"ANG sabi sa akin ni Papa, pipiliin niya pa rin daw ang patawarin si Mama kahit na ninais na nitong ipakasal ako sa iba alang-alang sa pera. Siya at si Mama na lang daw kasi ang mayroon ako. Pero, ako? Masamang-masama ang loob ko kay mama dahil sa ginawa niya. Gayunpaman, kahit na nakakalayo siya ng loob, mahal na mahal ko pa rin siya. Iyon nga lang ay nakatatak na sa isip ko ang ginawa niya. Hindi na nga siguro iyon kailanman mabubura pa." Malungkot kong pinakikinggan ang sama ng loob niya ngunit kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako dahil unti-unti na ring lumalawak ang pag-iisip niya. Ano man ang nagawa sa kaniya, at lease, nandoon pa rin ang respeto niya sa magulang. "Bilisan na natin ang pagluluto at saka ang paglilinis. Dadalhin kita sa parlor para may self-confidence ka bukas

