CHAPTER 33 Abigail's POV Magmula ng matapos ang check-up ko at nang malaman namin na tatlo kaagad ang nasa tyan ko ay naging maingat na si denver, hindi nawawala sa tabi ko. Kaonting galaw o hindi kaya ay maglalakad natataranta na si denver. Halos siya na nga ang nagpapaligo sakin dahil baka daw madulas ako. Hindi niya hinahayaan na mag-isa ako. Nakabili na nga siya ng mga gamit ng triplets namin kahit hindi pa namin alam yung gender nila. Minsan natatawa nalang ako sa mga ginagawa niya. "Denver payakap." Request ko sakanya. Ngumiti naman siya at niyakap ako. Pakiramdam ko nga siya ang pinaglilihian ko, dahil gusto ko siya inaamoy kahit ang mga damit niya na suot pinapahubad ko sakanya para lang maamoy ang natural na amoy niya. Hindi ako magsasawang amuyin siya, dahil ang bango niya

