CHAPTER 3
“And what’s my reward?” wika niya habang idiniin ako sa kanyang katawan.
“Anong reward reward ka riyan?” takang tanong ko naman sa kanya.
“Because I caught you.” aniya.
“Eh, bakit mo naman kasi ako hinabol.” maktol ko namang wika sa kanya.
“Of course because I want my reward.” Aniya.
“Bakit sinabi ko ba-.uhmmm!” hindi ko natapos ang aking sasabihin ng siniil niya ako ng halik sa labi.
“Ranz, ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya ng binitawan na niya ang aking labi.
“That’s my reward.” aniya.
“Sira.” sambit ko habang lumayo sa kanya.
“Your lips is so sweet baby!” sigaw niya na ikinahinto ko. baliw ba siya bakit ba siya sumigaw.
“Baby wait!” sigaw niya ulit.
“Baby-hin mo ‘yang mukha mo!” sigaw ko naman sa kanya at umahon sa tubig. Narinig ko naman ang kanyang halakhak kaya napalingon ako sa kanya. At ang luko malapit na pala ito sa akin, kaya napatakbo ako dahil nahihiya rin ako sa kanya.
“Hey! Miles, wait!” sigaw niya pero nag patuloy pa rin ako sa aking pagtakbo. Nakakahiya talaga ang ginawa niya kaasar.
Pagkatapos kong magbihis ay nahiga na ako sa kama. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod dahil sa byahe namin. Malayo-layo rin kasi ang Quezon sa amin.
Narinig ko naman ang katok sa pinto kaya nagtalukbong ako, dahil alam kong si Ranz ito at hindi ko pa siya kayang harapin, dahil nahihiya rin ako sa kanya.
Tumunog naman ang aking phone kaya tiningnan ko agad ito dahil baka si mama ang tumawag. Pero napakunot ang aking noo ng makitang iba ang numerong tumawag.
“Hello,” wika ko ng masagot ito.
“Miles, baby open the door please,” sagot niya na ikina-bilog ng aking mata. Paano niya nakuha ang number ko.
“T-tika lang,” sambit ko at agad pinatay ang kanyang tawag. Tumayo naman ako at nagtungo sa pinto. Ng mabuksan ko ito ay nagtataka ako dahil may hawak siyang bulaklak.
“For you,” wika niya sabay abot ng bulaklak sa akin.
“Bakit mo ako binigyan nito? Hindi pa naman ako patay.” wika ko na ikina-laglag ng kanyang balikat.
“Hindi naman ‘to para sa mg-.”
“Hoy! Ranz, anong pumasok sa utak mo at binigyan mo ako niyan ha? Nasisiraan ka na ba ng ulo.” asik ko pa sa kanya. Dahil sa probinsya namin nagdadala lang kami ng bulaklak kapag bumisita kami sa mga patay.
“No! it’s not like that. This flower is for the per-.”
“Huwag mo akong pinag lululuko Ranz. Hindi ako tanga.” wika ko sa kanya.
“Hindi ko naman sinabing your stupid but iba kasi ito sa sinabi mong flowers.” aniya.
“Anong iba? Magkatulad lang silang bulaklak.” ani ko
“Iba kasi ‘to it’s for special someone.” wika niya na ikina-kunot ng aking noo. Ano kayang pinagsasabi nito.
Makalipas ang ilang buwan ay palagi pa rin tumatambay sa tindahan namin si Ranz. Na papalapit na rin ang loob ko sa kanya, dahil sa kabaitan niya sa akin.
“Gusto mo bang sumama sa akin?” tanong niya sa akin habang magkaharap kami sa upuan.
“Saan naman?” wika ko sa kanya.
“Sa Mindanao.” aniya na ikinagulat ko, dahil anong gagawin niya sa lugar na ‘yon.
“A-ang layo naman do’n.” ani ko.
“It’s okay, kasama mo naman ako at ipinag-paalam na rin kita sa tiya at tiyo mo.” wika niya habang sinamaan ko siya ng tingin.
“Alam mo ikaw. Nakakainis ka na. bakit sa kanila ka unang nag-sabi at hindi sa akin? Sila ba ang isasama mo?” asik ko sa kanya na ikina-ngiti niya.
“Of course, para wala ka nang idadahilan pa.” ngiting wika niya sa akin.
“Please samahan mo na ako.” dagdag pa niyang sabi. Kaya tumango ako sa kanya.
“Really Miles? Sasamahan mo ako?” hindi makapaniwala na wika niya sa akin.
“Oo na nga, basta pumayag na sila tiya ha? Ayaw ko kayang mapagalitan nila.” ani ko.
