CHAPTER 1 - FIRST DAY

1779 Words
BIGLANG nagsalubong ang kilay ko nang tumunog ang alarm clock ko dahilan para mapaungol at mapa-unat ako mula sa pagkakahiga. Mabilis ko iyong pinatay at nagtalukbong ng kumot upang muling matulog. "Siya si Kevin, ang pinaka-gwapo at the same time pinaka-masamang tao rito sa University,” saad ng babaeng biglang tumabi sa akin. “Ate, bumangon ka riyan! Ano’ng oras na!” Nagising ako sa pagtawag sa akin ng kapatid ko mula sa masarap na pagkakatulog. Tumagilid na lamang ako ng higa patalikod kung saan nanggaling ang boses niya at sa isip ko ay gusto ko pang madugtungan ang panaginip ko. “Aba, hoy!” sigaw niya at walang awang pinaghahampas ako ng unan kaya napabalikwas ako sa pagkakahiga at tiningnan siya nang masama. “Ano ba’ng problema mo, Charles?!” nagbabaga ang mga mata kong bulyaw sa kaniya. “Alam mo bang pagod at puyat na puyat ako, ha?” dagdag ko pa kasabay ang mainit na awrang bumabalot sa akin. “Ah, pagod ka? Okay, sige. Papasok na ako, ha?” sarkastiko nitong tugon kasunod ang pagtalikod sa akin at tumungo sa pinto ng kwarto ko upang lumabas. Ha? Papasok daw siya? Pero ang aga pa, ah? 10 AM pa naman ang bukas ng shop— “Ay, p*tcha! Papasok nga!” Bigla akong napatayo sa kama at tarantang naghalughog ng susuotin ko. “Anak ng tinapa, Charles! Bakit hindi mo ako ginising nang maaga?!” inis na sigaw ko saka mabilis na tumakbo papunta sa banyo ng sandaling makakuha ako ng susuotin ko at muntik pang madulas dahil sa sobrang pagmamadali. “Ay, wow? Kasalanan ko pa talaga, Ate? Hindi ba ikaw itong si mukhang alarm na nagpapatay ng alarm tapos hindi babangon?” muli ay sarkastiko nitong sagot na lalong nagpausok sa mga ilong ko. Bwisit talaga ‘tong kapatid ko kahit kailan! Pagkaraan ng kalahating oras ay natapos na akong gumayak at hindi ko na nakuha pang kumain dahil eksaktong 7:15 na. Nakakainis naman! Unang araw ko sa university, e, late agad. Nang makarating sa eskwelahang pinapasukan ng kapatid ko ay mabilis ko siyang pinababa sa bisikletang dala-dala naming nagsisilbing sasakyan papunta at pauwi ng eskwelahan. Dali-dali kong pinagpapadyak ang pedal ng bisikleta upang agad makarating sa bagong unibersidad na papasukan ko, ang Montefalco’s University. Nang makarating na ako sa harap mismo ng napaka-gandang university na ito ay excited akong kumatok sa mini gate nitong napakalaking gate nila. Agad naman itong bumukas subalit bigla akong napaatras at napalunok sa bumungad sa akin. Isang lalaking parang nagkatawang anghel sa gwapo! “Tumabi ka,” mariing utos niya habang nakataas pa ang isang kilay. Ang bossy naman niya. Gumilid ako para makaraan ang lalaki pagkatapos ay sinundan naman siya ng mga kababaihang nagsisigawan. “Ano’ng mayroon?” tulalang tanong ko sa aking sarili habang sinusundan sila ng tingin. “Hoy!” Nagulantang ako sa biglang sigaw ng lady guard sa gilid ko. Ano ba namang klaseng guard ‘to? Papatayin yata ako sa gulat, e. “A-Ay! M-Ma’am, good morning po!” kabado ang puso kong bati. "Ano’ng kailangan mo?” maangas na tanong niya na may mapagmataas na tono ng boses habang nakataas ang isang kilay at naka-krus ang mga braso. “New student po ako, Ma’am,” nakangiting sagot ko at tila mapupunit na ang aking mga labi dahil sa mga pekeng ngiti. “Nasaan ang documents mo?” Inilahad niya ang kamay sa harapan ko habang ang isang kilay ay nananatiling nakataas. Agad kong kinuha sa bag ko ang documents at inabot sa kaniya. “Education student ka pala?