CHAPTER 6

1083 Words
"Nasaan si Beth?" Mula sa pag-aayos ng laruan ni Cassy ay napatunghay si Sam. Nakaluhod pa siya at isa-isang nilalagay ang mga laruan ng alaga sa basket. "Sumabay po siya sa amin kanina ni Cassy sa paglabas no'ng ihahatid ko po si Cassy sa school niya. Pagbalik ko po ay wala pa rin po siya." Pinilit ibalik ni Sam ang tuon sa pag-aayos ng mga laruan dahil nakatitig lamang sa kanya si Benedict. "Hindi ba niya nasabi kung saan siya pupunta?" Muli siyang tumunghay at nakita na niya itong nakapamulsa at nakakunot ang mga noo habang sa kanya parin ay nakatitig. "Mag-jogging daw po sa plaza." Nakita na niya itong lumakad patungo sa kusina, kaya naman agad siyang tumayo at iniwan muna sandali ang kanyang ginagawa at sinundan ang lalaki. "Nakapagluto na po ako ng almusal niyo. Kumain na lang po muna kayo bago umalis." Itinaas pa niya ang pantakip ng ulam upang mapakita dito ang kanyang mga inihanda. Tumango naman si Benedict at umupo sa silyang lagi niyang inuupuan. Kumuha si Samantha ng plato at kutsara at inilapag ito sa harapan ni Benedict. Akma sana niya itong sasandukan ng kanin nang pigilan siya ni Benedict. "Ako na, Sam. Si Cassy lang ang aalagaan mo, hindi ako kasama sa job description mo." Napahiyang binitawan ni Sam ang sandok ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti. "Sabi po kasi ni Beth ay ako na ang bahala sa inyo kapag nagising kayo. Sorry po." Tumalikod na siya at akmang babalik sa sala upang ayusin ang mga naiwang laruan ni Cassy. "Wala kabang pasok? Bakit narito ka pa? Alas nueve na." Nakita pa ni Samantha na sumubo ito ng pagkain kahit panga nakatalikod ang pwesto nito mula sa kanya. "Pang 3pm po ako ngayon. Isang subject lang po kasi ako tuwing Wednesday." Nang hindi na siya makarinig ng sagot ay tuluyan na siyang bumalik sa ginagawa. Pinaglalaro niya muna kasi si Cassy sa tuwing nagluluto siya ng umagahan at nag-a-ayos ng mga dapat dalhin ng bata. Dahil alam niyang late pa naman ang pasok niya ngayong araw ay sinadya niya munang iwan ang mga laruan at pagbalik na lamang ayusin. Dalawang linggo na rin siyang nagtatrabaho kila Beth, ngunit ngayon lamang sila nagtagpo muli ng landas ni Benedict. Kapag dumarating siya sa condo ay madalas ng wala na ito at kapag hinahatid naman niya si Cassy pauwi ay wala pa rin ito. Ngunit kanina ay alam niyang narito ito dahil ibinilin ito ni Beth sa kanya bago sila magkahiwalay kaninang. umaga. Napatingin si Samantha sa pinto dahil narinig nito ang pagtunog. Nakita niya si Beth na pumasok at agad napatingin sa kanya. "Hi, Sam. Gising naba ang asawa ko?" Sasagot pa sana siya ng maunahan siya ng lalaki. "Where have you been?" Imbes sumagot ay nakita ni Sam na lumapit si Beth sa asawa at ipinulupot nito ang dalawang kamay sa leeg at siniil ng halik ang lalaki. Napaiwas naman siya ng tingin at mabilis tumayo.. "Nag-jogging lang. Tapos nakita ko lang 'yung iba kong kaibigan na naroon kaya nagkayayaan kaming magkape. Heto naman. Namiss mo ako agad 'no?" Tumalikod si Samantha at binuhat ang basket na naglalaman ng laruan. Pumasok siya sa silid ni Cassy. Nang maibaba na ang basket ay agad niyang hinawakan ang kanyang puso. 'Bakit? Bakit siya nakakaramdam ng kirot? Pitong taon na ang nakakalipas!' Hindi naman nagtagal ay lumabas din ng silid si Sam matapos niyang ayusin ang higaan ni Cassy. Nakita niyang parang nagdidiskusyon ang mag-asawa dahil nakita niya ang mga pagmustra ng mga kamay ni Beth. Agad naman tumigil ang dalawa ng siya ay mapansin. Kanina lamang ay naglalambingan pa ang mga ito. “Sam. Benedict and I just decided that it’s better if you live with us. Mas matututukan mo si Cassy. Napapadalas kasi ang kanyang pag-iyak sa gabi. Pareho kaming napupuyat mag-asawa.” Napansin ni Samantha ang paghinga ng malalim ni Benedict at halata rito na hindi gusto ang desisyon ng asawa. Kahit siya ay hindi gusto ang idea na ito. Hindi pwedeng narito siya sa iisang bubong kasma ang kanyang dating minahal. ‘Dati?’ “Beth, I am sorry, but I can’t. May sakit kasi si nanay. Palitan lang kami ng kapatid ko sa pagbabantay sa kanya dahil pumapasok din siya ngayon.” Dama ni Samantha ang tampo sa itsura ni Beth. Ngunit wala siyang magagawa dahil totoo naman na palitan lamang sila ng kanyang kapatid sa pag-aalaga sa kanilang ina. “I know that. Kaya naman kakausapin ko ‘yung pinsan ko na caregiver. Siya muna ang magbabantay sa mama mo para naman makapag- concentrate ka kay Cassy at sa pag-aaral mo, ganu’n din ang iyong kapatid.” “Caregiver?...Beth? Binabayaran mo na ako sa pag-aalaga kay Cassy, tapos magbabayad ka pa ng mag-aalaga kay nanay? Parang sobra-sobra naman yata ‘yun?” “No worries. Si Benedict naman daw ang magbabayad sa caregiver. Nagprisinta siya. Right, hon?” Lumingon si Beth sa asawa at hinawakan pa ang isang kamay nito. Tumango lamang si Benedict at hindi makikitaan ng emosyon. Nakatingin lang ito kay Sam. Hindi maintindihan ni Samantha. Ramdam niyang ayaw din ng lalaki na siya ay narito kaya naman bakit ito mag piprisinta na magbayad ng caregiver para lamang tumira siya roon? “Kakausapin ko muna ang nanay at kapatid ko, Beth.” Lumapit si Beth sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay. Nakangiti ito sa kanya. Sobrang swerte niya kay Beth. “Don’t worry, Sam. Para rin naman kay Cassy itong ginagawa ko. Gusto ko na matutukan siya dahil alam naman nating lahat na hindi normal na bata si Cassy. Kaya, please. Sana ay pumayag ka na.” Ngumiti siya bilang pagganti sa mga ngiti ni Beth. “Oo Beth. Kailangan ko lang talaga makausap ang nanay at ang aking kapatid. Gusto ko rin naman na matutukan si Cassy dahil napakasaya niyang kasama.” “Thank you, Sam!” Yumakap pa sandali si Beth kay Sam at agad din bumitaw at humarap sa asawa. “Hon. Liligo lang ako.” Ngumiti muna si Beth kay Sam at tuluyan ng pumunta sa kanilang silid. Naiwang magkaharap si Sam at Benedict. “Ayoko ng idea na ikaw ang nag-aalaga sa anak ko at lalong ayoko ng idea na dito ka maninirahan kasama kami. Pero wala na akong magagawa, ikaw ang narito at napili ng asawa ko. So please, Sam. Kahit anong mangyari. Iwasan natin ang isa’t isa. Dahil pareho nating alam kung ano ang ating nakaraan na hindi na dapat pa nilang malaman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD