Tiningnan ko silang lahat naka naglakad ako papunta sa pintuan para buksan
"Dito ka naka tira?" Tanong Nung Shayne
"Oo" naka ngiti Kung Saad sa kanila. "Dito ako naka tira kasama si tita beth"
"Tita mo siya?"sabay na tanong Nung dark brown hair guy at ni Shayne.
"Yes po" Sabi ko at tuluyan nang binuksan Yung pintuan.
"Pasok kayo" Sabi ko kaya pumasok sila at sinnundan nila ako papunta sa living room.
"Upo muna kayo, napagod siguro kayo." Sabi ko sa kanila at umupo na, ngumiti Naman sila sa akin maliban dun sa Isa Kaya ngumiti din ako.
"Teka lang, diyan lang kayo kukuha lang ako nang maiinuman niyo" Sabi ko sa kanila Kaya pumunta ako sa kusina, kumuha ako nang juice atsaka cookies na ginawa siguro ni tita kanina pag-alis ko.
Dinala ko sa Sala yun atsaka linagay sa mesa.
"Btw, ako nga Pala si Ley Axaziel Sandre, pamangkin ni tita Annabeth" pagpapakilala ko sa kanila habang naka ngiti. "Let nalang Ang itawag niyo sa akin"
"Hi Ley" Sabi nila except sa Isa
"Kayo? Anong mga pangalan niyo?" Taning ko Naman sa kanlia
Bago paman sila magsimula sa pagpapakilala ay bigla namang bumukas yung pinto Kaya napa tingin kami dun. Si tita.
"Tita!" naka ngiti Kung bati. Bigla Naman sumiryoso ang mukha ni tita habang naka tingin Sa kanila pagkatapos sa akin
"Sino sila?" Tanong Niya habang naka tingin Sa kanila at naglakad papunta sa pwesto naamin
"Bakit sila nandito?" Tanong Niya at tumingin sa akin na seryoso parin ang mukha
'uh oh'
"Ah... Tita, hinahanap ka po nila" sagot ko habang kinakabahan. Tumayo Naman sila Saka nag bow.
"Kayo po ba si Annabeth Sandre?" Taning Nung naka gray na buhok
"Yes, ako nga" sagot ni tita nang may pagtataka.
"Kami po Pala ay pinadala Mula sa academy para sa Isang misyon" Sabi nung may sky
blue na buhok
'anong mission? At Academy?'
Rinig Kung tanong ni Sam, ako Rin eh, nagtataka "Anong kaylangan niyo sa akin?" Tanong ni tita beth
"Kaylangan po namin ang tulong niyo po para gumawa nang potion para panglunas sa sakit nag-iisang prinsesa ng fire kingdom" sagot naman nung Shayne
"Pinadala po kami ni HM Dito dahil sa utos nang mahal na Reyna nang fire kingdom na hanapin kayo para humingi nang tulong" Sabi Naman Nung guy na brown ang buhok.
"Ah, ganun bah" Sabi ni tita at ngumiti na sa kanila "maari ko bang Malaman Ang Inyong mga pangalan mga iho at iha?" Taning ni tita.
Tahimik lang akong naka tingin Sa kanila. Na out of place yata ako huhu
'me too my queen'
"Ako nga Pala si Elijah Maiko Summer, Prince of Earth kingdom, nice to meet you po" naka ngiting pagpapakilala nung dark brown Ang buhok Saka yumuko nang bahagya. Matangkad siya, green Ang kulay nang kaniyang mga mata. Ang gwapo Niya.
"Ako naman si Layka Eunice Summer, princess of Earth kingdom, kakambal ni kuya Elijah" nakangiting pagpapakilala nung girl na may may long curly dark brown hair na halos abot sa baywang Ang taas nang buhok Niya at Ang ganda Niya. Pareho sila nang kakambal Niya na may green eyes, pointy nose, rosy cheek at pink lips. Ang ganda rin Niya. Hindi nga makakaila na Isa siyang pinsesa.
"I'm Meika Shayne Darson, Princess of water kingdom, nice to meet you!" May pagka childish na pagpapakilala Niya habang naka ngiti. Siya Yung may long black hair na buhok na may highlight na sky blue, dark blue Ang mata Niya na parang kumikinanhn, Rosy cheeks, pointy nose and pink lips, maputi din siya. I mean ang puti nilang lahat. Hehe
"I'm Mathew Samuel Darson, prince of water kingdom, nakatatandang Kapatid ni princess Shayne" Sabi Naman Nung guy na may sky blue ang buhok. Pansin ko lang tahimik Niya pero Yung presensiya Niya nakakapag pagaan. Tahimik pero approachable. Ang cute
"I'm Zion Blake Arriet, Prince of Air Kingdom" Sabi nung guy na may gray ang buhok, tahimik din siya pero napapansin Kung palagi siyang naka ngiti o nakangisi? Ewan. Gwapo din siya, Maputi, matangkad, pointy nose and red lips, kulay gray ang mata niya na nakaka intimidate tingnan. Feel ko lang maloko ang Isang to .
