Authors note: pasensya na kung hindi po kung may mga maling grammar or typos, please enjoy reading guys.
Stay safe y'all
________________________________________________
Zenaya
Nagising ako dahil may ingay sa labas, siguro ito yung mga ka dormmates ko, nakakatuwa nga dahil may sarili akong bathroom dito, naligo muna ako bago bumababa pero katulad lang din ng suot ko kanina ay ganun ulit ang suot ko ngayon simpleng damit lang, ginawa ko lang messy bun ang aking buhok dahil sobrang haba na nito, tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago tuluyan bumaba.
Sinilip ko muna sila sa hagdan na mukhang nagaaway sa kung anong dahilan, mukhang hindi naman nila napansin na bumaba na ako sa aking kwarto.
"Nandito na yung bago nating dorm mate!" Sabi ng isang babae na kulay light brown ang buhok nito duon sa babae na kulay dark brown naman ang buhok pero may mga highlights.
"Mabuti naman at may bago nang mukha akong makikita dahil sawang sawa na ako sa pag mumukha mo." Kalmado na pagkakasabi nung babae duon sa isa na nakasimangot na ngayon.
"Bakit satingin mo hindi nakakasawa pagmumukha mo?! Hoy ako din ano sawang sawa na sayo!" Pagalit na salita ng babae duon sa kalmado na babae ang cute naman niya, nakakatuwa sila tignan.
Natigilan sila sa pag aaway ng kumatoko ako ng mahina sa hawakan ng hagdan dahil kahoy ito kaya pwede may magagawang tunog ito, napatingin naman sila saakin at ilang beses na kumurap na para bang nakakita sila ng multo.
"Uhm, Hi? Ako nga pala bago niyong ka-dorm." Pagbabati ko sakanila, napatingin sila saakin at ngumanga sila, may mali ba akong nasaba? Yung mga mata nila kanina na malaki mas lumaki ngayon, this is making me more nervous!
"Ohhh myy goshhh!! Manika na nagsasalitaaaaa!!! Kyahhhhh!!!!!" Sigaw nung light brown ang buhok, huh? Manika? Ako ba? Hindi naman ako manika eh
"Hindi naman ako manika, ako si Zenaya, bago niyong ka dormmate." Sabi ko sakanila pero mas lalo lang silang nagugulat
"Your so beautiful Zenaya pero ngiti ka naman, wag masyado cold okayy??? Nga pala ako si Aira." Pag papakilala nung light hair ang buhok at ngumiti naman ito saakin
"Kaya nga girl, masyadong scary ang iyong aura hahahaha ako naman si Irene, kambal kami ni Aira, pero grabe ang ganda mo! Dinaig mo pa ang mga princess dito sa ganda mo." Pag papakilala naman nung dark brown na hair, kaya pala magkamukha sila.
"Ano ba kayo kung makapagsalita kayo parang hindi ako tao, magaganda din naman kayo." Matapos kong sabihin yun bigla ako napatakip ng tenge dahil sa tili nila.
"Uhm pwede ba na umayos kayo, masakit kasi sa tenga." Sabi ko sakanila, I know masyadong feeling close pero kasi sobrang sakit sa tenga eh.
"Ah eh pasensya na, hindi lang namin mapigilan humanga sa ganda mo at lalo na at ----"
"Yung mata ko ba?" Seryosong tanong ko sakanila, nakalimutan ko sabihin sainyo nasa kulay ng mata malalaman kung gaano ka kalakas. Light hazel for novice, dark hazel for beginner, brown hazel for apprentice, icy blue for the practitioner and lastly for the expert will be the color of your attribute or power, and the color of my eye is icy blue, I belong to the practitioner pero yun lang ang alam nila but I'm already in the expert pero hindi naman ibig sabihin nun na malakas na ako, kakarating ko pa lang sa stage na ito last week and I can change the color of my eye if I want too and right now I choose icy blue kasi yun ang color ng ice.
Naging stiff sila at napalaunok bigla dahil sa lamig ng boses ko, akala ko ba ang ganda ko tignan? Pero bakit ngayon parang takot na takot na sila? Ang gulo din nila ano?
"Galaw galaw din guys, hindi naman ako na ngangagat." Sabi ko sakanila.
Tumawa naman sila na parang awkward ganun. "Uhm pasensya kana aa, hindi lang kasi kami makapaniwala na magiging roommate namin yung tsimis na may isang transferee na blue eyed daw which is ikaw."
Napakunot noo naman ako duon, tsimis? Ganun ba kabilis kumalat ang tsimis dito? Ngayon ko lang din napansin ang kulay ng mata nila, dark hazel so mga beginner pa lang pala sila.
Napansin ko na nakasuot lang sila ng casual attire. Simpleng shirt and nakapantalon yung isa naka shorts, and naka rubber shoes silang dalawa. Wala din naman pala sila pinagkaiba sa mga mortal, I mean dinala na ako nila Auntie sa mortal world para pero nasa kagubatan kami kasi kailangan nila pangalagaan ang kagubatan duon dahil trabaho din daw nila yun bilang fairy.
"Kukuha lang ako ng pagkain sa kitchen tapos mag kwentuhan tayo, okay? Lalo na at bago pa lang si Zenaya dito sa academy." Sabi ni Aira, tumango lang ako at naupo sa sofa, habang si Irene ay pumapalakpak pa habang tumatalon. Napailing na lang ako, ang isip bata niya.Nakakatuwa naman sila, at alam ko na magiging masaya ang pag stay ko dito sa academy.
Its not bad to have a friends at all.