"Ang gwapooooo!" sigaw ni aiza na di ata alam na nasa tenga ko ang bunganga nya. Agad kong tinampal ang bunganga nito tsaka sinabunutan.
"Sakit mo sa tenga'ng babae ka" sigaw ko. Tumawa lamang ito tsaka umaktong parang naging zombie.
"Ay gagi, anueyan? Change content?" biro ko tsaka binitawan ang sabog na buhok nya.
"Oo, usto mo yon? Jombi Jombi" saad nta na ikinataas ng kilay ko.
"Zombie, pambihirang dila yan"
"Jombi pero sya lang ang kakainin ehe-- Aray! Oo na, ayan na oh" asik pa nya tsaka ako binigyan ng mahinang sapak. aray ah!
"Anong pangalan nyan? Light? Emperador light? de charot lang!"
ibinaba ko ang kinuha kong lamp na ibabato sana sakanya tsaka sya sinamaan ng tingin.
"Sama ng tingin, sama rin ng ugali kaya sama ng loob ang nakukuha ko sa iyo eh. ARAY SHUTA OO NA OO NA. Ito naman, di na mabiro eh" natatawang saad pa nya.
"Yang crush mong iyan, nirereplyan ka ba?" tanong nya.
"Oo, tsaka ano-- yung parang, parang magjowa ba. Palagi syang nagtatanong tsaka nanghihingi ng update if nasaan ako, saan ako pupunta like-- Hindi naman ako naiinis or something pero umaasa ako" mataas kong explain
"Umaasa na? ano?" dagdag pa nya.
I pouted, "Umaasa akong-- May gusto sya sa akin. Like-- Kasi naman diba, sino bang hindi ma fa-fall sa mga galawan nyang ganyan"
Biglang napaisip si aiza tsaka ibinalik ang tingin nito sa akin.
"More than 1 year na kayong magkakilala pero nasa talking stage parin kayo? Ano ba, wala rin namang masama kung umasa dahil totoo namang aasa ka talaga sa mga galawang iyan. Miski ako siguro, pero iba ako eh. Hindi ako mahinhin kagaya mo, kaya siguro naging Sahara desert na iyang sa iyo" biro nya pa.
"Hoy, excuse me-- Wala akong pake, gusto ko kasi yung mala adonis ang didilig dito" sagot ko pa sabay inirapan ko rin ito dahi sa bwisit na bunganga nya.
Kahit saang lugar ilalagay ang babaeng yan bubunganga at bubunganga pa rin iyan ng kabastusan.
"Buti pa ako, Everyday dilig pero buti nalang at wala pang bunga. Baka kako nasa kalsada na ako ngayon at manghihingi na lamang ng tig pipiso sa mga taong dumadaan" hirit nya pa dahilan sa pagtawa ko.
"Saya mo ah. Okray lang yan, kahit naman siguro pag naging kayo na, di ka pa rin madidiligan" lokong babaeng to.
"Loko ka ah, tumahimik kana nga!" saway ko sa kanya pero nginitian lang ako neto.
"Ilaban mo yan frenny! Malay mo, sa finals next week. Pupunta sila as guest tas kuno magugulat ka kasi may dala syang babae. chareeet! aray-- promisee, biro lang!" asik nya ng sinabunutan sya.
Naiiyak na tiningnan ko sya.
"Ayoko, hindi pa nga kami oh, pero nag ooverthink na ako" naiiyak kong saad tsaka ibinalik nalang ang mga mata sa laptop ko.
"Ang gwapo niya, pag siguro naging akin to, lalagyan ko ito ng nametag" mahina kong saad na alam kong narinig naman iyon ni aiza.
"Kung magiging sa'yo" parinig nya pero di ko nalang ito pinansin. Oo, kaibigan ko yan. Pero kung umasta, daig pa yung may galit sa akin.
Napaigtad ako ng biglang mag ring ang phone ko pero mas nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Sinagot ko ito at--
(Maze,)
Sheeet!! Naririnig ko na ang mga kabayong nagtatakbuhan sa puso ko. ANG GWAPO NG BOSES!!!
"H-hey!" nahihiyang sagot ko pero agad na nawala ang kilig ko ng mahulog ako sa kama ni aiza.
"Gagi, Pabebe amp. Dun ka nga sa guestroom! Di ako tumatanggap ng Sweet talks sa kwarto ko! Ungol lang ang dapat na marinig dito" chupi nya sa akin at tinulak pa ako palabas ng kwarto.
"Ang sama mo talaga!" pagkatapos kong sabihin iyon ay sinara nya ng malakas ang kanyang pintuan.
"Langgamin sana kayo!" habol nya pa.
"Gagi, selos ka lang! Puro kasi kahalayan nasa isip mo gagi ka" pabalik kong sigaw at naglakad na tungo sa guestroom nila.
(Cute ng boses hahah) napaigtad ako ng marinig ko ang malakas na tawa ni light sa cellphone ko.
Jusmeyo! Jusko naman, anong klaseng boses ba yaaan!
"Wag mo akong gaguhin light. Anyways, Napatawag ka?"
pagkapasok ko ng kwarto ay diretso na ako sa higaan.
