CHAPTER 63

1547 Words

Isang gabi, habang nakaupo siya sa kanyang opisina, ay sandali siyang napahinto sa pagbabasa ng isang report. Tahimik ang buong palapag. Maliban sa mahinang ilaw ng desk lamp ay halos madilim ang paligid. Napatingin siya sa bintana kung saan tanaw ang maliwanag na skyline ng New York. At sa hindi inaasahang pagkakataon— biglang sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Dinnah. Ang huling pagkakataong nakita niya ito sa tapat ng paaralan. At ang malamig nitong mga salita. "Mas mabuti pang huwag ka nang bumalik dito." Bahagyang kumuyom ang kanyang kamay. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang napabuntong-hininga. "Fine." Mahina niyang bulong sa sarili. Kung iyon ang gusto ni Dinnah— irerespeto niya iyon. Hindi siya ang lalaking ipipilit ang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD