Chapter 12

1458 Words
Makalipas ang dalawang linggo naging maayos na ang sugat ni Bakz pero araw-araw din pumupunta si J-rose upang bisitahin ang binata. "Tito u-uwi na ako,balik nalang ako bukas."paalam ni J-rose. "Sana huwag kana bumalik"taas kilay na bulong nito sa sarili. "Tresh may sinasabi ka ba?"pagkukunwari mabait ni J-rose sa dalaga. "W-wala,d'ba masamang damo ka naman kaya hindi kapa kukunin ni lord."nginiti-an 'to ni Tresh si J-rose nang sobrang laki samantala si Bakz na tampal ang noo nito. "Mas maigi pa nga Hija umuwi ka na muna baka kasi hinahanap ka na din sa inyo halos buong day off mo dito muna inubos"diretsong saad ng Ginang. Pagkalabas ng pinto ni J-rose.Tumayo muna 'to at inantay na mag-isa nalang si Tresh at binalikan. "Huwag kang pakampante na ikaw ang gusto nila.Hindi ako madaling kalaban My dear." Nangatog ang tuhod ni Tresh pero hindi niya 'to ipinakita. "Alam mo ikaw babae ka,huwag ako ang tinatakot mo dahil sa dami ng pinagdaanan ko sa mga kaibigan niya matibay na 'to..Kung 'yan ang gusto mo,tinatanggap ko ang hamon mo,higad!" "Ano pinagsasabi mong higad,professional ako tapos binabastos mo lang ako?"tinuro nito ang sarili dahil halos hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Tresh,mukhang mahihirapan siya dito. Tumawa ng malakas si Tresh dahil sa sinabi ni J-rose."Look at yourself hindi ka lang mukhang pera,desperada ka pa." "A-ano ang ibig mong sabihin?"medyo nag iba ang anyo ng mukha nito na parang namutla kaunti. "Sige,bigyan kita ng clue.Baka naman andito ka lang dahil sa pera nina Bakz,"ngumisi si Tresh sabay yakap kay J-rose. "Wow, Hija magkaayos na kayo?"gulat na tanong Ginoo. "Obcourse Tito,alam mo naman mabilis ako magtampo pero mabilis din ako magpatawad right J-rose."Pero pasimpleng nitong tinaasan ng kilay. Umalis na tahimik si J-rose dahil gulat na gulat parin 'to sa sinabi ni Tresh. "Tresh umalis na ba si J-rose ang sabi kasi ni Daddy andito pa siya."saad ni Bakz "Iwan ko sa'yo buti pa siya hinahanap mo samantala ako waley,"nagtatampong saad nito. "Paano kita hahanapin lagi kanaman nakadikit sa akin." "Iyan pala ang gusto mo,pagnawala na ako sa buhay mo saka mo ako hahanapin?" Umakyat ang dalaga na masama ang loob.Pagdating sa silid nila ni Bakz nagtalokbong 'to ng kumot at hindi na bumababa. "Tresh bumababa kana kakain na tayo.Si Betino sana susundo dito kaso natakot daw siya sa'yo dahil galit ka pa sa kanya."paliwanag ng Ginang. "Sorry po Tita wala talaga akong gana,kanina pa masama ang pakiramdam ko.Inaantok ako lagi,tapos may gusto ako kainin pero hindi ko alam." "Sige Hija,naiintindihan ko kaya hindi kita pipilitin basta kung gutom ka at ayaw mo kausapin si Betino,tawagin mo lang ako.Take care of yourself."makahulugan na saad ng Ginang "Darling,psstt,Darling halika dito." "Nene ano nangyari kay Ma'am parang teenager itong makatawag kay Sir sobrang kinikilig." Napailing si Bakz sa mga magulang nito dahil daig pa nila ang kinsi anyos. "Darling bakit buntis kana?"nakangising tanong ng Ginoo. Hinampas naman ng Ginang ang Ginoo