"I'm not sure either. All I know is that I want to get to know you more."
All that talking and I still didn't get his name. For some reason, after our small talk I realized that he's not that bad. He just had a nasty temper and a weird staring habit. That's the one thing I remember most about him after that little encounter... he likes to stare, straight into ones eyes. Or maybe it's just me?
"Hindi ka masyado nag participate sa activities ah? Okay ka lang ba?" si Aly 'yon habang kapwa kami naka upo sa bench at kumakain ng packed lunch.
Hindi ko siya kinakausap mula nang maupo siya diyan sa tabi ko. Pero ngayon na nag salita siya ay wala na akong ibang dahilan para huwag siyang pansinin.
Gusto ko lang naman sana kumain. Yung walang kumakausap at nangungulit. Naalala ko tuloy bigla siya. Kahit na chismoso ay marunong pa 'rin makiramdam hindi tulad ng isang 'to na kahit anong gawin mong iwas ay sunod pa 'rin nang sunod.
"Don't feel like it. Sabi ko naman sa'yo. It's no use pulling me over here." saglit ko siyang tinignan bago ako tumayo.
Nawalan na ako ng gana kumain. Ipapakain ko na lang itong tira ko sa nakita kong pusa kanina. Sana lang ay maubos niya dahil medyo marami pa 'to.
Nang mapadaan ako sa field kanina ay nakita kong nag aayos na sila ng mga gamit senyales na tapos na ang programa at hinihintay na lang ang kinabukasan.
Mabuti naman kung ganon. Baka kasi kung mag tagal pa ako rito ay baka maubusan na lang ako ng pasensya at umuwi na lang ako bigla.
Hindi naman sa sobrang ayaw ko sa mga tao. It's just that... I'm not in the right mental state to be socializing with other people. I still have things that I have to contain so that it won't go spilling out as I try and force myself to talk to people I knew who wouldn't even understand the situation I'm in.
They'll all just talk about it and then leave. After all, no one cares and no one ever will.
Natunton ko na sa wakas ang lugar kung nasaan ang malaking pusa at ang tatlong kuting. They were peacefully lying down on top of each other when I arrived.
Dahan dahan lang ako sa pag lapit para hindi sila magulat at magsi alisan. Ang unang tumingin sa gawi ko ay ang malaking pusa. She doesn't look like their mom but the kittens might think she is.
Inilapag ko ang hawak kong container sa gilid at binuhusan ko 'rin ang takip ng tubig para naman mayroon 'rin silang iinumin na malinis.
The big cat looked at the food wearily before proceeding to eat it. Her little mouth continues to savor the food as she leaves space for the little ones to have their share too.
Watching them eat gave me some sort of comfort. Ever since, I've already been fond of cats, I used to have a pet cat before but she died a few weeks after the accident. She was a persian with a pair of bright blue eyes.
"Bait ah."
Saglit akong natigilan nang marinig ko ang boses na 'yon. Napa irap na lang ako nang matanto kong di ko na kailangan pang isipin kung sino 'yon. Bakit ba kung nasaan ako ay naroon 'rin siya? Stalker ba 'to?
"Nandito ka na naman. Wala ka bang friends?" mahinang sabi ako habang pinapagpag ko ang pantalon ko sa pagkakatayo.
I suddenly heard a faint laugh coming from him that instantly made me roll my eyes. Seriously, everything seems to be so entertaining for him.
Ipinag-krus ko ang mga braso ko sa dibdib habang naka tingin sa kaniya. Naka dantay ito sa railings ng hagdan habang naka dungaw sa'kin. Nasa loob kasi ako ng garden habang siya naman ay nasa labas lang.
"Coming from you?" kahit medyo magkalayo kami ay tanaw ko pa 'rin ang mapanuyang tingin niya sa'kin na parang bang naaaliw siya na inisin ako.
Bakit kaya palagi ko na lang 'tong nakikita na asungot na 'to. Siguro sinasadya 'to nang panahon para subukan ang katiting na pasensyang naiwan sa buong pagka-tao ko.
"Kung wala kang maka usap 'wag ako ang kausapin mo." inismiran ko siya at tsaka ako nag lakad paalis.
At syempre, susunod 'yan sa'kin. Matik na 'yan sa mga sintu-sinto na katulad niya.
Habang tahimik akong nag lalakad ay tahimik lang 'rin siya na siyang pinagpapasalamat ko-
"Hindi mo ba tatanungin kung anong pangalan ko?" bigla ay sabi niya.
Oo nga. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. E ano naman ngayon? May saysay pa ba ang pag aalam sa pangalan niya kung hindi ko 'rin naman na siya papansinin matapos ang lahat nang 'to?
But then again... it wouldn't hurt to know this shithead's name. At least, before that happens.
"Spill it."
Naramdaman ko itong tumabi na sa akin nang mag salita ako. Hindi ko pa 'rin siya nililingon at nanatiling abala ang mata ko sa mga nasa paligid. Hanggang sa makarating kami sa isang lumang fountain sa gitna ng open space.
"Spill what?" aniya at tsaka tumigil sa harapan ko nang maupo ako sa b****a ng fountain. Hindi siya sobrang lapit, pero hindi 'rin naman sobrang layo.
Sa posisyon namin ngayon ay mas nakita ko ang kabuuan niya. Wala namang iba kung tutuusin. Kaya hindi ko maintindihan ang iilan naming kasama dito sa camp kung bakit parang patay na patay sila sa asungot na 'to.
Habang naka-pila ako kanina ay wala silang ibang binanggit kung hindi yung 'mestiso na matangkad tapos naka-salamin na naka black nirvana hoodie' na para bang sobrang relevant niya.
Isa pa... ang baduy ng style niya. Hoodie talaga? Sa ganitong kainit na panahon? Kahit si Einstein yata ang mag paliwanag kung bakit ay hindi ko pa 'rin maiintindihan kung bakit kailangan mag hoodie. Maiintindihan ko pa siguro kung gabi... kaso hindi, tirik na tirik ang araw.
Siguro isa 'yon sa mga dahilan kung bakit parang tabingi ang isip nito.
"Your name... if it's not obvious already." umirap ako.
See? Wala talaga siya.
Para lang siyang ken na walang dating. Kung pag iisahin ang mga paglalarawan na narinig ko kanina. Matangkad, mestizo... katamtaman ang haba ng buhok, bilugan ang mga mata tapos ay naka salamin.
Tapos ano? Babanggitin ko 'rin ba ang sinasabi nilang mapupula niyang mga labi? I don't think so.
"Curious ka 'rin pala. Shy type lang." hirit niya ulit at tsaka ipinamulsa ang magkabila niyang kamay.
Kung may premyo lang ang pag irap ay ako na siguro ang mag uuwi ng grand prize. Simula ata nung gabing 'yon ay tila parang nag iba ang pakikitungo sa'kin ng taong 'to.
"Nag iba ka na ba ng persona? Akala ko ba cold hearted jerk and picture mo? Bakit parang ang daldal mo ata? What changed yo-
"Enrico Alwyn." seryosong tumingin ito sa'kin na tila sobrang swerte ko na nagpakilala siya sa'kin.
Habang nasa akin pa 'rin ang tingin niya ay hindi ko naiwasang mapa-irap sa aking isipan. Hinintya ko pa ang susunod na sasabihin niya pero ngumisi lang 'to sa'kin at tsaka siya tumkhim.
"Okay. Enrico... pwede mo na akong lubayan." tatayo na ako nang bigla itong lumapit sa akin. Ilang dipa lang at halos braso na lang ang pagitan naming dalawa.
"Ang sungit mo naman. Ikaw ba? Hindi ka magpapa kilala sa'kin?" tumaas ang kilay nito habang maloko pa 'rin na naka tingin sa akin.
I really don't get why he keeps on sticking with me. Hindi ko maintindihan ang mga kilos niya. Siguro wala lang talaga siyang mapag-tripan kaya ako ang puntirya niya.