(I miss your voice) ay shuta! linya ng mga paasa.
"Neknek nito, kunwari ka pa" linya ng mga umaasa.
(hmm, may lakad kami bukas) oh tapos?
"at?"
(Wala lang, gusto ko lang magpaalam. Bawal po ba?) ay. jowa mo ba ako? jowain mo na kasi ako. Char lang!
"Gagi, Hahaha. Sige, Ingat ka" pa cute kong saad tsaka pumikit pikit at pinipigilan ang pag sigaw sa kilig.
(Hmm, See you!) pagkatapos nyang sabihin yun ay agad namang naputol ang tawag.
Ay ganon light? Pero anong 'See you?' Bobo, impossible naman kasing pupunta yun dito eh. May shoot sila next week at isa sya sa sasayaw doon. Gaging yun! Paasa talaga!
Humiga nalang ako ng maayos at huminga ng malalim.
Light Ford Fernandez is my long time crush, Nasa Manila sya nakatira inshort Malayo kami sa isa't isa. Nagkita kami last year nung mag guesting sila dito sa bohol, kilala ko na sya before kasi fan nya ako eh. Nagcocover kasi sila ng mga Kpop and even posted it on youtube. Madami na rin silang fans from different country eh, kasi naman, sino bang hindi mag i idolize sa mga iyon. Ang gagaling sumayaw at approachable pa yung mga members. Kaya nga kami nagkakilala nitong si light and ofc, sino pa ba ang unang nagpapansin edi, no other than OKA Hahaha. Papansin ako, 100% kaya kami nagkakilala nyan pati sa mga members nito and yes! Crush ko sya for almost, i think. 4 years? Nag cover sila non ng EXO, ang main group na iniistan ko and guess what! Si sehun rin ang pinoportray nya which is my bias. Bagay na bagay sa kanya talaga kase Payat, Mataas (Yung height syempre), at marunong sumayaw. Kung makikita nyo lang talaga sya pag nasa stage, para syang isang diamond sa mga mata ko na umiilaw. He's so cool at maswerte ako na pinansin ako ng taong iyon at tinatawagan pa sa gabi pag hindi sya busy. Minsan kasi ay gabi na sila nagpa practice, may mga trabaho na eh. He's a License Professional Architect now, at nakaka amaze na kinaya nyang pagsabayin ang trabaho nya at ang pagsayaw. Minsan nga, pag na bo bored yan, makikipag videocall sya at idadraw nya ang mukha ko sa kanyang ipod. Swerte ko noh? Pero wala kaming label, wala eh. Ang hina nya, di man lang umaamin. Char HAHAHAHA!
Sobrang swerte ko naman na ata nun eh HAHAH.
Yung picture din namin before nung pumunta sila dito sa bohol ay pina Sintra board nya pa iyon. Eh, kesyo memories daw kasi first time nyang ma meet ang fan nya from bohol. duh, if i know may gusto lang iyon sa akin.
Napatayo ako sabay untog sa ulo ko sa mesa.
Sobrang feelingera ko na, Nahahawaan na ako sa dugo ni aiza. Jusko, wag naman sana.
Ang pagiging dalagang pilipina na nga lang ang pinanghahawakan ko eh, tas mawawala pa para lang sa isang lalaking kayang paglaruan ang feelings ko. Char, hugot yarn.
Bumalik ako sa paghiga at huminga ulit ng malalim.
I miss him. Kapag talaga nakapag pundar ako for myself, lilipad talaga ako pa manila at makikipagtanan sa lokong iyon. Char ulet. Anyways, sa mga nagtatanong o' magtatanong kung ano ang trabaho ko. Well, holdaper po ako. Char!!! I'm a license professional body guard sa isang mafia boss. Charot ulet!
Isa po akong License Professional Nurse sa isang pribadong hospital dito sa bohol. Well, hindi naman talaga ako dito dapat sa pilipinas eh. Napilitan lang ako kasi nandito ang pamilya ko at need ko pa rin silang suportahan pati ang ibang mga kapatid ko.
Hindi ko na pina trabaho si papa kasi matanda na tsaka need nya ng magpahinga dahil sobra na ang paghihirap nya sa amin. Ako naman na at ang kapatid kong isa ang su sukli sa mga ito at pinangakong bibigyan ko sila ng magandang buhay na nagawa naman na isa isa hanggang na naka pundar kami ng isang malaking bahay para sa amin. Ang problema nalang ngayon ay ang mga gastusin para sa pang araw araw na kakainin namin pero syempre! Sagot ko na lahat at ng isa kong kapatid ang iyan. Engr kasi ang kapatid ko at dalawa talaga kaming gumagastos para sa pamilya namin. Isusukli namin sa kanila ang paghihirap na ginawa nila noon.
Kaya ayon, pag nakaluwag luwag na ako ay tsaka ako lilipad patungo kay light kahit tatlong araw lang. Gusto ko lang syang makita eh!
Napahinga nalang ako ng malalim at sinubukang ipikit ang aking mga mata, hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako.