Matapos ang hapunan niya kasama ang mga katulong sa servant’s quarter – isang maliit ngunit maaliwalas na silid sa ilalim ng hagdan ng mansion – huminga si Dinnah bago nagpaalam sa mga kasamang katulong at lakas-loob para puntahan sina John at Donnah. Gusto niyang muling kausapin ang kapatid at si John. Balak niyang humingi ng tawad sa huling pagkakataon at magpaalam nang maayos sa mga ito– bukas ng umaga na kasi siya titindig ng maaga para sumakay sa unang bus papuntang Bacoor, dala-dala na rin ang maliit na kahon ng mga gamit na inayos niya kanina. At depinde na kay Donnah kung mananatili pa ito dito sa mansion ng kasintahan nito – ang mansiong may mala-kastilyong disenyo, na may mga mamahaling bato na ginamit sa mga pader at malalaking bintana na gawa sa French glass na nakikita mula