dahil sa kalokohan nito. "Ano ka ba,nakalimot ka ata na apat na taon na akong walang regla kaya nga gumagamit nalang tayo ng lubricant gel dahil tuyot na."Ingos nito sa Ginoo. Tumawa ang Ginoo dahil sa reaksyon ng asawa. "Darling, I think si Tresh buntis kasi this past few days masyado siyang mainitin ang ulo tapos lagi siya nagseselos,gusto lagi matulog at walang gana kumain,"excited na saad ng Ginang. "Hindi na ako makapag-antay makita ang apo natin."masayang wika ng Ginoo. "Hind pa natin sigurado Darling,pero ang anak mo pagsabihan mo iyan na huwag panay dikit muna kay J-rose kasi mukhang nagseselos si Tresh naku...naku..pagnagkataon lalabas ang apo natin magkasalubong ang kilay." "Mom,Dad halos isang oras na kayo nabubulungan diyan,a-akyat na ako dahil tapos na ako kumain."paalam ni Bakz sa magulang nito. Nang matapos ang masayang haponan ng pamilya maaga silang natulog dahil gusto ng magulang ni Bakz na dalhin si Tresh sa hospital para i-confirmed na buntis nga 'to Samantala si Bakz hindi na ginising si Tresh dahil tulog na tulog 'to ng pumasok sa silid. "Hala ano na oras na,napasarap ang tulog ko yata."Nilingon niya si Bakz na mahimbing na ang tulog.Nag-unat muna 'to bago bumangon at pumunta sa biranda ng kanilang silid..Bilog ang buwan kaya natatanaw niya ang malaking lupain na nakapalibot.Bumalik 'to sa silid dahil may gusto siyang makita. "Maylabs,gising,samahan mo ako doon sa kabila gusto makita ang mga manok,"excited na saad nito sa Binata. "Tresh mahiga ka muna,masarap matulog."saway nito sa Dalaga. "Maylabs please gusto ko makita ang dumi ng manok, ang kulay itim."nakangiting saad nito. Napatalon si Bakz sa higaan dahil sa sinabi ni Tresh."Tresh nagbibiro ka ba?ginagawa mo 'to dahil galit ka d'ba sa akin dahil sa kay J-rose?"namumutla na saad ni Bakz,halos sobrang isang buwan na sila dito at naaala niya na minsan hindi pa 'to nadatnan simula nang may nangyari sa kanila. "No,hindi 'to pwedi."bulong nito sa sarili at sinabunutan nito ang sarili dahil may idea siya sa kinikilos ni Tresh ganito rin dati si Marie. "Kung hindi mo ako kukuhanan ako ang baba para pumunta doon."turo nito sa kabilang bakuran. "Sige ka bumaba ka para pumunta doon may aswang diyan,bahala ka sa buhay mo kung gawin ka midnight snack nila.Tiba-tiba panaman sila sa'yo dahil sa malulusog mo na bundok." Ngunit si Tresh walang pakialam at diretso sa pagbaba.. "Nalintikan na.Pasaway talaga ang babae na 'yon."Nqsuot 'to ng short at tumakbo na pababa. "T-tresh antay,huwag ka lumabas dahil maraming talon diyan sa kabila baka mapaano ka!"sigaw ni Bakz "Bahala ka sa buhay mo kanina nakiki-usap ako sa'yo pero ayaw mo."Nagtatampong saad nito. "Inday bugtaw ano daw hambal ni Sir may maraming Talong na nahuhulog daw?"pahikab-hikab na tanong ni Nene. "Pakk,kahit kailan Nene bingi ka,ang sabi ni Sir Talon.Bumangon ka na diyan at lumabas na tayo mukhang nag-aaway yata sila." "Tresh anak saan ka pupunta?"nagtatakang tanong ng Ginang. "Tita kasi ang anak mo,nagpapasama lang naman ako manguha ng ipot ng manok,'yong itim