Samantala sa bahay ng pamilyang Andrada na nasa states ay hindi na nag-aksaya ng panahon ang mag-ina agad itong nagpa-book sa eroplano pabalik ng Pinas.Mixed-emotion ang nadarama ni Tyron sa kanyang pagbabalik-bansa,una ang malungkot siya dahil nasa ospital ngayon ang kanyang lolo inatake sa puso gaya ng sabi ng mama Isabel nito at pangalawa ay muling makikita ang mahal niyang si Laura.Lalo na ngayon na pumayag na ang kanyang na pakasalan ang nobya. Gaya ng sinabi ng abuelo ni Tyron sa anak nitong si Condrad ay hinanap nito ang bhay ng dalaga,nagulat pa ito ng makita ang tirahan ni Laura.Ang alam ni Condrad ay mahirap lamang ang nobya ng kanyang anak,matalino nga lang kaya nakapag-aral ito sa eskwelahang pag-aari ng pamilya nila.Hindi na ito nagdalawang-isip agad na kumatok sa pinto at il

