CHAPTER 22 Abigail's POV "Ano po iyon ma'am?" Tanong nung incharge sa mercury. "Isang pregnancy test." Sabi ko. Pumunta siya sa pwesto ng mga gamot. Ilan sandali lang binigay na niya sakin kaya binayaran ko na kaagad saka sumakay sa kotse saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Lumalaki na kasi ang tyan ko. Pag umaga naman nagsusuka ako kadalasan nahihilo ako pero hindi ko pinapahalata kay denver. Pero kung tama man ang hinala ko sosopresahin ko siya sa darating na pagdiriwang na gagawin daw sa mansion. Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin bumaba kaagad ako saka pumasok. Nakita ko sila mama na nakaupo. "Ma." Tawag ko sakanya. Lumapit naman sina papa saka ako niyakap. "Anak kamusta ka? Hindi ka na umuwi matapos nung business trip namin ng papa mo." Paliwanag ni mama. "Sorry ma." Pauman