After all, we're not totally strangers with each other. Sa ginawa niyang pag lapit sa'kin ay medyo napa-atras ako pero hindi ko ipinakita pagkabigla ko sa ginawa niyang pag hakbang. Sa bawat segundo na naka-baon sa akin ang mga tingin niya ay para akong napapaso.
"Para saan pa? Alam mo naman na ang pangalan ko. Ano pa ba ang gusto mong alamin." umirap ako at tsaka marahan siyang hinawi para maka-alis ako sa pwesto na 'yon.
I don't like the way he makes me feel. Hindi ko gusto na sa tuwing magkakasalubong ang tingin naming dalawa ay para akong nalalagutan ng hininga.
"Everything. I want to know everything about you, Syl." His voice were firm and serious. Different from the tone he was using earlier.
"Bakit? Anong dahilan mo?" For a moment I forgot that he didn't know things about me.
I almost blurted out words that he shouldn't hear. Ever since, it's been getting so hard for me to trust people. Not just because of what happened to my family, but with all the things that continues to haunt me every night.
Sa isipan ko lahat ng sinasabi ng mga tao ay kasinungalingan. Parang nawalan na ako ng gana maniwala.
"Kailangan ba talaga ng dahilan para kilalanin ka?" his gaze went cold for a second before it was filled with curiosity.
"Yes. You see, we have our differences, okay? It may be easy for you to get along with people, but it's not for me. At least, not anymore." I looked at him straight in his eyes with my hands clutching the ends of my shirt.
"So whatever it is you're planning with me, you should stop. You may mean well but I'm not in the position to be friendly towards other people right now." not when I'm still trying to befriend all the demons that sleeps with me at night.
Not when I'm not in the right headspace. Others may find it relieving to have someone by their side at times like this but personally, I think it's better that I was left alone by myself.
So that I can learn how to deal with this loneliness as I try to fill in the void that started forming inside me, the moment I lost everything at a blink of an eye.
Paano ako tatanggap ng tao sa buhay ko ngayon kung ako mismo umaayaw na sa buhay na meron ako?
"You just remind me of someone." Enrico sat down on the spot I was sitting on earlier. He was now looking somewhere else like he was... lost.
Ever since I met him I've only seen three emotions from his face. Irritation, from when he used to bring me over food. Anger, from when we fought after he saved me from drowning, and Fear, after he pulled me out of the water.
Watching him sit there, with his gaze fixated somewhere, I realized the expression he's making right now is familiar to me. So familiar that it makes me want to ask him why he's making that kind of look.
I know it very well because that's the same eyes that stares back at me every time I look at a mirror. It's an unwritten expression, like a blank canvas on a wall. Rather than sadness, his eyes tells me he's in silent despair.
Bigla ay napuno ang isip ko ng mga tanong. Why is he making that kind of expression? Why do I see myself in him?
Mag sasalita na sana ako nang maunahan ako ng boses na nanggaling sa likuran ko.
"Guys. Balik na 'raw sa site. Checking na ng attendance at may last segment before tayo mag pack up."
I could only look at him as he walk towards us. Our eyes met but instead of feeling annoyed, remembering all his stupid antics, I was drawn by a sense of familiarity.
He might have told me his name already but only this time that I've truly been introduced to the person that owns it. Simula nang makilala ko si Enrico palagi na lang parang may nag iiba.
"Susunod kami, salamat." he gave the person a small smile before turning back to me.
"Halika na, sungit. Baka ma-declare ka pang missing pag nahuli pa tayo sa attendance." nginisihan ako nito bago naunang lumakad.
Naiwan ako ng ilang segundo sa kinatatayuan ko, pinapanood ang likuran niyang unti-unting lumiliit sa paningin ko.
Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? I was just doing fine without him. Bakit kailangan niyang pumasok at guluhin ang lahat pati ang isip ko.
Pero isa lang ang sigurado ako. I don't think I'll ever give in to whatever he's plotting in his head. I don't believe that this is all just a coincidence. I know he has a deeper motive. I know he wants something for me.
But for now, I guess it won't be that bad to have someone annoying like him as long as I keep the right length of distance between us.
I hope so.