Naomi’s Pov NANDITO ako sa kwarto ko at naka handa na para matulog. Naka hilamos naman na ako at nakapag skin care. Shalan na talaga ako natututo na mag skin care, dati okay na ako sa hilamos lang tapos sabon ko pa safeguard. Pero ngayon may nalalaman na akong pahid-pahid sa mukha. Humiga na ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Ang tahimik talaga ng bahay kaya malamang tulog na ang mga tao. Kanina nga pagkatapos kong kumain ay dumeritso na ako ng kwarto ko. Sabi kasi sa ‘kin ng mommy ni sir Kane mag pahinga muna ako dahil bukas ay aalis kami at igagala daw niya. Gusto ko din naman yun para na din makapag enjoy ako dito sa New york habang nagbabakasyon. Baka dito ko na mahahanap ang true love ko. Baka nasa mga afam ang totoong pag-ibig. Nakaramdam na ako ng antok kaya hinayaan ko

