GULONG-GULO at hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Tinawag na anak ni Papa si Bianca. P-Paano nangyari iyo? Ano ba ang nangyayari? Magsasalita pa sana ako nang biglang sumigaw si Bianca at umiyak. Agad akong nag-panic. Nagbuhos siya ng buong lakas at saka nagpumiglas mula sa pagkakahawak ko sa kamay niya hanggang sa makawala siya at nagtatakbo palabas ng bahay. Gulong-gulo ako. Nilingon ko sila Mama na gustong magsalita at si Bianca na kakaalis lang. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon. Ang daming tanong sa utak ko. Masakit na rin ang ulo ko. Ano ba ito? "A-Anak?" Pinilit na lumapit sa akin ni Papa. Umiling ako at humahakbang palayo sa kaniya. "A-Ano'ng anak?" garalgal ang boses kong tanong. "Kevin, magpapaliwanag ako," lumuluhang sabi niya. "S-

