Pagkatapos ng maikling pagbabalik-aral, tumingin si Dinnah sa kanyang mga estudyante sa Grade 10 - Section Emerald na puno ng interes. "Okay class, today we will start discussing one of the most famous tragedies in English literature – Romeo and Juliet by William Shakespeare. Before we begin with the first act, I'd like to know who among you already has an idea of what the story of our two main characters is about." Ani Dinnah na naging English speaking dahil required iyon sa kanyang English subject. Mabilis na nagtaas ng kamay ang ilang estudyante, kabilang na ang isang lalaki sa ikalawang hanay na si Mark. "Ma'am! Alam ko po kasi I saw the movie before – parang magkasintahan sila tapos galing sila sa mga pamilyang nag-aaway, yung Montague at Capulet. They got married in secret lang p

