiksi ako sa gulat nang hinawakan nito ang balikat ko. Mahina akong tumawa, umiling-iling. Itinatago ang pait sa emosyon ko. “Wala, wala. May naalala lang ako.” Tumingin ako sa mga mata niya pero nag-iwas lang siya ng tingin. May itinatago ka ba sa akin, Ziel? “Tinawagan ako ni Manang Ester. They've already arrived and they're at their hotel now. Rosette is looking for us.” Bumalik ang mata niya sa akin at may ngiti rin siya sa labi. Tumaas ang dalawang kilay kong narinig ang sinabi niya pero ayaw tumigil ng isip ko sa pagbuo ng mga tanong. Napatango ako. “Ah. . . sige. . .” “May problema ka?” Ikaw ang may problema. Pikit-matang nailing ako sabay wagayway ng palad. “Ah. . . wala, wala. Kakausapin tayo ni Rosette?” tanong kong inilagay ang damit sa basket 'tsaka inayos ang sarili. Iniwan ko siya roon nang nakakunot ang noo, nagtataka. Sinagot ko ang incoming call ni Manang Ester sa laptop ko na naka-display na pala sa mesa. Sunod-sunod akong nagpakawala nang mga pagbuntonghininga bilang pagpapakalma sa sarili. Umayos naman ang pakiramdam ko, bumabalik ang aking tamang kalagayan ng puso. “Mommy, Dad!” malakas na bungad ni Rosette. Malapit ang mukha ni manang at biglang nagulo ang focus ng camera nila dahil balat ng palad ang nakikita ko. Nang makita ko si Rosette ay kumaway-kaway ako. Nakita ko naman si Aziel sa likuran kong kumakaway-kaway din at nasa bulsa niya ang kaliwang kamay habang lumalapit sa akin. Muli akong napapiksi sa gulat nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko. “Hi, my little princess, where's your lola?” nakangiting tanong niya. Nilingon niya ako sandali nang may pagtataka sa pagtaas ng isang kilay niya, pero imbes na magsalita ay nagpaskil ako ng pekeng ngiti pagkabalik ng atensyon ko kay Rosette. “Lola is sleeping and Nanny Ester is with me,” sagot niyang yakap-yakap ang dilaw na neck pillow. May kinakalabit siya sa tabi niya. “Nanny Ester, say hi. Dad is looking for you.” Hindi nagpakita ng mukha si manang pero kumaway siya. Walang nabawasan sa lapad ng ngiti ni Rosette sa pagtukod niya ng dalawang siko sa ibabaw ng mesa. “When did you get home, Dad?” Lumabi siya dahilan para kumiliti sa pandinig ko ang tawa niya. Dumulas ang braso niyang nasa baywang ko. Hinila niya ang upuang nasa kaniyang tapat para maupo. “Sabi ni mommy noong umalis kami ni Nanny, you're asleep. Mommy didn't wake you up because you're too tired from work.” Sinulyapan ako ni Aziel na tipid ko lang siyang nginitian at umalis doon, hinayaan muna silang magkamustahan dahil hindi sila nagkausap bago makaalis si Rosette. “Did you blow your cake and made a wish?” “I just woke up and haven't blow it yet. Will you sing a happy birthday for Dad?” Kinuha ko sa refrigerator ang cake pati ang kandilang kasinglaki na lang ng pinky finger ko. “Where's mommy now? I can't see, mommy.” “Nandito ako, baby. Kinuha ko lang iyong cake para may ma-blow si Dad,” sagot ko at kinuha niya sa akin ang hawak kong cake. “Mommy and I made a cake for you. It's a lot of loves from us.” Niyakap ni Rosette ang sarili. Malawak ang ngiti ni Aziel na nakatingin lang kay Rosette sa screen ng laptop. “Thank you, princess and Ruth,” sabi niyang tiningnan ako at hinanap ang kamay ko. “Mommy, let's sing for Dad.” Tumango ako. Kumaway-kaway siya, may tinatawag sa kanan niya. “Nanny, sing with us,” pilit niyang hinila-hila ang kamay ni manang sa kaniyang tabi. I raised my three fingers to count. “One. . . Two. . .” “Happy