CHAPTER 23 Patuloy ang buhay kahit nagdurugo ang puso ni Laura,hindi siya nakakatulog ng maayos dahil lagi niyang napapanaginipan ang nobyo. Aminado siyang mahal na mahal niya si Tyron dahil ito lang ang kauna-unahang lalaking pinag-alayan ng kanyang puso at pagmamahal. Kahit na hindi ito ang lalaking umangkin sa kanyang pagkababae ay ito naman ang una't-huli niyang mamahalin. Araw-araw niya itong na mimiss,at sa bawat araw na nagdaan tila ba?nadagdagan din ang kanyang timbang.nagtataka siya kung bakit mabait na ang mga ka-eskwela niya,pati ang dean ay bago na,hindi na si Mr. Tuazon na lumait sa kanyang pagkatao. Pati ang kaibigan niyang si Nancy ay laging"hindi ko alam Laura,siguro na reliaze nila na mabait ka at ang lahat ng ginagawa mo ay para sa inyong pamilya.ito lagi ang sagot s

