Muriel
"Good morning neng, ang aga mong nagising. Ako na diyan."
Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Manang. I let out a smile and shake my head when she tried to get the ladle that I am holding.
"It's okay Nanay, ako na."
Agad kong pinagpatuloy ang paghahalo ng fried rice kahit pa pinipigilan niya ako.
"Hala, sige ikaw bahala. Hindi ka naman nagpapapigil." Nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinanguan ako bago binalingan na lang ang paglalagay ng pinggan sa lamesa.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya at yinakap siya sa likod.
"Ayaw ko lang na mapagod kayo."
"Eh, trabaho ko naman yan, neng. Pinapaswelduhan niyo akong mag-asawa."
"It's okay, Nay. Hindi ka naman iba samin."
Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at binalingan muli ang ginagawa.
Pinatay ko na ang apoy at sinalin ang fried rice sa lagayan nang maluto at dinala sa lamesa. I place the plate in the middle beside the bacon and hotdogs. When I raise my head I halt in my position because of the person that standing on the doorway of our dining.
There I saw Sandra, our hired surrogate mother. She is the current secretary of Zachario. She is young, timid and beautiful. Dati siyang pinapaaral ng papa ni Zachario noon kaya malaki ang utang na loob niya sa pamilya Zelensky. Kaya hindi na ako nagtaka pa ng siya mismo ang mag-alok samin na maging surrogate mother ng magiging baby namin almost three months ago.
Dito siya pansamantalang nags-stay sa bahay dahil gusto naming makasigurado na si Zachario lang ang lalaking gagalaw sakanya. Not that I am doubting her Innocence pero mabuti na ang makasigurado.
She say she wants to repay the kindness of his family so she volunteered. Wala namang naging kaso sakin noong una, but after ko malaman na hindi through injection ng semen ang mangyayari ay umayaw ako. Zachario wants to do it in traditional way.
Pagkatapos ng maraming attempt namin gamit ang method na injection, na kung saan ni isa ay walang nabuo. Kaya naisipan niya ang method na pakikisiping sa surrogate mother na iha-hire namin. So I can't blame him if he resort to that method.
You see, I'm barren. Wala akong kakayahang magbuntis kaya hindi ko magawang bigyan ng anak si Zachario.
Hindi ako pumayag noong una. Kasi sino ba naman ang matinong asawa ang papayag na makipag siping ng ibang babae ang iyong asawa, wala diba? So I stand my ground, as a wife, it is insulting for me knowing that my husband would have s*x with another woman. With my knowledge and consent. It's hurt so much. Nakakawala ng respeto at tila naapakan ang pagiging babae ko. At ang pagiging asawa ko.
But I can't contradict his words. Kahit masakit sakin ay pumayag ako nang magmakaawa siya sakin. For the sake na magkaroon na kami ng anak. Martyr na kung martyr but I love him so much that I will do everything to make him happy. At kung ito ang kukumpleto sa pagsasama namin ay handa kong ipikit ang mga mata at magbulagan sa nangyayari.
"Ate?" Tawag niya sakin. Limang taon lang ang agwat ng edad namin sa isa't-isa kaya tinatawag niya akong ate.
Napakurap ako ng mga mata nang mapansin ko ang tingin niya. Agad ko siyang binigyan ng ngiti at pinaghila ng upuan.
"Are you hungry? Halika maupo ka." Alok ko sakanya.
Para naman siyang nahihiyang lumapit at umupo sa kanyang nakagawiang pwesto. Pinapanood ko lang siya habang nagsasandok siya ng pagkain sa kanyang plato.
I can see the tiredness in her beautiful face, maybe because of the deed they do last night at kaninang madaling araw. Alam ko na pagkatapos kagabi ay hindi nakuntento si Zachario at umulit pa sila kaninang umaga.
Pagkarating ko kagabi at pagpasok ko sa banyo ay naligo lang ako noon. At gaya ng nakagawian ay paglabas ko ay tapos na silang dalawa sa ginagawa. Natulog kaming magkayakap ni Zachario kagabi. Kahit masakit ang puso ko ay hindi ako nagrereklamo, dahil wala akong karapatan, dahil kasalanan ko naman kung bakit nandito kami sa sitwasyong ito. At ayaw kong pag-awayan muli namin to mag-asawa.
