Icey's POV Nagising ako isang umaga na may tumatama malakas na sinag ng araw sa aking mukha. Agad ko kinusot-kusot ang aking mata at nang makapag-adjust na ito sa panlalabo ay agad ako bumangon para ayusin ang aking sarili. Nagsout lang ako ng kulay itim na sando at pantalon bago ako bumaba. Tulad ng inaasahan, napakahigpit ng security sa buong lugar. Dahil napapalibutan ito ng mga surveillance camera sa bawat sulok ng lugar. At bukod doon ay marami ring nagkalat na sundalo sa loob na tila handa sa mga mangyayari. Tahimik na naglakad ako papunta sa kitchen. Nais ko sana magluto ng umagahan namin. Sakto lang ang punta ko dahil wala pang tao doon kaya makakapag luto ako kahit na paano. Pag dating ko ay lumapit ako sa ref para kumuha ng pwede kong lutuin. May nakita ako mga isda, kar

