Special Chapter Part Two Alyssandra’s Point of View Bakit ganun? Parang kakagising ko lang kanina? Tapos ngayon gigising na naman ako? Saka bakit parang ang sakit ng katawan ko? Pinilit kong idilat yung mga mata ko. Ang puti naman ng kwarto? Nasaan ba ako? Hindi ito yung kwarto namin ni Kaps? Hindi rin naman ganito ang kulay ng kwarto ni Kath? Pinalibot ko yung paningin ko. Teka? Nasa hospital ba ako? Mula pagkakahiga, pinilit kong bumangon kaso biglang bumukas yung pinto eh. "Witch!" - nagmamadaling tumakbo palapit sakin si Kaps tapos tinulungan niya akong umupo at sumandal "Bakit nandito ako?" - tanong ko sa kanya "I'm sorry Witch, dahil sakin kaya ka nandito." - mahina niyang sabi Dahil sa kanya? Bakit? Paano? Ah! Naalala ko na. "Ah, dahil lang ba sa pagkahulog

