Chapter 32 Mula nang mangyari ang inisan nila kanina sa kuwarto ay hindi na sila muling nag-imikan pa ng asawa n'ya. Mukhang wala na rin naman na itong balak pa na asarin pa s'ya dahil mukhang seryoso na rin naman na ito sa binabasa nitong magazine habang tahimik at seryosong nakaupo ito sa study table nito na hiwalay na nakabukod sa malaking master's bedroom nilang iyon. Natapos na rin n'ya ang lahat ng mga kakailanganin ligpitin at ilagay n'ya sa travel bags nila at ang sabi naman ni Wesley ay hindi na rin naman nila kailangan na magdala ng marami dahil pu-puwede naman nilang bilihin ang iba at kompleto naman ang hotel sa mga kakailanganin nilang gamit doon sa loob ng halos one week nilang magiging pananatili roon. She really need this vacation to unwind sa mga bagay-bagay sa buhay n'

