Zashee’s POV Napatingin ang ilan sa mga empleyado niya nang palabas na kami. I felt a little awkward. Kasi naman para kaming mag-anak sa itsura naming nakahawak pareho kay Zan. Kaya naman diretso lang ang tingin ko sa daan. “Akala ko ba may gagawin ka kaya hindi mo maihahatid si Zan?” I asked nang makapasok na kami sa elevator. Ngiti lang ang isinagot niya. Narinig kong humagikhik ang kapatid ko. “Why are you laughing?” I looked at him with a raised brow pero nakatingala lang siya kay Clayv at kumindat pa. When I looked at Clayv tumingin ito sa ibang direksyon at nagpatay-malisya. “Zan?” I asked sternly. “Wala, ate! Si Kuya Heever po kasi,” turo niya rito. I looked at Heever. Nagkibit-balikat naman ito. Hindi na lang ako nagsalita at tumingin na sa ibang direksiyon. Feeling ko tulo

