CHAPTER 19
Abigail's POV
"Kahit na ganon ang ginawa niya sayo mabuti parin ang kalooban niya anak." Sabi niya.
Tinitignan ko lang si denver habang hinahaplos ang kanyang pisngi ang gwapo niya talaga. Hindi ko napansin na lumabas na pala si nanay. Dahil narin sa nakatuon ang pansin ko kay denver.
Habang natutulog si denver ipinagluto ko siya dahil ngayon lang ulit ako nagluto. At umakyat ulit sa kwarto at umupo sa kama. Bigla naman siyang gumalaw.
"You're awake." Sabi ko. Napatingin naman sakin si denver at bumangon na ito at umupo sa tabi ko.
"Anong oras na?" Tanong nito.
"7:30 in the evening." Sagot ko.
"Kain kana. I cook you a dinner."
Bigla siyang napatayo. "What?!" Gulat na sigaw niya. Lumapit siya sakin saka ako hinila.
"Who did allow you to cook in your situation!" Galit na sabi niya.
"G–gusto lang naman kitang ipagluto." Naiiyak na sabi ko. Ewan ko ba madali akong mabago ang mood ko ngayon. Pansin ko rin na lumalaki na ang tyan ko.
Naisipan ko lang naman siyang ipagluto dahil pagpapasalamat narin na inalagaan niya ako at binantayan.
"H–huh?" Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.
"P–pinagluto mo ako?" Tanong niya kaya tumango ako bilang sagot.