ISANG buwan na naman ang nagdaan. November 1 na ngayon. Gumagayak na kami ni Charles para magpunta kay mama. Isang magarbong bulaklak ang nakahanda upang dalhin namin sa kaniya. Nakatitig ako sa salamin habang nag-aayos. Suot ko ang ipinagawa kong dress. May itim na dress na ibinigay sa akin si Mama noon. Kaya naisipan kong ipagaya ito upang maisuot ko. Maliit na ang dress na ibinigay sa akin ni Mama noon dahil 8 years old pa lang ako no'n. Gumastos man ng medyo malaki para sa mga tela at pananahi, ayos lang para sa akin. Gusto kong alalahanin ang nanay ko. Sobrang nami-miss ko na kasi siya. Nagpatuloy ako sa pag-aayos hanggang sa bumaba na ako sa hagdan nang ako'y matapos. Hinintay ko si Charles na bumaba at saka na kami lumabas para pumara ng taxi. Nang may huminto na sa aming taxi, ag

