Biglang tumahimik si Maia sa sinabi ni Vince. Hindi daw ito cheater pero iba ang nalaman niya. Sino nga ba ang paniniwalaan niya. Naguguluhan na siya.
"Baby huwag mo ng isipin yun. Mahal ka nun." Biro ni Vince sa dalaga na nanahimik ng sinabi niyang hindi siya cheater.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Tanong na lang ni Maia ng mahimasmasan siya.
"Parang gusto mo na talagang umalis ah.. Not too fast baby. Namiss kita ng sobra kaya susulitin ko na ang pagkakataong ganito. Ang makasama ka sa oras na ito ay isang masayang pagkakataon para sa akin. Pagkakataong hindi ko dapat sayangin." Matalinghagang saad pa ni Vince.
"You are here because your father ask for our business to merge since iisa lang ang linya na tinatahak nito."
"What do you mean by that?" Naguguluhang tanong ng dalaga.
"As I was saying, humingi ng tulong ang papa mo sa akin. Your family business is not doing well in the past months. With the competition nowadays, hindi na nasusustain ng kompanya ang mga finances nito. May mga loan pa kayo sa bangko na hindi na nababayaran on time. Halos interes na lang ang nababawas. Ayaw magbawas ng tao ng papa mo kahit alam niyang iyon ang makakabawas sa mga gastusin ng kompanya. Ang dahilan niya madaming pamilya ang magugutom. Ang bait ng papa mo. One day we meet and he asked for my help. I was surprised that the father of my ex girlfriend was asking help. Sino ba naman ako para tumanggi. I was actually excited to know the whereabouts of my ex through him. May mga naikwento naman siya pero syempre I cannot say it to you. Sa amin lang dalawa iyon." Mahabang paliwanag nito.
"So anong pinupunto mo?" Naiiritang sabi ni Maia sa binata.
"As I was saying he asked for my help at ibibigay ko naman yun. Kaya ka nga andito para maisakatuparan ang gusto ko para matuloy ang merging ng kompanya natin."
"Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa Vince. I want to know how can I help with this."
"Relax baby. Masyado ka namang atat eh."
"Eh sa dami mo pang pasakalye. Tumbukin mo na ang gusto mong mangyari."
"Ayon nga andito ka to be my bed warmer." Sagot nito na hindi kumukurap habang tumingin sa kanya.
"Whattttt." Pasigaw na tanong ni Maia sa lalaki.
"Baby stop screaming. Kapag sa kama na tayo saka ka sumigaw. Wala pa akong ginagawa." Nakangiting saad pa ni Vince.
"Shut up. Anong pinagsasabi mong bed warmer. I am not going to be your bed warmer period."
"I will give you two days para pag-isipan ang sinabi ko. Kapag ayaw mo talaga then I will just tell your dad na ayaw mo sa kondisyon ko. Actually hindi naman niya alam na bed warmer ang magiging papel mo sa akin. Ang alam niya gusto kitang maging girlfriend uli. Alam naman ng pamilya mo ang relasyon natin dati so might as well pakinabangan ko uli yun. Wala naman silang alam sa dahilan kung bakit tayo naghiwalay kasi ang pagkakasabi ng papa mo, umalis ka daw kasi gusto mong sa ibang bansa ka muna manirahan. Ang sabi mo pa, ayon sa papa mo na hindi tayo nagkakaunawan kaya tayo nagkahiwalay." Malungkot na saad ni Vince na nagpagulo uli sa isip ni Maia.
"Don't play as a victim Vince. Piping sambit ni Maia sa sarili. Ako ang biktima dito."
"Tama naman ang sinabi ni Vince na sinabi niya sa papa niya na hindi na sila nagkakaunawaan." Nagsinungaling lang siya sa papa para payagan siya nitong lumayo muna.
"Cat got your tongue baby? Anyways, I'm giving you two days to decide. After nun, wala ng magbabago kapag nagdesisyon ako."
"Ang bilis naman ng palugit mo." Inis na saad ni Maia dito.
"I wanted you badly baby kaya minadali ko. Kung ayaw mo naman I have lots of girls according to you kaya makakahanap ako anumang oras ko gusto. Am I right baby?"
"Whatever." Saad na lang niya at akmang tatayo na.
"Opps.. Hindi pa tapos ang pag-uusap natin."
"Akala ko tapos na." Nakataas ang kilay na sambit ni Maia.
"Not so fast baby. Hindi pa ako tapos. Kapag pumayag ka na maging girlfriend ko uli. You will be leaving with me. Ikaw na bahala magsabi sa papa mo regarding that arrangement. We will be engaged by then kaya it's your turn para sabihin sa papa mo na sa akin ka na titira."
" Whattt. You are so ridiculous. Bakit kailangan ko pang tumira sayo eh pwede naman tayo magkita araw-araw."
" That's the point baby. I want to be with you every night. At gusto ko pagising ko sa umaga katabi kita kaya gusto ko sa bahay ka na tumira."
"Bakit lugi ka ba?" Nakangisi pa ito sa kanya.
"Nakakainis ka talaga. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo." Gigil na sambit nito sa binata.
"I like it when you're mad baby. You look so attractive to me."
"Ewan ko sa'yo. Dami mong sinasabi. Deretsahin mo na ako. Ang dami mong pasakalye." Tinatakpan na lang ng pagsusuplada ni Maia ang kilig na nadarama sa pagiging maharot ni Vince sa kanya.
"Just think that he broke your heart Maia." Saway niya sa sarili.
"Don't fall again." Tukoy pa rin niya sa sarili dahil sa hindi maipaliwanag na nadarama sa pagpaparamdam na naman nito sa kanya.
"So pwede na ba ako umalis?"
"Kumain ka na ba? Ako kasi gutom na. Samahan mo naman ako baby." Pacute na sabi ni Vince kay Maia.
"Wala ka na bang mayayang iba kaya ako yung kinukulit mo?" Naiinis na sambit niya sa lalaki.
"Baby I want to be with you kaya ikaw ang niyaya ko."
Nagulat ang dalawa ng may pumasok na isang napakaseksing babae.
"Hey sweetie wanna have lunch?"
"O ayan may kasama ka na." Naiinis na tumayo si Maia para makaalis na. Naiinis siyang may babae pa ring umaaligid kay Vince. Gusto niyang sabunutan ang babaeng pumasok.
"Baby naman. Aalis ka na agad?" Saad ni Vince, hindi alintana ang pumasok na babae.
"Baby, you called her baby. Who is she?" Takang tanong naman ng babae.
"Dianne, meet my fiancee Maia. The love of my life." Ngiting pagpapakilala ni Vince dito.
Naiinis man pero kinikilig naman si Maia sa pagpapakilala ni Vince sa kanya.
"Oh, my bad.. I'm sorry for interrupting. I'll just go ahead. See you around sweetie." Saad ni Dianne at humalik pa kay Vince.
Pagkaalis ni Dianne. Lumapit si Vince kay Maia at hinapit siya sa bewang.
"Baby don't be jealous. I'm all yours."
"Heh. Tumahimik ka diyan. Aalis na ako." Saad nito at tinanggal na ang kamay ng binata sa bewang ngunit hindi niya matanggal dahil lalo siya nitong hinapit.
"I miss you baby." Saad nito at bigla siyang hinalikan ng mabilis.
"I will let go of you now since makakasama naman kita araw-araw."
"You are so sure ha." Sagot naman ni Maia dito.
"Of course baby. I am sure." Nakangiting sambit ni Vince habang tinitingnan si Maia na lumabas sa kanyang opisina.