“Yes, pumayag na sila kagabi pa.” tuwang wika niya sa akin. Kaya napa-iling na lang ako sa kanya.
Ginagabihan ay sinundo na niya ako sa bahay.
“Ranz, iho ingatan mo ‘yan si Miles ha. Alam mo naman na kami ang hahanapan ng mga magulang niyan.” wika ni tiya habang nasa gate na kami ni Ranz.
“Don’t worry tiya, wala pong masamang mangyari sa kanya.” sagot niya naman kay tiya. Tika kailan pa siya naging pamangkin ni tiya. Bakit tiya na ang tawag niya kay tiya.
“Bakit tiya ang tawag mo sa tiya ko?” tanong ko sa kanya habang nasa loob kami ng kanyang sasakyan.
“Of course she is your aunt, kaya tiya na rin ang tawag ko sa kanya, kasi magiging asawa naman kita.” wika niya, kaya napalingon ako sa kanya.
“Nothing, pwede ka matulog muna malayo pa naman ang pier.” wika niya habang ang atensyon niya ay nasa daan. Hindi na rin ako umimik pa sa kanya at sumandal na lang sa upuan. Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unti naman akong hinila ng antok, dahil sa pagod kanina sa tindahan. Marami rin kasi ang bumibili.
“Miles, wake up we’re here,” Minulat ko naman ang aking mga mata ng marinig si Ranz. Inilibot ko rin ang aking paningin at nakita ang mga naglalakihang barko. Tinanggal ni Ranz ang aking seatbelt at lumabas na ito. Umikot siya at binuksan ang pinto banda sa akin. Nang makalabas na ako ay pinagtiklop niya ang aming mga kamay at nag-umpisa na kaming maglakad. Hindi ko naman maiwasang mapagiti habang hawak ko ang kanyang kamay.
Pagkatapos namin kumuha ng ticket ay sumakay na agad kami ng barko. Dinala naman niya ako sa gilid habang hawak niya pa rin ang aking kamay.
“Ayaw mo ba roon?” tanong ko sa kanya habang itinuro ang taas nitong barko.
“Yes, dito na lang tayo. Masyado ring maraming tao roon.” aniya habang idinikit niya ang kanyang katawan sa akin. Naramdaman ko naman ang kanyang mga kamay na humahaplos sa aking likod habang niyakap na niya ako. Pakiramdam ko naman ay parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan habang panay pa rin ang paghaplos niya rito.
Bigla niya naman akong siniil ng halik sa labi. Hindi ko naman maiwasang matangay sa mga halik niya kaya tinutugunan ko iyon, kahit hindi ko alam paano ang tamang paghalik. Napansin ko naman ang pagdaing niya sa tuwing nakakagat ko ang kanyang labi.
Pero bigla kaming nagulat ng mabasa kami. Napatingin agad kami sa taas at nakita ang mga taong nandoon.
“Damn hindi ba nila nakikitang may tao dito.” wika ni Ranz sa galit na boses at kinuha ang kanyang baril, kaya bigla akong kinabahan.
“Ranz, a-ano ba ‘yang ginagawa mo?” wika ko sa kanya sa nanginginig na boses. Dahil baka pagbabarilin niya ang nagtapon sa amin ng tubig.
“Dito ka lang. bibigyan ko lang ng leksyon ang gumawa nito.” wika niya at aakyat n asana sa taas, ngunit mabilis ko siyang pinigilan.
“Ranz, pwede ba huminahon ka, b-baka hindi naman sinadya.” wika ko sa kanya habang mahigpit siyang niyakap sa likod. Sana lang makinig siya sa akin, dahil baka ano ang gagawin niya.
“Tsk, fine. I’m sorry, natakot ba kita?”tanong niya sa mahinahong boses. Na pahinga naman ako ng maluwag ng kumalma siya.
Pagkababa namin ng barko ay agad kaming sumakay sa kanyang sasakyan umaga na rin ng makarating kami ng Mindanao.
“Welcome bro.” Napatingin naman ako sa lalaking nakipag kamay kay Ranz.
“Wow! Bro may kasama ka pa pa lang magandang binibini.” ngiting wika nito habang humarap sa akin. Bigla namang pinulupot ni Ranz ang kanyang braso sa aking beywang kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.
Napansin ko rin ang pagdilim ng kanyang mukha habang nakakunot ang kanyang noo.
“Come in bro, they are waiting inside.” ngiting wika pa rin ng lalaking nasa harapan namin.
“Hi, I’m Rodel and you are?” wika niya habang inabot ang kanyang kamay sa akin. Aabutin ko na sana ito ng pigilan ni Ranz ang aking kamay.
“She’s Miles, my girlfriend.” wika niya sa naiinis na boses. Tika lang kailan ko pa ba siya sinagot. Hindi pa naman kami.
