Kane’s Pov DUMATING ang araw na umuwi ng Bicol ang tita Hazel ko. Nagulat nalang ako ng makita ko siya na nakaupo sa labas ng bakuran nila lola. Akala ko nga ay namamalikmata lang ako nong una. Hindi ko siya pinapansin at pinaparamdam ko na galit ako sa kanya. Pero ang totoo ay masaya ako na umuwi na siya. Sobrang ganda niya, mas lalo siyang gumanda. Napapaisip ako kung may boyfriend na ba siya, sa ganda ba naman niya ay napaka imposibleng wala. Gusto ko na sana siyang lapitan at yakapin ngunit pinanagutan ko ang galit ko sa kanya kaya tiniis ko nalang muna. Nilalagpasan ko lang siya at sinasadya kong dinadala si Naomi sa bahay nila lola para makikain. Ngunit narinig ko ang sinabi ni mama na one month vacation lang ang meron si tita Hazel. Kaya do’n pumpasok sa isipan ko na akitin