"Ezackiel Tristan Lewbell, prince of fire kingdom" cold na Sabi Niya. He has a messy thick black hair with a red highlight, maputi din siya, perfectly carved face, pointy nose red lips and he's black eyes na may red lining at Ang makakapal niyang kilay Ang ganda tingnan ang mata niya para Kang natutunaw. All I can say is he's so handsome. Bigla Naman siyang tumingin sa akin at tiningnan siya saka umiwas nang tingin
*Dug* *dug* *dug*
What the!...
'in love kana Niya?'
"Shut up!" Mahinang sita ko sa kaniya. Tumingin Naman uli ako sa kaniya at nakita ko Ang bahagyang pag taas uli nang kilay Niya.
'he heard it hahaha'
Napa roll eyes ulit ako at hindi na ko na siya sinagot. Psh bahala ka Jan!
Natapos ang pagpapakilala nila at nalaman ko rin na talagang royalty sila at tunay ngang anak nang mga reyna at hari. Hindi ako maka paniwala nung una dahil hindi ko alam na may ganto pala sa labas. Walang sinasabi si Tita beth dito kaya naguguluhan talaga ako ngayon.
na realize ko na sa halos 18 years of existence ko ay wala akong alam miski sa isa sa labas. talagang malaking tampo, na may halong galit, inis, galak at iba pang emosyion ang aking naramdaman.
Hindi pa talaga kami nag-usap ni tita simula kaninang pagdating niyadahil, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Gulong-gulo ako.
Nandito kami ngayon sa hapag kainan at tahimik na kumakain, hindi pa ako nagsasalita simula nung dumating si tita. Na out of place ako at para akong tanga na walang alam sa mismong mundong sinilangan ko simula't sapul dahil ayaw ni tita beth na mag kwento kahit na ano sa akin. nasasaktan din ako dahil kahit ang tungkol lang sa mga palasyo at ang mga namamahala sa mundong ito ay wala siyang sinabi.
Nawalan ako nang ganang kumain kaya tumayo na ako. "Iha, anak..." Hindi ko pinansin si tita saka umalis sa hapag kainan at naglakad paalis sa kusina.
"May problema po ba kayo?" rinig kong tanong ni shayne.
Hindi nagsalita si tita kaya tuluyan na akong umalis sa kusina at pumunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay biglang tumulo ang luha ko habang naka sandal sa pinto.
'Shh... don't cry queen, I'm here'
"S-sam..." hindi ko na mapigilan ang luhang tumutulo sa mata ko.
"B-ba't g-ganun?" umiiyak kong bulong "b-ba't ganun s-siya? W-wala akong a-alam S-sam?" frustrated kong tanong.
'Iiyak mo lang yan queen, nandito lang ako'
~~~~
"hmm" sambit ko. minulat ko ang mata ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Diba nasa pinto ako kanina? Pano ako napunta dito sa higaan?
"Paano ako napunta dito?" tanong ko sa sarili
'I carried you'
"Huh?" what?!
'I said I carried you'
"What?! For real?!" gulat kung tanong. Ang alam ko kasi ay mga gamit at bagay lang ang kaya niya palutangin o pagalawin kaya hindi ako makapaniwala na kaya niya akong dalhin dito sa higaan, ang bigat ko kaya.
'Yes'
pagmamalaki niyang sabi. "Proud ka na niyan?" tanong ko habang natatawa. kahit papaano naaibsan ang pagkalungkot ko. Narinig ko naman siyang tumatawa.
tumayo na ako at dahan-dahang umalis sa higaan at pumunta sa harap nang salamin. Ang gulo na nang buhok ko at maga na rin yung mata ko sa kakaiyak.
"I'm proud of you Sam" naka ngiti kong sabi sa kaniya habang naka tingin parin sa salamin.
'Thank you, queen, I love you too'
"I love you too" sabi ko habang naka ngiti parin. Narinig ko naman siyang napa hagikhik. umiiling-iling akong umalis sa harap nang salamin saka pumunta sa banyo para mag hilamos at mag-ayos narin nang buhok.
Lumabas ako at ganun parin ang suot ko, pinigtail ko ang mahaba kong buhok at naglakad na pababa. Tumingin ako sa labas at mag-gagabi na pala. napahaba ata yung tulog ko. tumingin naman ako sa sala at nandun parin pala sila kaya pinuntahan ko na sila sa sala.
"Hi Ley" bati sa akin ni Princess shayne
"Hello din po mahal na Prinsesa Shayne" bati ko sa kaniya habang naka ngiti saka bahagyang yumuko
"Ano ka ba! Shayne nalang" Naka ngiti niyang bati saka lumapit sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nahihiya naman ako sa ginawa niya
"Ang ganda mo!" sambit niya bigla kaya nagulat ako
"Po?" gulat kong tanong
"Sabi ko ang ganda ganda mo Ley" sabi pa niya habang naka ngiti parin
"Ah ganun po bah, Salamat po hehe" nahihiya kung saad habang naka ngiti
"Tama si shayne, Ang ganda mo nga" sabi naman ni Princess Eunice
Tumingin naman ako sa mga lalaking nasa likod nila habang naka-upo. Nakita naman nila akong tumingin sa kanila kaya ngumiti sila pabalik maliban sa isa. Bayaan mo na.