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin at nakatuon lamang ang atensyon sa folder ko. “Opo,” mahinang sagot ko naman. “Pumunta ka sa Dean's office. Scholar ka pala,” wika niya at muling ibinalik sa akin ang folder ko nang nakangiti, “Congratulations!” dagdag pa niya. “Okay po. Salamat!” tugon ko at ipinasok ang bisikleta ko. Humanap muna ako ng parking lot para makapag-park. Napatingin ako sa relos na suot ko at agad na nagmadali sa paglalakad dahil hahanapin ko pa ang Dean’s office. 7:30 na kasi ng umaga at siguradong kanina pa nag-uumpisa ang mga klase. Nang makarating na ako sa Dean’s office ay kumatok ako at pumasok pagkatapos ay nag-good morning sa principal. “Oh? Magandang umaga rin, Hija! Kumusta ka? Kanina pa kita hinihintay rito. Ang akala ko ay hindi ka papasok,” kaagad na bungad niya at tuwang-tuwa nang makita ako. “Ay, sorry po! Napuyat lang po kasi ako kagabi dahil ang dami pong customer sa shop namin. Nag-sale po kasi kami,” pagpapaliwanag ko naman. Mayroon kasi kaming bakery na pinagkukuhanan namin ng panggastos ng kapatid ko. "Ah, ganoon ba? Ayos lang iyan. Unang araw pa lang naman ng klase kaya huwag kang mag-alala,” masaya nitong tugon. Mabuti naman at mabait itong principal. Iyong mga instructors kaya? “Ito ang schedule mo. Sa room 651 ka, ha?” Iniabot niya sa akin ang isang papel na agad ko rin namang tinignan. “Okay po. Maraming salamat!” Tinanguan niya naman ako kaya’t nagpaalam na ako at tumungo sa room ko. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin ako roon. Kumatok ako na agad din namang pinagbuksan ng pinto ng guro. “Yes? Ano iyon?” kunot ang noong tanong niya. Kabado akong sumagot, “New student po ako, Ma’am. Dito raw po ang room na papasukan ko.” Ipinakita ko sa kaniya ang papel na iniabot sa akin ng principal kanina. “I see. Halika rito sa loob at magpakilala ka,” masayang wika niya at sumunod naman ako. “Okay, class! May bago tayong makakasama. Hija, magpakilala ka,” nakangiting sabi niya. “Hi! Magandang umaga sa inyo. Ako po si Bianca Dela Fuentes, 17 years old at may kursong Bachelor Of Secondary Education. Nice to meet you all po!” masayang bati ko at halos ay umabot hanggang tainga ang ngiti habang ang aking puso ay parang hinahabol ng kabayo sa lakas ng kaba. Talagang nanginginig ang mga laman at tuhod ko. Kinakabahan talaga ako. Ang sama agad ng tingin nila sa akin, e. “Okay! Nice to meet you too, Bianca. You may now seat,” nakangiting sagot ng instructor. Nagtungo ako sa likod kaysa naman lalo pa akong makaramdam ng pagka-awkward sa harap. Nakakailang at para bang nakakahiya talaga sa pakiramdam. Parang ayaw yata sa akin ng mga bago kong pakikisamahan. Habang naglalakad ako papunta sa likod ay biglang naagaw ng isang lalaki ang atensyon ko. Sobrang sama niya makatingin. Para bang kamukha niya si kamatayang galit na galit. Ano’ng problema ng lalaking ‘yon— “Aray!” Napasigaw ako nang biglang may pumatid sa akin dahilan para masubsob ang mukha ko sa semento. Kaagad naman nagtawanan ang mga kaklase ko. Tumayo ako at tumakbo patungo sa vacant seat sa dulo at naupo ng nakayuko habang silang lahat ay patuloy sa pagtawa at panunukso. Nanggilid ang mga luha ko dahil sa kahihiyan na nangyari sa akin ngayong umaga. Muli ay bigla akong napalingon doon sa lalaking masama ang tingin sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong