Hindi alam ni Abigail na matagal na siyang minamasid ng binata, dahil sa sagutan nila ng gabing iyon, ilan araw ang nakalipas hanggang sa sapilitan niya iyong inangkin. Posible kaya na kayang mahalin ni abigail si denver.
"Ma'am may gusto pong kumausap sainyo." Sabi nung isa.
Nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi nila. "Sino po?" Tanong ko.
"Boss po namin. Kailangan niyo pong pumasok dun sa pangalawang kotse."
"Hindi pwede, kailangan ko nang umuwi." Pagdadahilan ko.
Tatayo na sana ako ng may pumigil sakin. Tumingin ako sakanila. "Ma'am kung ayaw niyo mapipilitan po kaming isakay ka." Sabi pa din nung nakausap ko kanina.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Fine." Sabi ko bago pumunta sa pangalawang kotse.
Pagkapasok ko sa kotse, isinara nung bantay yung kotse. Tumingin ako sa tabi ko dahilan matigilan ako.
"I-ikaw?" Nagtatakang tanong ko.