“Ows, sorry. Bro akala ko kaibigan mo lang.” wika niya sa sabay kamot sa kanyang batok.
“Bro! I’m glad you’re here.” sigaw naman ng isang lalaki habang papalapit ito sa amin.
“Oh! And who’s this beautif-.”
“She’s my girlfriend.” wika niya kahit hindi pa tapos magsalita ang lalaki.
“Tsk. Masyado ka naman posissive bro.” wika ulit no’ng Rodel. Hindi ko rin maiwasang titigan ito, dahil sa dimples niya tuwing ngumingiti siya. ang kanyang mga mata ay kulay asul. Siguro may lahi siya.
“Do you like him?” madiin namang tanong sa akin ni Ranz, kaya napatingin ako sa kanya.
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” bulong ko naman sa kanya.
“Maybe your girlfriend is tried bro. samahan mo na lang siya sa kanyang room” wika naman no’ng isang lalaki.
“Why do we have a separate room?” kunot noo niya namang tanong dito.
“Oh, sorry bro, akala ko kasi hindi kayo magkatabi.” anito.
Mabilis naman akong hinawakan ni Ranz sa kamay at umakyat na kami sa taas.
“Bakit ba iisa ‘yong kwarto natin? Diba dati no’ng nasa Quezon tayo magka iba naman tayo ng kwarto?” wika ko sa kanya. Nang makapasok na kami sa loob.
“At anong gusto mo! Papayag ako na doon ka matulog. Para ano? Pasukin ka nila roon.” asik niya sa akin. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Ranz? Naririnig mo ba ‘yang sarili mo? Sa tingin mo magagawa nila ‘yon.” inis ko namang wika sa kanya.
“Siguro gusto mo rin na hindi tayo magtabi dahil gusto mo si Rodel.” singhal niya pa sa akin.
“Ano? Baliw ka ba? Alam mo naman na ngayon ko pa lang ‘yon nakita tapos ‘yan na ang nasa utak mo?” hindi ko naman mapigilang sigawan siya.
“Oo! Dahil titig na titig ka sa kanya. Bakit mas gwapo ba siya sa akin? Mas masarap ba siya sa akin?” wika niya habang hinawakan ako sa braso.
“Ranz? Ano ba ‘tong ginagawa mo?” inis ko namang tanong sa kanya, habang sinusubukan tanggalin ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.
“Damn Miles. Alam mong matagal na kitang gusto. Pero ano itong pinapakita mo?” singhal niya pa sa akin.
“Nagseselos ka ba? Alam mo naman na wala akong ginagawang masama sa’yo.” ani ko.
“Oo! Nagseselos ako. Dahil ayaw kong may tititigan kang lalaki. Gusto ko ako lang!” sigaw niya pa sa akin.
“Ranz? Ano bang gusto mo? Ipikit ko ang mga mata ko habang nasaharap sila?” asik ko naman sa kanya.
“Oo! At kung pwede kitang itago dito. Gagawin ko para hindi ka nila makita at hindi mo sila matitigan.” wika niya sabay bitaw sa akin at hinampas ng malakas ang kama. Ano bang nangyari sa kanya nababaliw ba siya sobra-sobra naman siya kung magselos. At ano ba ang ikinaselos niya sa mga kaibigan niya.
Bigla naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
“I’m sorry baby, i-I’m just jealous of them. Ayoko kasi tinitingnan mo sila. Gusto ko akin ka lang gusto ko ako lang ang nagmamay-ari sa’yo.” wika niya sa mahinahong boses. Grabe naman siya kung magselos at paano niya naman nasabi na sa kanya lang ako, samantalang hindi pa naman kami.
“Are you mad?” tanong niya habang hinawakan niya ang aking baba, kaya umiling naman ako sa kanya.
“Really?” sambit niya na ikinatango ko. ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo. I really love you baby, wika niya sabay siil ng halik sa aking labi.
“Uhmmp!” hindi ko naman mapigilang napaungol habang hinalikan niya ako. Dahil ang kanyang mga kamay ay humahaplos sa aking katawan. Pakiramdam ko nag-aapoy ang buo kong katawan.
Binuhat niya naman ako at dinala sa kama. Bawat halik niya ay nagpapaungol sa akin. Lalo na ng ipasok niya sa loob ng aking labi ang kanyang mainit na dila.
Unti-unti niya namang ibinaba ang aking damit. Kaya agad ko siyang naitulak.
“T-tika lang. a-anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Baby don’t do this? Ayokong sumakit ang puson ko.” wika niya sa nahihirapang boses. Ano ba ang pinagsasasabi niya at bakit sasakit ang puson niya.