na itim,"para 'tong bata na nakanguso pa. "Hija as in ang ipot ng manok,yong galing dito?"itinuro ang puwit nito. "Yes,Tito."Ngumisi 'to at tuloy-tuloy na lumabas. "Ewwww,Darling kadiri naman ang pinaglilihian ng manugang natin ang saklap."Diring-diri 'to,ngunit ang Ginang chill lang. "Inday,Toto at Nene buti naman andito kayo. Puntahan niyo ang ibang tauhan at paki-usapan na pupunta tayo doon sa poultry upang manguha ng itim na ipot ng manok." Napakamot ng ulo ang tatlo dahil sa inutos nito.3 am ng umaga palang. "Ano iyan darling?saan ka pupunta na planeta at ganyan ang suot mo na damit!"Nakasuot 'to ng mask,naka boots at gloves pa 'to. "Sir handa na kami,"nakasimangot lahat 'to at may dalang mga lampara kahit maliwag ang buwan mabuti na ang sigurado. "Maylabs ayon ohh,ang dami nila,"nang pumasok si Tresh agad naman nagsiliparan ang mga manok sa malilit na puno kung saan sila natutulog.Ang isa muntikan na mahagip si Bakz kaya tumili 'to. "Ewww,ang baho talaga," nadakot nito ang isang tumpok na dumi ng manok kaya nagsisigaw ang Ginoo. "Ai naku,nayawa na sigaw naman ni Toto habang habol-habol ng inahin na manok." Samantala ang Ginang seryoso sa paghahanap."Darling kung hindi lang dahil sa apo natin hindi ko 'to gagawin,"padabog 'to habang naghahanap. "Ma'am 'to ba ang gusto mo?"nakangising saad ni Nene. "Oo iyan,nga Nene."Tuwang-tuwang sigaw ni Tresh. "Paano mo nakuha iyan Nene?"nakangiting saad ni Tresh. "Nilook ko ang manok Ma'am tapos pinakita ko ang gakintab na kutsilyo tapos ginhambalan ko lang siya nga gol-gol leog o maite ka?Te nag-ililipot sa it kulba eh." "Ano daw ang sabi niya Dad?"salubong ang kilay ni Bakz dahil hindi niya maintindihan si Nene. "Ang sabi niya anak,sinakal niya daw ang manok tapos pinakitaan ng kumikintab na kuntsilyo pagkatapos pinapili niya ang manok kung lalaslasin niya ang leeg nito o dudumi siya,kaya dahil sa sobrang kaba ng manok kusa lumabas ang dumi nito. "Iba ka talaga Nene,love na love nakita.Maylabs kunin mo na,"masayang utos nito kay Bakz. "Saan ko ilalagay?"tanong ni Bakz. "Dito anak may dala akong plastik." "No,Tito! Nene pakilagay sa palad niya." "Putang-ina parusa ba 'to?"nang nilagay ni Nene sa palad nito halos maluha si Bakz sa kakasuka. "Mom,tama pa ba ang pinapagawa niya sa akin?" "Anak ganyan talaga, sa iba nga sobra pa diyan.Sundin mo na lang para sa anak mo." "Dapat kasi si Daddy ang gumawa nito dahil siya ang may gusto na magkaapo." "Bakit anak kinalabit mo ba ako ng pumasok ka sa kuweba ni Tresh,hindi d'ba?"pilyong wika ng Ginoo. "Darling parang gusto kung humawak ng shotgun ulit." "Darling naman nagbibiro lang naman ako." Pagkatapos masiyahan ni Tresh sa pinagagawa nito kay Bakz umuwi na sila at medyo maliwanag na dahil mag alas 5 am na ng umaga.At ang mga tauhan ay naghanda na lang ng almusal.Samantala si Bakz halos dalawang oras na naliligo.May tanglad,dahon ng kalamansi at kung ano-ano pa ang itinuro ni Toto para ikuskus sa kamay ng Binata kung saan nilagay ang dumi ng Manok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD