DIANA POINT OF VIEW "Kita mo nga naman. Akala ko hindi ka na sisipot, Fallen Angel," sabat ng isang lalaki na lumalakad palapit sa amin. May kasama pa siyang limang lalaki kaya napaatras kaming lahat. "Anong kailangan niyo?" inis kong tanong. Hindi nila ko pinansin at bigla na lang itinuro ang kutsilyong dala sa lalaki kanina. "Daddy!!" sigaw ng bata na mabilis na kinuha ni Cindy. "'Wag kang lalapit sa kanila." "Daddy ko!!!" "Sshhhhh..." Tinanggal agad ni Sean ang jacket niyang suot at itinaklob sa mukha ng bata. Hindi siya tumigil sa pag-iyak at pagpapadyak kaya si Sean na rin ang kumuha sa kanya. "Ano bang nangyayari? Kilala mo ba sila?" mahinang tanong sa akin ni Jen. Umiling ako at tumingin kay Phillip na masama ang tingin sa mga kalaban. "Hindi mo ba ko natatandaan, Fallen