birthday to you, happy birthday to you,” agad na pagkanta ni Rosette dahilan para pagtawanan namin siya sandali bago sabayan sa pagkanta at pagpalakpak. “Happy birthday, Dad!” napakasiglang sigaw ni Rosette. “Let's blow na.” Nanliit ang kaliwang mata ni Aziel sabay iling. “Before I blow the candle, what should I do first?” Humagikgik si Rosette na mas humigpit ang yakap sa unan at naisandal ang ulo sa braso ni manang sa kaniyang tabi. “Make a wish,” sagot niya. “And I want you to make a wish.” Naupo si Rosette nang kitang-kita namin ang guhit sa kaniyang noo. “But it's not my birthday. It's yours.” “It's my birthday but I want to be a genie to grant your wish, my princess.” Bumilog ang labi niyang napatalon-talon habang nakaupo. Halatado ang pagpalakpak ng kaniyang tainga lalo na noong lingunin pa niya ulit si manang. “What's your wish?” “Hmmm. . . My wish is to travel with Mommy and Dad. Make an Olaf and see Elsa. Will you grant that wish, Dad?” “Sure, Dad will grant your wish. Ayusin muna ni Dad schedule niya tapos si mommy rin para magawa natin iyon.” Tuluyan siyang tumayo at nagtatalon-talon sa tuwa. “Yehey! Thank you, Dad.” “Nanny, papasyal kami ulit. Gagawa na kami ng Olaf,” masayang balita niya na ikinatawa ko sa cute niyang reaksyon. “Mommy, can I dress like Elsa?” tanong niyang bumalik sa pag-upo. “Of course, you can, baby.” Sumuntok-suntok siya sa hanging humikab. Kinusot niya ang matang tumawa sabay lingon kay manang ulit. Naubusan na ng baterya. “Hindi pa natulog noong umalis sila dito?” “Nakatulog nang dalawang oras, tapos nakatulog daw buong biyahe sabi ni manang,” sagot ko sa tanong niya. “You're not tired, princess?” Umiling siya sabay pakita ng parang kurot ng asin. “A little, but I want to talk with you and mommy.” “Take a short nap, princess. You need energy and we can still talk later,” nag-aalalang may halong pangungumbinsing sabi niya. Humaba ang nguso niya sa pagsimangot. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Your Dad is right, baby. Gusto mo bang inaantok ka kapag kasama mo si lola na naglilibot sa Disneyland?” Umiling-iling siyang halos mahilo na sa ginawa. “Idlip ka muna, baby, para may energy ka. We'll call you back,” nakangiting sabi ko na binigyan niya kami ng pagtango-tango. “Okay. I miss you, Dad,” malambing niyang sabi sabay hikab ulit at hindi iniwanan ang ngiti. “Let's play when I got home.” “We'll do that.” Umakbay siya sa akin. Pinipindot-pindot ang balikat kong nakatingin lang sa laptop. Iwinagayway ni Rosette ang dalawang kamay. “Ba-bye, mommy and Dad.” Nang tanging homescreen na lang ang display sa laptop at katahimikan ang namayani ay tumayo ako. Hinabol niya ang baywang ko para hapitin palapit sa kaniya. “Pagod lang ako kanina kaya hindi kita napansin,” wika niyang para akong upuan na pinaharap niya. Isinandal pa ang ulo sa bandang tiyan ko. “I love you and I promise to inform you beforehand if I can't go home,” malambing niyang imporma. Sa tonong ginamit at magic word na binitiwan ay kusang nawala ang kanina pa gumugulo sa isip ko. Hinaplos ko ang buhok niyang niyakap ito nang napakahigpit, nandoon ang takot na iwan niya ako anumang oras. “I love you more, Ziel. Happy birthday,” napakalambing kong saad. He kissed my tummy and pulled me closer to hug me tight. The strong big waves in my heart a while ago immediately calm down from the gesture he did.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD