Pagkatapos maiayos ni Maia ang nilutong bake mac para kay Vince ay naghanda na din siya para dalhin ito sa opisina ng lalaki.
Nagsuot lang ng simpleng dress ang dalaga at tinernuhan ng flat sandals.
Nagmake up din siya ng light lang para hindi naman siya maputla tingnan. May slit sa bandang gilid ang damit ng dalaga na nagpapakita ng long legs niya na kinaiinggitan ng marami.
"Aba ang ganda naman talaga ng alaga ko." Bati ni Aling Trining sa dalaga.
"Ikaw talaga nanay ang number one fan ko." Saad na lang ni Maia sa kasambahay.
"Oo naman anak. At sana naman magkaroon ka na ng kabiyak at sayang ang lahi mo."
"Ayan na minamadali mo na ang pag-aasawa ko Nay. Huwag po muna, hindi ko pa nakikita si Mr. Right."
"Andyan lang siya anak. Hindi mo lang napapansin. Naging parte na siya ng buhay mo pero hindi naman natuloy dahil na rin sa mga nangyari sa inyo. Bigyan mo lang siya ng pagkakataon na makapasok uli sa buhay mo at tiyak na magiging masaya ka."
"Sana nga nay magdilang anghel ka
So paano nay, ihahatid ko na muna itong pagkain sa aking susuyuin. May topak talaga eh. Kailangan ng karinyo."
"Galingan mo anak. Kailangan masungkit na yan." Pagsasakay naman ng kasambahay sa kanya.
"Bye nay. Babalik naman po ako agad at baka busy naman si Vince."
Pagdating sa opisina nagpunta agad sa reception si Maia.
"Excuse me miss. Anong floor si Mr. Vince Dela Fuente?"
"Sa 30th floor po ma'am. May I know who are you ma'am? May appointment po kayo?" Tanong ng receptionist kay Maia.
"Kaibigan niya ako. Pakisabi si Maia Sandoval."
"For awhile ma'am. Itatawag ko lang po sa secretary niya."
Nakita ni Maia na kinausap ng receptionist ang secretary ni Vince. Ibinaba na din agad nito ang telepono.
"I'm sorry ma'am pero according to the secretary of Sir Vince, hindi daw po siya pwedeng istorbohin ngayon at may bisita siya."
"Ganun ba. Sayang naman. I need to talk to him."
"Maia, is that you?" Anang baritonong boses na nasa likod ni Maia.
"Hi Ben. Ako nga." Saad naman ni Maia sa pinsan ni Vince.
"So bakit ka andito, hindi mo pa akyatin si Vince." Tanong naman ng lalaki sa kanya.
Isa si Ben sa mga naging saksi ng pag-iibigan nila ni Vince dati.
"Busy daw eh sabi ng secretary. May bisita."
"It's ok. Come on. Ako na ang bahala." Sagot naman ng lalaki at hinila na siya.
Wala namang magawa ang receptionist at kilala naman pala ito ng pinsan ng may-ari ng kompanya.
Pagtapak nila sa 30th floor kung saan nag-oopisina si Vince ay hinatid lang ni Ben si Maia doon at umalis na din. May meeting pa ang lalaki at late na daw ito. Nagpasalamat naman si Maia at hinanap na ang secretary ni Vince.
Samantala naiinis na si Vince sa pagdalaw ni Tessa sa opisina. Isa ito sa naging ka-fling niya dati na sinabihan niyang tigilan na siya ngunit ito na naman. Lumapit pa ang babae sa kanya at kumandong. Pilit naman niyang pinapaalis ang dalaga na nagsumiksik pa rin sa kanya.
"Tessa how many times did I tell you to stop going here. May nobya na ako at ikakasal na kami."
"Asan siya? Bakit wala man lang announcement na ikakasal ka na pala? Nagsisinungaling ka lang para hindi na ako pumunta dito."
"Busy siyang tao at wala ka ng pakialam kung ipagsabi ko man o hindi na ikakasal ako. Hindi ka naman parte ng buhay ko para umasta ka ng ganyan."
"Hon naman. Dati naman ang sweet mo bakit ngayon para na akong maysakit kapag nilalapitan mo. Am I ugly?"