nginisian. Napasimangot na lang ako at nagpatuloy lang sa pagyuko. Parang gusto kong maglaho sa kahihiyan. “Class, ano ba? Magsitigil nga kayo!” magkasalubong ang kilay na suway ng guro sa harapan kaya ang mga kaklase ko ay biglang napatigil sa pagtatawanan. Sino kaya ang pumatid sa akin? Makalipas ang mahigit isang oras, natapos ang klase at nang makaalis na ang guro ay bigla silang nagkatinginan lahat at sabay-sabay na nagtawanan. “Okay ka lang ba? Masakit ba?” mapang-asar na tanong ng isang lalaking kamukha ni Son Goku dahil sa buhok niyang nakatayo. “Sa susunod mag-ingat ka naman! Kabago-bago mo lang dito, sobrang lampa mo na agad!” muli ay natatawa pa rin nitong saad. Napangisi ako at tumayo. Kinuha ko ang bag ko para umalis tutal ay break time na. “Oh? Saan ka naman pupunta, miss? Hindi pa tayo tapos magkwentuhan,” maangas na tanong niya saka hinarangan ang dinadaanan ko habang nakakagat pa siya sa ilalim ng labi niya at mukhang gwapong-gwapo sa sarili. Tiningnan ko lang siya nang hindi kumikibo. Nakakaasar ang tabas ng mukha niya. “Ano ba’ng pangalan mo?” tanong niya at kinindatan pa ako. Akala mo namang gwapo. “Magsalita ka naman. Sumagot ka! Pipi ka ba?” sunod-sunod na tanong niya at mukhang naiirita pa. Sige lang, mairita ka. “Parang kanina lang ay nagpakilala ka pa, ha? Oh, bakit ngayon hindi ka makapagsalita? Umurong na ba ang dila mo dahil sa kagwapuhan ko? Nabighani ba kita? Masyado bang nakakasilaw ang gandang lalaki ko?” muli ay sunod-sunod na tanong niya at diretso akong tinignan sa mga mata. “Ang ganda mo,” dagdag pa niya. Napangisi at napag-krus ko ang aking mga braso. Baliw yata ang isang ‘to, e. “Next time, iba ang pag-trip-an mo.” Tinapik ko ang kaliwang braso niya at iniwan siyang tulala. “Ang lakas ng loob!” Narinig ko pang reaksiyon niya bago ako tuluyang makalayo at lahat ng mga kaklase namin ay tumawa lang saka iniwan din siya kalaunan. Kulang sa pansin ang isang iyon. Naglakad ako at pumunta sa cafeteria. Um-order lang ako ng isang hamburger at softdrinks pagkatapos ay pumunta sa sulok para kumain. Nang nasa kalagitnaan ako nang pagmi-merienda ay biglang sumulpot na naman ang lalaking kanina pa nang-aasar. Ano ba talagang problema nito? Nakaka-badtrip na, e! “Ang cute mo pa lang kumain ng burger,” parang tangang sabi niya. Napairap na lang ako at inubos ang kinakain ko bago tumayo para umalis ng bigla niyang pigilan ang kaliwang braso kong naging dahilan ng pagtingin sa amin ng lahat. “Dito ka lang. I-o-order pa kita. Gusto pa kitang makitang kumain ng burger,” arogante nitong wika ngunit mabilis kong iniwaksi ang kamay ko para mabitawan niya. “Busog na ‘ko,” malamig ang boses kong sagot at nagtangkang umalis subalit muli niya akong hinawakan sa braso saka hinitak palapit sa kaniya. “Dito ka lang!” masiba at may pagmamataas na utos niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at itinulak. “Huwag ako, maraming iba riyan,” malamig kong katwiran at tuluyang umalis. Pero bago pa man ako makaalis ay muli kong nakasalubong iyong lalaking kanina pa masama ang tingin sa akin nang biglang maghiyawan ang halos lahat ng mga kababaihan sa cafeteria at sinundan siya. Parang pamilyar talaga ang isang ‘yon. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Muli ay napabuntong hininga ako at napahawak sa magkabilang strap ng bag ko. Bagong school, bagong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD