Naomi’s Pov KINAKABAHAN ako habang nakatitig kay sir Jasper. Nasa loob parin kami ng kotse habang nakatigil sa gilid ng sasakyan. “A-Anong ibig mong sabihin, sir Jasper?” Tanong ko sakanya dahil sa sinabi niya. “Yung gusto mong magka one night stand. Gusto kong tuparin ang gusto mo.” Sagot niya kaya napangiwi ako. “Joke lang po yun, sir Jasper.” Saad ko habang napipilitan na naka ngiti sakanya. Yung kabog ng puso ko ang lakas-lakas. Ito naman kasi si sir Jasper, hindi na mabiro. “I’m serious, Naomi.” Sagot niya sa seryosong boses. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil kinakabahan talaga ako sa sinasabi ni sir Jasper. Pero sa isip ko talaga yun talaga ang gusto ko dati eh. Nabasa ko kasi sa mga pocket books kaya sabi ko na paano kaya kung may maka one night stand din ako tapos gw