"Hindi naman sa ganun. I just want to clear things na hindi na ako available. I'm taken already."
"Ah basta. Hanggat hindi ko nakikilala ang babaeng mapapangasawa mo, I will still go here."
"Ang kulit mo talaga." Saad naman ni Vince na pagtingin niya dito bigla na lang siya hinalikan ng babae.
Siya namang pagkatok ng kung sino sa pintuan.
"Who's that?" Iritableng tanong ni Vince tapos sabay tingin sa pinto at nakitang si Maia ang andun na masama ang tingin sa kanya dahil nakakandong pa rin sa kanya si Tessa.
Dali-dali siyang tumayo at pinuntahan ang dalaga na nakataas na ang kilay.
"Baby what brought you here?"
"What brought me here? Tanungin mo ang sarili mo. Magtatampo ka tapos ako naman tong si tanga magluluto para hindi ka na magtampo. Pero ano itong nadatnan ko. May kalandian ka. Nagsayang pa ako ng panahon para puntahan ka." Naiinis na saad ni Maia na naiiyak na.
"Baby it's not what you think. Siya ang kumandong sa akin. Halika ipapakilala kita."
"Tessa ito ang mapapangasawa ko at ng dahil sayo nagagalit siya sa akin ngayon." Pabulyaw na sambit ni Vince na kinataranta naman ng babae. Lumabas ito agad ng opisina na parang hinahabol ng multo.
"See baby. Hindi yun ang ipapalit ko sayo at hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo." Sambit ni Vince at yumakap pa sa kanya.
"Heh, nakakarami ka na ng tsansing diyan." Saad niya dito at tinapik ang kamay ng binata pero hindi naman siya pinakinggan. Nakayakap pa rin si Vince sa kanya at humahalik-halik pa.
"Kaya pala sabi sa baba may bisita ka. Hindi ka pwede istorbohin. Yun pala may kalandian ka lang dito."
"Simula ngayon kahit wala kang appointment sa akin. Aakyat ka na agad."
"At bakit kailangan ko ng appointment sayo abir. "
"Oo nga pala. Kumander nga pala kita. At baby you will work here as one of the heads para malaman mo na din ang mga pasikot-sikot."
"At bakit dito eh pwede naman sa kompanya namin."
"Napag-usapan na namin ng papa mo na dito ka muna magwowork. Ayaw ko na mawala ka sa paningin ko baby kaya dapat dito lang."
"Heh, tumahimik ka. Kainin mo na tong niluto ko para matuwa naman ako sayo."
"Ano ba yan baby at ng makain na. Gutom na din ako eh."
"Baked mac. Favorite mo. Ako pa nagluto niyan."
"Wow ang sweet naman ng baby ko talaga." Saad pa ni Vince at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi.
Hindi na nakapag react si Maia sa paghalik ni Vince kaya kinurot na niya ito.
"Aray naman baby eh. Ang sakit naman."
Nakonsensya naman si Maia kaya lumapit na siya kay Vince.
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya." Saad niya sa binata pero hindi siya nito kinibo.
Niyakap niya si Vince pero tinabig naman siya.
"Sinasaktan mo na ako ng pisikal eh naglalambing lang naman ako baby."
"Sorry na. Hindi na mauulit." Pangungulit pa rin ni Maia pero hindi na kumibo si Vince kaya napaiyak na siya ng tuluyan.
Naramdaman ni Vince na hindi na nangungulit si Maia kaya tiningnan na niya ito. Nagulat siya ng makitang umiyak na pala ito.
Bigla na lang niya itong niyakap.
"Baby I'm sorry too. Hindi ko naman intensyon na tabigin ka. I was just hurt. I'm sorry baby."
Lalong napaiyak si Maia habang yakap ni Vince.
"Hindi ka galit sa akin?" Tanong niya sa lalaki habang humihikbi na.
"I'm not baby. Kakain na ako. Gutom na ako eh." Saad niya dito at hinalikan ang mabilis ang mga labi ng dalaga.
Si Maia na mismo ang yumakap sa kanya.
"I'm sorry too. Mabigat lang ang kamay ko."
"It's ok baby. Kain na tayo." Yaya niya dito at hinila na sa mesa si Maia na nagpatianod naman.