Hindi na muling nagpakita si Dinnah sa hardin mula nang mangyari ang mga bagay na kanyang gustong kalimutan. Nagkulong na lamang siya sa kanyang kwarto, ang mga kurtina ay sarado. Naiyak na naman siya dahil sa kanyang kalagayan dito sa bahay ni Mr. Halden. Biglang naisip niyang tawagan ang kanyang lolo at lola na nagpalaki sa kanya. Dahan-dahan niyang pinindot ang kanyang cellphone, at matapos ang ilang ring, sinagot na ito ng kanyang lola Cora. "Lola..." sambit ni Dinnah nang may kalambutan sa boses, at agad na muling tumulo ang kanyang mga luha. "Dinnah! Kumusta ka na riyan? Bakit ka umiiyak?" tanong agad ng kanyang lola, puno ng pag-aalala. "Okay ka lang ba diyan, iha?" dagdag pa nito. "Hindi po, Lola..." sagot ni Dinnah habang hinahawakan ang kanyang dibdib. "Miss na miss ko na p

