Hazel’s Pov LUMABAS AKO ng bar at agad na naghanap ng masasakyan pauwi. Natatakot akong sumakay sa tricycle na mag isa at baka masamang tao pa ang maskayan ko at pagsamantalahan pa ako. Hindi ako makakalaban kapag nagkataon dahil sa kalasingan ko. Nakahanap ako ng tricycle na may tatlong sakay na babae. Mas gugustuhin ko pang makipagsiksikan do’n kaysa sumakay ng mag-isa. Nang makasakay ako ay agad na pinausad ni manong ang tricycle kaya napasandal nalang ang ulo ko sa hawakan ng tricycle habang pinipilit na hindi ako sumuka. Namumukaan ko ang kasabayan ko at nakahinga ako ng maluwag dahil una akong baba kaysa sakanya. Lumipas ang 30 minutes na biyahe ay bumaba ang unang babae na kasakay ko. Umandar na naman kami ulit at ibinuka ko ng mabuti ang mga mata ko dahil malapit na ang bahay

