THE FINALE HALOS,lundagin ni Tyron ang kinaroroonan ni Laura ng makitang nasa daan ito at nawalan ng malay,mas dumoble ang takot nito ng makitang duguan ang nobya.Para naring hihimatayin si Tyron sa nakita.Abot-abot ang dasal nito na wag sanang mapahamak ang kanyang mag-ina dahil mawawalan narin ng saysay ang buhay niya. Niyakap at hinalikan nito si Laura at pagkatapos ay pinangko papunta sa kotse,luhaang bitbit nito ang nobya,nababahala siya sa sinapit nito kay Tukinawa.Gusto mang iparanas ni Tyron sa hapon ang ginawa nito sa kanyang mag-ina ay hindi puwede mas kailangan madala sa ospital si Laura bago pa ito mawala sa kanya. Saka na lamang niya balikan si Tukinawa pag magaling na at ligtas na ang kanyang mag-ina.Pagkapasok sa kotse ay mabilis na pinaandar ni Tyron ito at pumunta sa pin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


