DIANA POINT OF VIEW "Bakit mo ba kailangan 'tong gawin?" gigil kong angal nang itali niya nang mahigpit ang dalawang kamay ko. Kanina pa siya hindi kumikibo at sinusunod lang ang lahat ng sinasabi ni Arnold. "Mamaya-maya, nandiyan na rin 'yon kaya 'wag kang gagawa ng kalokohan," madiin niyang sabi sa tapat ng tainga ni Ivan. Binalikan niya ito nang matalim na tingin at hinila na ko papunta sa isang bakanteng pwesto. Bawat hakbang niya ay pilit kong tinutumbasan ng akin. Ayokong matisod ako o madapa sa pagsunod sa kanya at malagay sa panganib ang baby ko. "Hindi ka ba lalaban?" Tinaasan niya ko ng kilay nang humarap siya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at nanahimik. "Galit ka paba hanggang ngayon sa akin?" "Malamang, hindi na maalis 'yon. Pinagkatiwalaan kita..." "Sinaktan mo