Akala ko tapos na sila pero nagising na lang ako kagabing wala na si Zachario sa aking tabi kaya lumabas ako ng kwarto namin at doon ko sila naabutan sa katabing guest room. Pleasuring each other. Their moans is echoing in the room and they didn't even give a d*mn if someone might hear or see them. Kahit makita ko sila. Wala silang pakialam.
Hindi na nasunod ang rules na sinet ko at naitsapwera na ito.
"Good morning, Hon."
Nabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang paghalik sakin ni Zachario sa pisngi. Gaya ng lagi kong ginagawa ay binalingan ko siya ng may ngiti sa mukha at mabilis siyang hinalikan sa labi na agad din naman niyang sinagot.
"Hey, good morning."
Lumayo ako ng kaunti sakanya at sinalubong ang tingin niya. Kita ko ang malamlam niyang mga matang nakatingin sakin. Yumuko uli ang ulo niya at hinalikan ulit ako sa labi.
Natatawang nilayo ko ang mukha. "Nandito sila Nanay." Sabi ko.
Namumula ang mukhang binalingan ko sila Nanay Felia. Nakita ko silang nakatingin din samin ni Zachario. Ngumiti lang samin si Nanay Felia at nag-iwas din ng tingin. Pero may nahagip ang gilid ng mata ko. I caught Sandra looking at us with hurt expression plastered on her face. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o hindi dahil mabilis din niyang binaba ang mukha niya at binalingan ang pagkain sakanyang plato.
Pinagkibit-balikat ko na lang iyon at pinaghain ng pagkain si Zachario sa kanyang plato, ganun din ang ginawa ko sakin.
Sa durasyon ng pagkain ay kami lang dalawa ang nagsasalita ni Zachario. Tahimik at mahinhin lang na kumakain si Sandra at kung hindi ko siya tatanungin ay hindi talaga siya magsasalita.
"Any progress Sandra?" I asked. Pertaining kung may nabuo na ba.
Napataas naman ang tingin nito samin. Nakita ko pang dumiritso ang tingin niya kay Zachario bago niya nilipat sakin ang tingin.
"Wala pa, ate." Bumalik ulit siya sa pagkakauklo sa kanyang plato.
Sandaling tumaas ang dalawang kilay ko sa naging sagot niya. I can't help but to wonder why. Bakit wala pa? Kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos for the last months, ay halos inaaraw-araw din nila ang pagsesex.
Pinilit ko na lang ang sarili kong ngumiti. Pinigilan ko ang hindi magtanong muli. Lumunok ako ng ilang beses para mawala ang bikig sa lalamunan.
"Well, may ganyan namang case. May ibang nagbubuntis na huli na malalaman." Sabi ko na lang at nginitian si Zachario nang mapansin ko ang tingin niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ng mahina. Kita ko ang pag-alala sa mukha niya
"I'm okay." I mouthed at him.
Binalingan ko na lang ang pagkain ko sa plato at hindi na nagsalita. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto at magpaalam na sila Zachario na aalis na.
Nandito na kami ngayon sa may garage. Kakapasok lang ni Sandra sa passenger seat habang si Zachario ay nakatayo pa sa labas ng driver seat at nakatingin sakin.
"Gusto mo ng pasalubong?"
Napangiti ako sa tanong niya. "No need. I'm not a kid anymore, Hon."
"But you are my baby." He grabbed my waist and pulled me closer to him.
He lean forward to capture my lips that I wholeheartedly respond. Lumipas ang ilang sandali ang aming halikan at kung hindi ko lang naalalang nasa labas kami at nandito si Sandra ay tiyak akong mapupunta na kami sa pagtatalik.
"Just come home to me, that will be enough." I whispered after we parted our lips.
Seryoso kong sinalubong ang mga mata niya. Tiyak akong nakikita niya ang kaseryosohan sa mukha ko dahil lumamlam ang mata niya at kalaunan ay naging seryoso.
"I will. Always."
Isang beses niya pa akong hinalikan sa labi bago tuluyang pumasok sa kotse at nagmaneho palayo. Palayo sakin kasama si Sandra.